Lunes, Marso 23, 2015

Mischievous Identity (NEW STORY!!) Chapter 1


After 3 years of no updates, ngayon ay umpisahan ko nang muling maglikha. Buti na lang at ginising muli ako ng isang tagahanga na gawin muli ang aking naumpisahan. Salamat at may malasakit ka sa akin. Pasensiya na kung medyo pinaghintay ko kayo ng matagal mga readers. I'm here to continue the phenomenal story of ANG KWINTAS, ANG SNICKERS AT SI PATRICK but this time, the story hasn't any involvement to the main character which is Jacob and Patrick. Eto ay tungkol sa nagmahal pero laging sawi. Ang mundong iikot sa mundo ni Joseph, isa sa mga kaibigan ng dalawa. 

Sana'y magustuhan ninyong muli ang isa pang likha ng aking imahinasyon... 

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL. 
---------------------------------------------------------------------------------------

KABANATA I

"Forever?! Sus.. Isang malaking palaisipan yan..That is just a word.  Parang synonym rin yan ng ETERNITY tsaka EVERLASTING.. Panget pakinggan."

Nanatili ako sa pusisyon na kung sandal ako ng aking imahinasyon. Ang paghiga. Malalim kong iniisip ang bawat nagdaan sa akin. Yung sa bawat pag-iisip mo ay bigla kang ngingiti ng nakaw na sandali lang. Yung tipong iiyak o tatawa ka at iiyak kang muli. Parang ulupong na baliw lang. Pero sa kabila ng lahat ng yun.. Lahat ng kulitan, awayan, suyuan at tampuhan ay mayroon din pala syang ipapabaon sa akin. Isang alaalang nagpapayaman sa aking imahinasyon na hanggang ngayon baka sa panaginip ko na lang maramdaman at masilayan. 

Habang nakikinig ng mga bagong download ko sa iPod touch ko ay bigla akong nasurpresa sa isang tawag mula sa cellphone ko. 

"Sepie!! Tangina ka! Kamusta ka nang hindot ka!!"

Si Gino. Natawa akong bigla sa kanyang pagbati. TANGINA, isang gamit na salita na para sa amin. Wala lang yun. Tropa na kame ngayon. Dati ay kung sinong kilig to the bones ang hatid namin sa magbabarkada. Di ko alam kung bakit mas pinili kong maging magkaibigan kami. Baka hanggang dun na lang siguro. 

"Toma tayo mamaya hindot!"

"Di ko alam, landi! Si Jacob magkikita kami mamaya!!"

"Putanginang Jacob yan, bat ba laging kontrapelo yan sa buhay ko.."

"Umayos kang kingina ka! Di mo ako kilala, Si Jacob lang ang kaibigan ko, ikaw isa lang kitang kakilala ungas ka!!"

Bigla nyang binaba ang phone. Siguro nagalit sa akin sya sa binigkas ko sa kanya. 

Marami na ang nagbago simula nung 3 taon na di ko makita ang dati kong kaibigan. Si Jacob. Sa hinaba haba ng panahon na yun ano na kaya ang itsura namin? Dumami ba ang humuhumaling sa kanya?! Oh mas matindi pa rin ang kapit ng karisma ni Patrick sa kanya.. ?! Di ko mawari. 

Nga pala bago ko buksan muli ang istorya ng buhay naming magbabarkada, ako nga pala ulit si Joseph.. Joseph Sandejas, 25 anyos at dito parin nakatira. 

Apat kaming magkakapatid at ako ang panganay sa amin. Mahirap kasi sa isang tulad ko, tutok ako sa mga pananagutan ng mga kapatid ko kesa sa sarili kong kapakanan. Si Mama ko asa Taiwan na ngayon at nagtatrabaho sa isang pabrika ng cellphone samantalang si papa nagkaroon ng sakit sa utak siguro dahil sa lungkot na nadarama nya nung nangibang-bayan si mama. Kasalukuyang nasa institusyon siya ng pangangalagang pangmental sya sa Mandaluyong naka-detine. Kasalukuyan pa rin akong nagtatrabaho sa isang call center company na ilang taon na rin akong nagbibigay serbisyo sa kanila. 

Pinilit kong bumangon. Binuksan ang bintana na malapit sa bukana ng pintuan namin at sininghot ang umaga ng kinaiinisang lugar sa Maynila, ang Tundo. Sinasamyo ko ang mga alaalang hinatid sa akin ng mga kaibigan ko na di ko na alam kung naaalala pa ba nila ako ohh hindi nahh?! Siguro nga may kani-kanila na silang buhay. Hayyyy.. 

"Boss seph! May magpipick-up ng order dito.." 

Si Kuya Elmer. Siya yung katiwala ni Jacob sa business na tinayo nila. Pinaubaya sa akin ni Jacob itong business niya sa akin dahil may tiwala siya. Siguro halos ilang taon na rin akong namomroblema sa mga pinansyal ehh di pa niya ako nakakalimutan. 

"Ahhh sige bababa ako.."

Dali-dali akong bumangon sa kinahihigaan ko.. Sinuot ko ang aking mga tsinelas at padabog kong tinungo ang ibaba namin nang patakbo. 

"Oh ayos na ba yung mga naka-schedule na delivery natin?! Kay Aling Tenang?! Ohh si Aling Pining?! Tsaka yung kina Shane?! Ayos na ba?!"

"Sir inuna ko na po yung kina ma'am shane. Nagmamadali kasi sila.."

Sa biglang tingin may itsura talaga tong si Kuya Elmer. Matipuno at maputi ang mga ngipin pag ngumingiti. Di ko alam, siguro dahil sa identity ko na kalahati ehh nakakaramdam rin ako ng kalibugan sa kanya. Hindi. Mali ang ginagawa kong ito. 

Napailing ako habang naglalakad ako nang palayo sa kanya. Papunta ako sa bahay ng nanay ni Jacob para mag report tungkol sa sales ng water station nila nang bigla kong naalala ang isang bahay na malapit sa kinatitirikan malapit sa Pavia St. Ang silong na minsan ay naging makabuluhan sa buhay ng dalawa kong kaibigan. Si Patrick at si Jacob. 

Saglit ko munang tinungo ang bahay. Binuksan ang pintuan. Nadama pa rin dun ang kilig at ang samyo ng pagmamahalan ng dalawa kong matalik na kaibigan. Madilim pero di ko anda ang takot sa puso ko.. Hanggang sa mayroong humatak sa akin mula sa hagdan na kung saan balak kong pumanhik.. 

"Tangina, Sino ka?!" 

Linggo, Marso 22, 2015

Hakuna Matata!! Aloha people!!

Finally!! After 3 years of not opening this account now I am accessible!! Thanks for my neurons and protons for pushing me too far just to remember my 13 letter of my password.. Kidding aside!

Hey guys! I'm going to put here some of my latest masterpieces since I activated this account once. Also please try to open my second account, pINNOHy14.blogspot.com to read my previous post.

Can we just start doing maaaah thing here?! Hihi

I am sooo much missing writing. Writing really wakes me up again..