Lunes, Nobyembre 28, 2011

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 19)



Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Sa mga nagpa-follow ng blog ko, Maraming Salamat sa patuloy na suporta na maibahagi ko sa buong mundo ang buhay ko, ang karanasan ko sa mundo ng ikatlong lahi at higit sa lahat, sa pagmamahal ko sa isang taong nagmahal sa akin ng lubusan.. SI PATRICK!!

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, Nujum, LightRundle, Erion, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

---------------------------------------------

Part 19

"Joseph, oh, bat napasugod ka ng hindi oras dito?" sabi ni mommy habang inaayos ang dadalhing isang box ng bote sa water station sa labas.

"Mommy naman, may sasabihin si Joseph sa akin eh!! Ikaw talaga!!"
Sabi ko na may halong pagkayamot dahil sa pagkabitin sa sinabi sa akin si Joseph.

Nang nasiguro na ni mommy na kumpleto na ang bote ay napagdesisyunan na niya kaming iwanan sabay bilin sa akin na bantayan ang bahay. Napabalik ako ng tingin kay Joseph at nagsabi na ng saloobin ko.

"You know what, Joseph, I love Cheney with all my life. Napansin ko this past few days na mas nagiging close sila ni Lei over me. Nagseselos ako!! Totoo iyon!! Wala akong choice kaya nagawa ko yun kay Lei."

"Jay, mali eh!! As in sobra!! Wag ganun!! Hindi mahal ni Lei si Cheney!! Na-concern lang siya kasi tinuturing niyang ate si Cheney. Tulad ng sa'yo. Di ba kuya ka niya, alam mo yan, bro!! Dahil mas kilala kita kaysa sa mga kabarkada natin!!" paliwanag ni Joseph habang nakatingin sa akin.

"Si Lei kasi eh!! Pasensiya na bro!!(bigla akong napaiyak) kasi silang dalawa, parang mas close sila sa isa't-isa eh. Parang antagal na nilang magkakilala?! Ayun ang dahilan kung bakit ako naging ganun sa kaniya!!"

"Bro.. Kahit bali-baligtarin mo ang pangyayari, Mali ka pa rin. Oh! You should never, never doubt what nobody is sure about. Ayan tuloy ang nangyari sa iyo. Tsk..tsk..tsk.."

"Teka ano ba yung gusto mong sabihin sa akin kanina about Lei?!"

"Oh, forget about it!! Wala na naman akong pakialam dun eh. Basta, ang gawin mo bro, try to fixed everything!! Wag mong ipapabukas, kundi ngayon na!!"

Binuksan ni Joseph ang isang bote ng Colt 45 gamit ang ngipin nito. Napahanga ako dahil bihira lang ako makakita ng ganung style.

"Putah, bro.. Innate yang talent mo ah?! Kailan mo pa natutuhan yang ganyang style ng pagbukas?!"

"it's all about genes, bro!! Hehehehe..." sabi ni Joseph sabay tapik sa balikat ko.

Nag-inuman kaming magkasama hanggang sumapit ang alas ocho ng gabi. Buti na lang at tinext ako ni Joseph para masabi ko ang lahat-lahat ng gusto kong sabihin. Masakit para sa akin na pagselosan sina Cheney at Lei, at ngayong na-confirmed ang hinala ko na hindi pala totoo, parang gumuho ang galit ko sa kanila. Gusto kong ibalik ang lahat-lahat ng nangyari sa aming tatlo bago pa nangyari ang hindi inaasahang komosyon naming dalawa ni Lei. Gusto ko siyang mapatawad, gusto ko ring ibuhos ang aking nararamdaman sa mali kong move na ikinasira ng aming relasyon na matagal at halos 3 years kong pinangalagaan.

Tinext ako ni Cheney at sabay humingi ng sorry. Pinapapunta niya ako sa bahay nila para pag-usapan ang lahat ng nangyari kanina noon sa eskwelahan. Ngreply naman ako at agad pumunta sa bahay nila pagkatapos.

Nandun si Lei. Nakayuko habang inaayos ang nasira niyang salamin. Bigla akong naawa sa baby bro ko kasi iyun lang ang tanging salamin na gamit-gamit niya simula nang nagkakilala kami noong 2nd year. Nasa harapan si Cheney ng gate nila at sabay yaya sa akin na pumunta sa loob.

"Cakie, marami kaming dapat sabihin sa'yo.. Tungkol sa akin, tungkol kay Lei. Pero maupo ka muna diyan."

Pinaupo ako ni Cheney. Nakayuko pa rin si Lei. Masakit isipin na aabot sa ganito ang sitwasyon naming tatlo, nang dahil sa selos at sa maling hinala ko para sa kanila.

"I know, it's hard for you to tell, pero, I have to live my life for 3 to 6 months. Oo, the doctor had already declare me that I couldn't longer survive the chemotherapy. I have the chances of 35% survive. I have Acute Lymphocytic Leukemia and I'm on my pre-terminal stage. This form of Leukemia is rapidly progressing that is characterized by the presence in the blood and bone marrow of large numbers of unusually immature white blood cells destined to become lymphocytes. Mahirap para sabihin, pero the doctors have discovered that my bone marrow is too weak for me to create another red blood cells, that's why you noticed that I was felt dizzy and weak this past few weeks." sabi niya habang nakaupo ng hindi nakatingin sa kanya.

"Our school, together with our school clinic has just give me 3 weeks to spend each of you in school before I will file my leave of absence that might end, in gods will, until I am fully recovered. Ayaw kong sabihin ito sa iyo, pero, hindi maiwasan ni Lei ang sakit at hirap na nakikita niya sa akin kaya inakap niya ako na naging dahilan para pagselosan mo siya. Mahal kita, at alam ko din na mahal mo siya.. Oo, matagal ko nang alam na nagmamahalan kayo!! I knew this even before. Kahit masakit sa akin, pero tanggap ko na iyon, kaya Jacob, gusto ko na MAHALIN MO SI LEI tulad ng pagmamahal ko sa'yo!!!"

"Stop playing fool in front of me, Cakie!! I know, you're doing this just because you want me to love Lei over you!! Don't be too insensitive!! Oo, mahal ko siya!! Pero mahal din kita!! I don't wanna give up our relationship in an instant!! and please, I don't have the heart to play tricks together with all of you!!" sigaw ko sa kanila sabay turo sa kanila.

Napatayo ako sa kinauupuan ako sabay alis sa kanila. Ewan!! Hindi ko alam kung anong gagawin. Tumakbo akong papalayo sa bahay ni Cheney. Umuwi sa bahay at nagkulong sa kwarto. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Nalilito ako! Totoo ba ang narinig ko na iiwanan na ako ni Cheney? Paano na ang pagmamahal ko sa kanya? Hindi ba niya pinapahalagahan ang pagmamahal ko sa kanya? Insensitive ba siya? O sadyang binubuhay lang niya sa puso ko si Patrick sa katauhan ni Lei. Nalilito ako!!!!!!!!!

Kinuha ko ang sentimental box ko na medyo naalibukan na sa aparador sa ibaba. Binuksan at nakita ko ang nag-iisang picture naming tatlo. Kinuha ko iyon at tinignang mabuti. Ang babata pa namin, at ang sasaya. Si Patrick, nakaakbay sa leeg ko, samantalang naka peace-sign si Cheney at nakangiting nakaharap. Bigla akong napatawa. Naisip ko na sa pagkakataong iyon na ang magkakaibigan sa masayang larawan ay unti-unti nang magkakawatak-watak sa paglipas ng panahon hanggang sa napayuko ako. Umiyak. Inilabas ko ang lahat ng hilahil ko simula nang nag-away kami ni Lei hanggang sa pagtatapat ni Cheney ng kanyang nakakamatay na sakit. Nagmahal lang ako ah?! Wala akong ginawang mali sa mata ng diyos! Pagmamahal ang tawag dun!! At iyon ang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa kabila ng pagkakawatak-watak ng pamilya ko!

Umiyak ako. Tumangis. Bumilang ang mga luha ko sa pagpatak hanggang sa tuluyang bumagsak na parang napakalakas na ulan. Bakit ako pinabayaan ng mga minahal ko? Bakit ako sinaktan nila na ang tanging hangad ko lang sa buhay ko ay ang mahalin nila? Ang sakit!! Naninikit hanggang sa mga kalamnan ko at mga ugat nito. Para akong sinampal ng napakalakas ng mga mahal ko sa buhay bilang ganti sa pagmamahal at pagkalinga sa kanila.

"Bakit!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Napakapit ako sa kutson ng hinihigaan ko. Ang tangis na naramdaman ko ay nagiging mapusok sa paglipas ng oras. Para akong baliw! Ipinagkait sa akin ang mga oras na kailangan kong lumigaya sa gitna ng pag-iwan sa akin ng mahal ko. Sana pinatay na lang nila ako!! Sana sinaksak na lang nila ako sa likod. Sana hindi ko na lang sila nakilala!! At sana, Sinumpa na lang nila ang mga oras na una ko silang nakilala.

Pinilit kong balikan ang lahat-lahat ng nangyari sa akin sa buong isang araw. Ang hirap ipaliwanag. Isang araw na puno na hinagpis at pagtangis. Sa pagbabalik-tanaw ko ay bigla na namang bumugso, hindi isa, kundi dire-diretsong daloy ng luha na ramdam ko mula sa mukha ko hanggang sa dibdib ko. Biglang nanginig ang mga kalamnan ko. Agad akong napahigang nakadapa sa kutson at naramdaman ko ang basang-basang unan sa mukha ko. Wala akong pakialam. Sa pagtangis ko, siguro matatapos din ito, pero ang sakit at galit sa puso ko ay hinding hindi magbabago sa paglipas ng panahon.

Hindi ko pala namalayan na nakatulog ako. Mukhang mahaba ang oras. Pinasya ko munang pumikit nang ako ay magising para hindi gaanong masakit sa mata ang biglaang pagdilat ko. Naalala kong muli ang nangyari sa akin. Oo nga pala, bilang na lang ang araw na makakasama ko si Cheney. At ang sidhi ng galit ko kay Lei ay muling bumalik. Makasarili siya. Sinarili niya ang kalagayan ni Cheney at ipinagkait niya sa akin ang katotohanan tungkol sa pagkakasakit niya. Wala siyang pinag-iba kay Patrick!! Wala talaga!!

Tinext ako ni Cheney at tinatanong niya ako kung ok ako. Hindi ako sumagot. Napagdesisyunan ko sa sarili ko na hindi ko sila papansinin hanggang sa mawala ang kirot sa katotohanang ipinagkait. Masama na kung masama, pero kailangan kong gumanti sa kanila.

Dumating ang oras na kinailangan kong pumasok sa eskwelahan. Napansin ko na namumula ang mga mata ko. Hindi ko maimulat ang isa, kaya pumunta muna ako sa CR para maghilamos at magawan na rin ng remedyo ang namumulang mata ko. Pinatakan ko ito ng eye-drops. Medyo um-Ok naman. Sakto at kailangan kong pumunta sa school para mag-practice mag cotillion mamaya.

Nakita ako ni mommy na namumula ang mga mata ko. Pinuna niya iyon sabay lapit sa akin at ako ay tinanong.

"Bunso, alam ko na!! Wag mo nang sabihin ang tungkol sa nangyari sa iyo nina Cheney kagabi. Pasensiya na anak at nabigo din kita." sabi ni mommy sa akin habang nakaharap ng mabuti sa mga mata kp habang ako naman ay nakaupo.

"Tungkol saan, mommy?"

"Anak, wag kang sinungaling. Akala mo, hindi alam ni mommy ang lahat, Oo at alam ko ang pinagdadaanan mo. Si Cheney at Lei, Hindi ba?!" sabi niya sa akin.

Nakapamewang siya, senyales na mayroon siyang nalalaman sa akin. Ganun si mommy kasi lumaki ako na laging siya ang kasama ko. Mahal ako ni mommy, at ramdam ko iyon, dahil siya mismo ang nagtatanong sa akin kung ano ang nangyayari sa akin kahit pa noong bata pa ako, pwera sa pagmamahalan namin ni Patrick.

"Mom, I don't wanna cry!! Pwede, mamaya na lang?!"

Tumayo ako sa harapan niya. Agad niyang kinuha ang kanang braso ko sabay inilagay sa dibdib niya. Ganun si mommy, especially noong nag-open si Kuya Kenneth sa kanya sa Gender Preference niya noon.

"Bunso ko!! Mahal na mahal ka ni mommy!! Alam mo iyon. Minsan, kinakantahan kita, ano ba yon?(sabay tingin sa taas) ah!! Naalala ko na!!(pagkatapos ay tumingin sa akin) yung "SMILE" na kanta ni Charlie Chaplin.. Bata pa ako nun noong una ko iyon napakinggan. Alam mo ba bunso na kinakanta ko sa'yo iyon noong bata ka pa habang natutulog!! Gustong-gusto mong naririnig iyon sa akin. Nahinto lang iyon noong nagka-edad ka ng 13. Bata ka pa iho, pero ang dami-dami mo nang napagdaan sa buhay mo. Minsan nagmahal ka, pagkatapos ay nasaktan ka. Umasa ka na sana babalikan ka ng mahal mo. Lumipas ang mga taon at binuksan mo ulit ang puso mo para mahalin si Cheney. Naging masaya ako nun! Dun ko lang nalaman kung gaano mo ka-importante sa buhay mo si Cheney. Anak, tulad ka din ng mga kapatid mo. Nagmahal tapos nasaktan. Kaya tibayin mo ang iyong loob anak! Pagsubok lang iyan ng katatagan mo, patawarin mo sila!!"

Tama! Tama si mommy!! First time ko lang naramdaman sa kanya ang ganong feeling sa isang anak. Wala na akong pakialam kung kanino pa nalaman ni mommy ang mga nagyayari sa buhay ko. Ngayon ko lang napagtanto na may nagmamahal pala sa akin at iyon pala ay ang mga magulang ko na nagpalaki at nag-aruga sa akin noong pang bata ako. Hinele ako ni mommy pagkatapos niya akong payuhan gamit ang kanta na kinakanta niya sa akin habang ako ay natutulog noong bata pa ako. Ramdam ko sa kanya ang pagiging ina. Hindi tumagal at biglang dumaloy sa pisngi ko ang mga luha. Sa totoo lang, ayaw ko nang umiyak nun. Pero dahil sa pagkalinga niya sa akin ay biglang dumaloy mula sa mga mata ko ang luha na palatandaan na hindi ko pa kayang harapin ang bukas para sa aming tatlo. Lumuha ako hanggang dumating sa puntong napahagulgol ako sa dibdib niya na parang namatayan ng mahal sa buhay. Hinimas ni mommy ang likod ko sabay sabi niyang ilabas ko lang daw ang lahat-lahat. Sa isang umagang iyon, naramdaman ko ang pagkalinga sa akin ng aking ina na hindi ko naramdaman sa mga minahal ko sa buhay.

Limang minuto akong nakasandal sa dibdib niya. Nang pagkatapos ay napansin kong basang-basa ang daster na suot-suot niya. Kumuha ako sa kwarto nila ni daddy ng masusuot pamalit sa nabasang damit pagkatapos ay ibinigay ko iyon sa kanya. Medyo namaga pa ng lalo ang mga mata ko, kaya napagdesisyunan kong magsuot ng shades.

Umalis ako sa bahay dala ang pag-asang haharapin ko ang bukas para sa aming tatlo ni Cheney, at sa puntong iyon, ay handa at kaya ko na silang patawarin.

Nakita ako ni Hiro sa eskwelahan na nakasuot ng shades. Alam niya ang pinagdaanan ko kaya lumapit siya sa akin at nagsorry. Alam din pala niya ang kondisyon ni Cheney. Nahirapan daw silang sabihin sa akin ang totoo, kaya itinago nila sa akin ang katotohanan. Pinansin ko siya at tinapik sa balikat. Sa araw na iyon, ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako iiyak. Wala dapat na luha ang papatak sa akin dahil naibuhos ko na ang lahat kagabi at kaninang umaga. Sinamahan ako ni Hiro sa pila ko. Malungkot ang mukha niya. Parang apektado siya sa mga pangyayari sa pagitan namin nina Cheney.

"Ay, Jay, hindi pala papasok si Cheney. Mukhang may sakit siya. Nagtext siya sa akin at mataas ang lagnat nito. Jay, sana, wag na wag kang magagalit sa amin.. Hangad lang namin na intindihin ang kalagayan ni Cheney gayong may taning na ang buhay niya."

Hindi ako umimik. Masakit para sa akin ang ginawa nila, pero, kailangang kong nagpakatatag, tulad ng sinabi sa akin ni mommy, tsaka one more thing, sawa na akong umiyak. Napayuko si Hiro. Tinapik ko ang kanang balikat nito sabay sabing "It's alright!!"

Umiyak siya na tulad ko kanina. Buti na lang at naka-shades ako, kaya hindi niya rin alam kung umiiyak ako sa puntong iyon o hindi. Tulad ng sinabi ko kanina, hindi ako umiyak. Pinagmamasdan ko lang si Hiro na umiiyak sa akin. Kinuha ko ang ulo nito sabay nilagay ko sa dibdib ko. Mas grabe palang umiyak tong hunghang na ito. Akala mo, gagago-gago pero pusong mamon din pala!

Nagdesisyon akong umuwi na lang dahil ayaw kong me makakita sa section namin, o kaya sa buong campus tungkol sa nangyayari sa akin. Public Figure ako dito, kaya kailangan kong mag-ingat.

Nakarating ako sa daanan ng Pacheco St. at kaagad kong binagtas iyon. Sa dulo, as usual, mga tambay. Mga kababata kong tambay na walang inaatupag kundi makipag-inuman at maglaro ng pusoy dos sa harap ng tindahan ni Aling Perla. Tinawag ako nito para makipag-inuman, pero tumanggi ako. Tsaka na at kapag maganda ang mood ko.

May bigla sa isip ko na puntahan si Cheney. Gusto ko siyang makita at handang-handa ko na siyang patawarin. Sana, andun din si Lei para makausap ko ng puso-sa-puso.

Pumunta ako at nakita ko na sarado ang gate. Tinawag ko mula sa terrace nila si Cheney pero walang sumasagot, hanggang sa may lumabas sa loob ng bahay nila at nakita ko ang mommy niya. Pinapasok niya ako.

"Pasok ka iho, ikaw pala yan, Jacob.. Teka, diyan ka lang at tatawagin ko si Cheney sa kwarto."

Tinawag ni Tita si Cheney sa taas. Walang tao sa loob at ramdam sa bahay nila ang lungkot na talagang nararamdaman ko sa loob ng bahay nila. Tumayo ako at kinuha sa bulsa ng pantalon ko ang mp3 para magpatugtog ng kanta na kaka-download ko lang sa Limewire. Walang anu-ano, habang inaayos ang kurdon ng earphone habang nakatayo ay biglang bumaba si Cheney sa itaas. Ngumiti siya sa akin.

"Cakie, ikaw pala iyan, tena sa taas. Andun si Lei!!"

Agad akong sumunod sa kanya sa likuran habang umaakyat. Sa kwarto, nakita ko si Lei, natutulog sa baba ng kama ni Cheney. Hinayaan ko na lang siyang tulog para mabawi niya ang lungkot at pait ng sakit na nagawa ko sa kanya.

"Kamusta si Lei, Cakie? Naku, wag na wag mong pababayaan yang baby bro ko ah!! Love ko yan!!" pabirong sinabi ko kay Cheney.

"Oo naman, tsaka anong baby bro mo, baby bro ko din yan!! Kapatid ko yan noh!!" sabay gatong ni Cheney sa akin.

Tumawa kaming dalawa ni Cheney nang napansin kong umuungol si Lei ng bigla.

"Jacob... Jacob!! I missed you!!" ungol ni Lei habang natutulog.

"Oh, how astonishing!! Nagsasalita habang natutulog si baby bro ko!! Nakakatawa naman siya!!" sabi ko kay Cheney.

Bigla akong hinawakan ni Cheney sa kamay. Ramdam ko ang init ng mga palad nito. Naging seryoso siya sa pagkakataong hinawakan niya ako.

"Cakie, I know, it's hard!! Masakit talaga!! Hanggang ngayon, Hindi ko pa tanggap na hanggang 6 months na lang ako dito sa mundo. Acute kasi eh, Kung chronic, baka me pag-asa daw akong mabuhay.." sabi ni Cheney habang hawak-hawak ako sa mga kamay ko.

"It's ok, my cakie. Mahirap, pero uunti-untiin kong tatanggapin ang lahat-lahat. Masakit, pero kakayanin ko ito!!"

"My cakie!!"

Umiyak si Cheney sa harapan ko. Sa sobrang sakit dulot ng taning sa buhay niya. Oo, iilang araw ko na lang siyang masisilayan sa mundong ito, kaya, sino ba naman ako para magalit ng ganun sa kanila. Niyakap ko si Cheney. Nararamdaman ko ang init at luha na dumadaloy sa uniform ko. Umiyak siya at humagulgol. Agad kong tinanggal ang salamin sa mata ko at inilapag iyon sa kama niya. Hinipo ko ang mga buhok nito na mahahaba. Ang bango niya!! Parang binuhusan ng jasmine na bulaklak ang kanyang buhok. Ang gaganda ng bawat hibla. Ibang-iba talaga!! Tumingin ako sa mga mata niya pagkatapos umiyak. Pinunasan ko, gamit ang aking mga hinlalaki ang luha niya. Medyo namumula si Cheney at napansin kong lumalamlam ang kanyang mga mata na parang puyat kung iisipin. Hinawi ko ang buhok nito at inilagay sa kabilang parte ng ulo niya. Ang ganda niya. Namumula ang matangos na ilong nito. Ang mga mata nitong kulay brown na mahahaba ang pilik mata ang nagbibigay paalala sa akin ng pagkakaparehas ni Patrick sa kanya.

Nang natapos siyang umiyak ay hinalikan ko siya. Oo, gusto kong sulitin ang mga oras na nalalabi sa aming relasyon. Mawawala siya sa akin, pero ang pagmamahal at ang alaala na ibinigay niya sa akin ang tangi kong kayamanan na minsan, sa buhay ko, nagmahal ako ng isang kaibigan, bukod kay Patrick.

Walang anu-ano ay biglang naalimpungatan si Lei. Agad niyang kinusot ang mga mata. Nang nakaaninag ay nakita niya akong kayakap si Cheney.

"Kuya.. Ikaw ba yan?! Bumalik ka na, Big bro ko?!" tanong niya habang kinukusot pa din ang mga mata nito.

Tumayo si Lei at sabay inalalayan ni Cheney. Pinaupo niya ito sa kama niya sabay bumaba para kumuha ng makakain. Tinitigan ako ni Lei. Ngumiti ako. Nang nakita niyang ngumiti ako ay napatayo siya sa harapan ko at niyakap niya ako sabay halik sa pisngi ko.

"Kuya ko!! Kuya ko!! Sorry for everything I have done!! Nagawa ko lang iyon dahil ayaw kong nakikitang nasasaktan si Cheney!! Sorry big bro!! Sorry talaga!!!" sigaw niya habang tumatangis habang nakayakap sa akin.

Habang kayakap ko si Lei, agad akong dumungaw at nakita ko sa likod niya ang salamin na basag. Sa kanya ito. Ito yung salamin na tinapakan ko noong nagalit ako sa kanya. Inilapag ko ang salamin sa kama ni Cheney sabay kuha sa mukha ni Lei gamit ang mga dalawa kong mga kamay.

"Baby bro, nakita ko ang salamin sa likod mo. Alam mo, iyan ang unang nagustuhan ko sa'yo, bukod sa matalino ka at love na love mo si Big bro..!!"

Kinuha ko ulit ang salamin. Ipinakita ko sa kanya ito. Habang hawak-hawak, kinikilatis ko ang sira at kung papaano ko ito natapakan.

"Baby bro, ako ang dapat magsorry sa iyo. Alam mo, love na love ka ni Big Bro!! Sana love mo din siya, tulad ni Big bro sa baby bro niya. Teka, ako na ang bahala na palitan ang salamin mo. Ako nakabasag niyan, kaya hayaan mong ako ang magpalit niyan." sinabi ko habang nakatingin sa basag na salamin.

Niyakap ulit ako ni Lei. Ramdam ko sa likod ko ang init ng mga luha niya na bumabakat sa uniform ko. Ramdam ko din ang bango ng uniform niya na kahit ilang araw niyang suot iyon ay nanunuot pa rin sa damit ang pabangong nagpapaalala sa akin sa una kong minahal. Tiwala ako sa puntong ito, simula ngayon, bubuuin ko ang unti-unting nawawalang pagkakaibigan naming tatlo nina Cheney at Lei.

Lumipas ang isang linggo na mgkakasama kami. Dun kami sa kwarto ni Cheney nakatambay. Ang saya naming hinarap ang mga pagsubok ng aming samahan. Binili ko ng salamin sa mata si Lei na naghahalagang 2,000 pesos. Tinanong niya ako kung saan daw ako nakakuha ng ganoong kalaking halaga, pero hindi ko na lang siya kinibo. Andun din ang mga barkada ko, sina Jayson, Joseph, Nikol at Hiro. Minsan, pumupunta sa bahay ni Cheney ang mga hunghang kong mga kaibigan at nanggugulo kaya ang malungkot na bahay nila ay unti-unting sumasaya ng dahil sa amin. Napapansin ko din na mas madalas siyang lagnatin at sobra kung pagpawisan, buti na lang at mayroon siyang gamot pang-maintennace para mawala ng kaunti ang mga nararamdaman nito. Sa eskwelahan naman, tulad ng dati, magkakasama kami nina Lei at Cheney. Minsan, nagamit ko ang impluwensiya ko sa school noon kaya malaya akong maglabas-pasok sa buong campus para bumili ng Jolibee malapit sa Puregold Tayuman na pinagsasalu-saluhan naming tatlo.

Tinutulungan namin si Cheney sa nalalapit na JS Prom para maging organizer ng isa sa pinaka-importanteng okasyon ng bawat estudyante. in fact, may binubuo kaming supresa ni Hiro, katulong ko na mag-organized ng JS Prom para sa kay Cheney.

Hindi ko din sinabi ang tungkol sa pagkikita namin ni Patrick. This time, gusto ko silang sopresahin dahil sa wakas ay makikita ko na ang pinakamamahal ko sa buong buhay ko. Alam na pala ng barkada ang tungkol kay Patrick, kaya wala na akong dapat na ilihim pa, bukod lang dito sa mangyayari sa amin sa February 5. Sana, dumating si Patrick!! Sana mahagkan ko siya!! At sana, matuloy na ang naunsyami naming pagmamahalan.....

Itutuloy....

Biyernes, Nobyembre 25, 2011

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 18)



Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, Nujum, LightRundle, Erion, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

---------------------------------------------
Part 18

"Cheney, are you Ok?! Kung gusto mo, ihahatid muna kita sa inyo, kung di mo talaga kaya?" tanong ko kay Cheney habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep.

"Cakie, I'm all fine! Siguro stressed lang ito dahil sa pressure sa school. I can handle myself, so don't worry!!" sabi niya habang minamasahe ang magkabilang sentido ng ulo.

Nang huminto ang jeep sa harapan namin ay kaagad kong pinasakay si Cheney. Mukhang may tinatago siya sa akin noong mga panahong medyo hindi maganda ang pakiramdam nito.
Nang nakasakay kaming dalawa sa jeep, malapit sa labasan, ay agad na sumandal sa kanang balikat ko si Cheney. Napapikit siya ng hindi oras. Hinawakan ko ang mukha niya. Mukhang may pinagdadaanan nga! Kilalang-kilala ko si Cheney dahil 10 years ko na siyang kaibigan at 4 years naman kaming maging magnobya. Namumula si Cheney, mas maputi si Lei sa kanya kaya medyo naaninag ko sa kanya ang mamula-mula nitong balat. Matangos ang ilong nito at na aakalaing mo'y parang pinagbiyak na bunga sila ni Lei. Pinunasan ko ang pabagsak na mga luha niya dala na rin siguro ng paghikab niya bago sumandal sa akin.

Nakapunta kami ng school ganap na alas 6:15 ng umaga. Medyo madami ng tao at hinihintay na lang ang flag ceremony bago kami pumunta sa classroom. Magkatabi lang kami ni Cheney ng kwarto. Section 2 kasi kaming dalawa ni Lei samantalang section 3 naman siya. Alalang-alala pa rin ako kay Cheney noong mga panahong medyo matamlay siyang nakatayo sa pila niya. Binati siya ng mga kaklase niya pero parang walang narinig ang nobya ko sa kanila.

Hindi ko muna pinansin si Cheney at baka dumagdag lang ako as one of her stressors sa kanya, kanya nagpasiya muna akong kausapin si Arah, still consistently President ng section namin, simula 3rd year. Nag-usap kami tungkol sa mga mangyayari sa JS Prom sa February. Motive na kulay daw para sa mga girls, kung magsusuot ng gown ay kulay blue, para sa mga senior tulad namin, at pink naman sa mga juniors. Malaya daw kaming mga lalaki na pumili ng isusuot namin, ayon sa gusto, basta formal at elegante. Sa mga sasayaw naman sa cotillion, kasama daw akong sasayaw dahil naging Mr. Junior ako last year. Pili lang ang sasali para sa JS ball kaya't buti na lang at isa ako sa mga napili.

Si Cheney ay isa sa mga organizer ng JS Prom. Mamaya ay aattend siya sa meeting na gagawin ng Ang Barranggayette-SSG council para plantsahin ang gagawing aktibidades sa di-makakalimutang araw na iyon ng nga tulad kong gagraduate na sa March. Makayanan kaya niyang asikasuhin iyon, gayong panay ang sakit ng ulo niya sa di-malamang dahilan?

At last, at nakita ko sa pila si Lei. Mukhang late na naman siya. Pinuntahan ko siya para malaman ang dahilan ng pagkaka-late niya at tulad ng sinabi niya sa text, ay ang dahilan ng pagkakalate niya.
Nagsimula na ang flag ceremony na ang kaklase ko ang nag-lead ng prayer at national anthem, tapos yung sophomore na section one naman ang nag-panatang makabayan at maya-maya'y nagsimula nang umandar ang pila papunta sa mga room.

Nakita ko si Nikol, Hiro, Jayson at Joseph na magkasama. Hinila ako ng isa sa kanila sabay gulo sa naka- fly away style ng buhok ko. Agad kong sinuntok ang bayag ni Nikol para tigilan ako sa ginagawa nito sa akin at napaatras siyang bigla ng di-oras pagkatapos nun.

"Aw..... Tangina mo, Jacob!! Ang sakit!! Yung alaga ko pa pinuntirya mo!! Gago!!" sabi niya sa akin habang hawak-hawak ang itlog nitong mukhang nabasag ko.

"Sorry!!! aga-aga tapos guguluhin mo buhok ko. Dapat nga magpasalamat ka pa dahil iyan lang ang inabot mo sa akin!!"

"Loko ka, Jacob!! Pasalamat ka't kaibigan kita, kundi nagulpi de palo kita ng hindi oras!!" bulalas ni Nikol habang hawak-hawak pa din ang alaga nito at nagsimulang maglakad.

Para kaming mga baliw. Ang iingay namin sa corridor paakyat papunta sa room. Hiyaw dito, hiyaw doon. Buti na lang at kami ang unang-unang section na umakyat sa taas, kundi napagalitan kami ng mga nakapasok na sa ibang room.

Tanghali na nang magpasyang pumunta si Cheney sa meeting ng Ang Baranggayette-SSG. Nagtext siya sa akin at samahan ko daw si Lei na kumain sa canteen kaya niyaya ko ang kinakapatid ko na kumain kasama niya. Kinuha niya ang pulbos sa bag niya bago kami lumabas sa room at pumunta sa canteen. Tinanggal niya ang kanyang salamin. Nagpulbos siya at nang natapos ay pinatingin niya sa akin ang mukha nito kung pantay ang pulbos sa mga mukha niya. Hindi ko na lang sinabi sa kanya na medyo may natirang pulbos sa mga ilalim ng mga mapupungay na mga mata nito, kaya ako na lang ang nagpunas sa kanya gamit ang hinlalaki ko.

Nagpunta kami sa Library para silipin kung nandun si Hiro, pero wala daw siya dun. Kaya't nagpasiya na lang kaming dalawa na pumunta sa canteen at doon kumain. Nang pagkapunta ay naghanap kami ng uupuan namin at sakto kaming nakakita sa gilid ng canteen malapit sa pintuan palabas. Umupo kami at sabay lagay ng mga bag sa lamesa. Hindi sumama sa akin si Lei sa pila dahil may baon daw siya. Agad niyang nilabas iyon at tumambad sa akin ang Sbarro na mukhang binili ng Tita niya para sa kanya. Dalawang styro na nakaplastic ang inilagay niya sa lamesa. Pagkatapos ay umalis ako sa harapan niya at nagtungo sa bilihan sa harapan.

Tumagal ng 5 minuto akong nakapila sa harapan, kaya medyo mabilis ng kaunti ang andar ng pila compare sa mga araw na peak na peak sa dami ng estudyante na kumakain dito. Tumabi ako kay Lei sabay baba ng binili ko. Isang tasang laing at pritong isda at pagkatapos ay RC cola ang binili ko. Agad kaming nagsimulang kumain.

Habang kumakain, nakikita ko sa kanya na mukhang alalang alala siya na hindi ko mawari habang sinusubo niya ang kanyang pagkain. Mukhang may problema itong baby bro ko!! Kinuha ko ang isang styro na inalok niya sa akin sabay hati sa gitna para pagsaluhan namin dalawa. Wala pa rin siyang imik. Ang tahimik niya. Para silang dalawa ni Cheney na balisang-balisa na hindi ko mawari. Hanggang may natanggap akong message mula sa CP ko na kinahinto ng aming kinakain sa sobrang gulat.

"hi jacob. This is me,mam Ortega. Kindly go here at the clinic together with Lei because Cheney was collapsed while we're having our meeting. Thanks!!"

Si Ma'am Ortega, ang isa sa mga organizer na kasama ni Cheney ang nagtext sa akin gamit ang number ni Cheney. Hindi ko alam ang gagawin nun noong nalaman ko iyon. Agad kong pinahinto si Lei sa kinakain sabay iwan ang pinagkainan namin na hindi pa gaanong tapos.

Kumaripas ng takbo si Lei, wari'y siya ang pinaka apektado sa nangyari kay Cheney, gayong ako ang BF niya at dapat na gumagawa ng ganun sa kaniya. Pawis na pawis na hinanap namin ni Lei ang clinic at dun ay nakita namin si Cheney na kausap ang doctor sa loob.

"Cheney, what happened? Sabi ko sa'yo, magpahinga ka na lang sa bahay at ako na lang gagawa ng paraan para dun sa meeting mo eh.." Sabi ni Lei kay Cheney habang nakatingin ako sa dalawa.

"Sorry Lei, Matigas lang talaga ulo ko. Gusto ko kasing maayos agad yung meeting namin so I have nothing to worry para dun after all. I want to make that day, a very special to all of us!! Yun ang gusto ko!!" sabi ni Cheney habang nakatingin kay Lei na parang maiiyak.

"I understand!! Cheney!! I understand!!". Sabi ni Lei kay Cheney na mas nag-aalala pa kaysa sa akin.

Hindi na ako nagsalita dahil lahat ng gusto kong malaman kay Cheney ay nasabi na ni Lei. Kinuha ni Lei si Cheney sa akin at sabay yakap nito sa nobya ko. Hindi ko alam kung ano ang gustong ipalabas ng dalawa sa akin sa mga ginagawa nila sa isa't-isa. Para akong tanga nung mga araw na yon. Nagdududa na ako sa dalawa dahil parang mas alam pa nila ang nangyayari sa isa't-isa kaysa sa akin. Para akong iba para sa kanila. Parang antagal-tagal na nilang magkasama kung magturingang dalawa!!

"Mukhang nakakaistorbo ata ako sa inyo.... Aalis na lang ako! NAKAKAHIYA naman sa inyo eh!!" sabi ko sa kanila habang naglalakad papalayo sa kanila.

Oo, nagseselos ako!! Nagseselos ako sa dalawang espesyal sa buhay ko. Para kasing me tinatago sila sa akin.. Ilang araw at ilang taon ko na ring napapansin ang pagiging closeness nilang dalawa sa isa't-isa. Ewan ko ba kung magagalit o magtatampo ako para sa kanila, ngunit sa puntong iyon ay kailangan ko munang mapag-isa.

Mahal ko si Cheney, same goes with Lei. Pero mas lamang ng napakaraming beses si Patrick. Ang sakit!! Ayaw kong ipilit para sa sarili ko na may pagtingin si Lei kay Cheney. magkakaibigan kami, at ayaw kong masira iyon ng dahil sa maling persepsyon ko sa dalawa. Lumakad ako nang nakayuko. Dahan-dahan. Sa puntong iyon gusto kong lumayo sa kanila. Gusto kong ituon ang sarili ko sa mga nararamdaman ko para sa dalawa. Sana mali ang pananaw ko. Kung magkakatotoo, hinding-hindi ko papalagpasin si Lei at makakaaway ko siya lalaki sa lalaki, kung kinakailangan.

Habang lumalakad ay biglang pumasok sa akin si Patrick. Sana nandito siya at nakikinig sa mga hinaing ko sa buhay ko. Sana nandito siya para protektahan naman niya ako laban sa mga nagpapaiyak sa akin. Sana siya ang nagpupunas ng mga luha ko sakaling gusto kong ilahad ang mga masasasakit na nangyayari sa buhay ko. Sana , andiyan siya para sa akin. Sana nga!!

Nagpasya akong hindi muna kibuin ang dalawa. Ayaw kong tapakan ang pride ko sa mga nakita kong modes of affection nilang dalawa. Bumaba ako sa hagdan at pumunta ng library.

Sa library, pansin ko na walang gaanong tao. Wala si Ma'am Pelaez na adviser ng Booklovers Club kung saan member ako. Inilagay ko ang bag ko sa bag shelves. May biglang pumasok sa isipan ko na balikan ulit ang bag ko para tignan ang ibinigay sa akin ni Cheney kaninang umaga.

From: Jan Patrick V. Francisco

To: Mark Jacob C. Inocencio

Iyon ang nakita ko sa parang Christmas Card na hindi ko pa nabubuksan. Na-excite akong buksan iyon kaya hindi ako nagdalawang isip na sirain ang envelope nito.

"Have a blessed merry christmas and prosperous new year!!"

Maganda ang Christmas Card. Kulay pula ito na nakalagay ang unang letter ng pangalan namin na naka- intertwined sa isa't-isa. Ang ganda!! Parang naalala ko ang lahat-lahat! Nang binuksan ko ang Christmas Card ay ito ang nabasa ko.

"My dear Jacob.

Merry Christmas!!

This must be the first time that I write to you since I was went abroad. I long to you! I hope you feel the same like mine. It's been a long years that were not seeing and getting in touch for once ever since. By the way, how's my gift to you last time before I flew back from states? Did you like it? Well, I hope you have always wearing that.

You know what, I have a good news from you!! I'm already here in the Philippines because my mom wants me to finished my school and to earned a diploma here. Sorry if I can't make it up to you as of now because I have a lot of things to do. I was fascinated knowing that you're doing great in school and earned a lot of honors, Cheney has already told me about it. I hope your love and affection for me will always be the same as time goes by.

By the way, I want to see you in date and time that has written at the back of this letter. I'm expecting you to be there. I love you with all my heart and please, let us keep our love burning in our hearts as time flies by. I'm looking forward to see you there.

-Patrick"

Napansin ko na may naburang word sa totoong pangalan ni Patrick. Parang nabura gamit ang correctional ink. Siguro may kasunod pang pangalan si Patrick bukod dun. Hindi ko na lang yun pinansin. Nang tinignan ko ang likod ng Christmas card ay may napansin akong date, location, at oras na pagkakakitaan namin.

"February 5, 2005. Sto Niño Parish Tondo. 2:00pm. I'm expecting you there!!"

Masayang masaya akong nakita ko ang mga mensaheng ibinigay sa akin ni Patrick. Bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob para harapin siya. Gusto kong harapin si Cheney para sabihin sa kanya ang magandang balita hatid ng sulat na ibinigay niya sa akin. Pero, nagmatigas pa din ako. Kailangan nilang mag-sorry sa akin dahil para akong tanga na nanonood sa ginagawang modes of affection ng dalawa.

Agad kong inilagay ang sulat na mayroong mga ngiti sa aking mga labi. Para akong babae noong araw na iyon. Biglang tumibok ng napakalakas ang puso ko. Makikita ko na siya sa wakas!! After 9 years of not getting in touch. Ni hindi ko na nga maalis sa isip ko kung ano ang gagawin kapag sumapit ang oras at panahon na tinakda niya para sa amin na magkita. Hindi ko rin maiwasan na ma-imagine siya kung ano ang hitsura niya ngayon. Gwapo siya noong bata at halatang-halata ang kulay ng buhok nito na kapag naaarawan ay akala mo'y parang foreigner dahil iba ang kulay ng buhok nito kaysa sa ordinaryong buhok na nakikita ko.

Nagtext sa akin si Lei. Mukhang na-guilty sa ginawa niya sa akin. Nagsorry siya dahil sa nangyari sa kanila ni Cheney na kina-selos kong bigla. Hindi muna ako nagreply. Gusto ko munang palipasin ang sama ng loob dulot ng ginawa nila.

Nagkita kami ni Lei ng hindi inaasahan. Hindi ko siya pinansin. Lumayo ako sa kanya pero lumalapit pa rin siya. Hindi ako makapag-timpi kaya kinompronta ko siya.

"Ano ba!!! Pwede ba layuan mo ako!! Bistado na kita!! Ahas ka!!!" sigaw ko kay Lei.

Wala na akong pakialam sa mga taong nakatingin sa amin. Hinding-hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito na sinaktan nila ang pride ko. Agad na kinuha ko ang mga kwelyo ni Lei at sabay dikit sa mukha ko.

"Tangina mo!! Lei!!! Putang Ina ka!! Inahas mo si Cheney sa akin!! Bakit ka mas concerned sa kanya to think na ako ang BF at kaibigan ka lang niya!!"

Nahulog ang salamin nito sa lapag. Sa sobrang gigil ko ay binasag ko ang mga salamin nito sa mga mata gamit ang sapatos ko. Tumingin ako sa kanya na parang nangungusap. Binitawan niya ang aking mga kamay sabay suntok sa mukha ko at sabay napahiga ng hindi oras.

"Hindi mo alam, Kuya!! Hindi mo alam!!! Lahat ng namamagitan sa amin ni Cheney ay may dahilan!! Malalaman mo din ang lahat-lahat ng tungkol sa amin pero hindi muna ngayon!! Sana maintindihan mo muna ako, for once and for all, HINDI KO MAHAL SI CHENEY!!! Ano masaya ka na?!"

Bigla akong natauhan sa sinabi sa akin ni Lei. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa impormasyon na narinig ko mula sa kanya. Mali pala ako!! Umalis siya sa akin sabay dampot sa salamin niyang nasira ko. Tumayo ako at inayos ang uniform at umalis na din pagkatapos.

Habang naglalakad, naisipan kong puntahan si Cheney sa clinic. Wala na daw siya at pumunta na daw sa klase niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Nakakahiya na kinompronta ko si Lei na mali ang inaakala kong impormasyon sa kanila. Sinisisi ko ang sarili ko. Ewan ko kung bakit ako naghinala ng ganun sa kanila. Nakakapanghinayang!!

Umuwi ako na sising-sisi sa nagawa kong komosyon sa eskwelahan. Naging pangit ang image ko na dati nang maganda nang dahil sa hinalang lingid pala sa katotohanan. Wala akong kaibigan noong mga panahong iyon. Wala si Cheney sa tabi ko, at si Lei na baby bro ko.

Nagtext sa akin si Joseph at batid niya ang nangyari sa amin ni Lei.

"Punta me senyo m2ya. Mrmi kng kelangang sbihin sa akin. Ku2ha lng ako ng maiinom at mukhang mahaba-habang usapan toh!!"

Ni-replyan ko siya na pumunta siya sa amin. Nasa bodega si mommy at wala naman si daddy kaya ako lang mag-isa sa kwarto.

Makalipas ang dalawang oras at agad na pumunta si Joseph. May
dalang Colt 45 na tatlong bote at chicharon na pulutan. Bihira lang akong uminom sa buong buhay ko, at ngayon ko lang gagawin iyon. Sumigaw si Joseph sabay tingin sa bintana sa baba at sumenyas na pumasok na sa loob.

"Si Lei ano???" sabi niya habang umuupo sa tabi ko.

"Oo siya!!"

"Sabi ko na nga ba, eh!! Mali ang ginawa ni Lei!! Dapat nakinig siya sa akin!!" sabi ni Joseph

"Ano ba iyon? Bakit ganun si Lei sa akin?! Masikreto siya!!"

"Sa totoo ang, Jacob, kasalanan namin talaga ito. Matagal na!! As in sobra!! Nung first year pa namin ito alam!! Na si Lei at si...."

"Sino?!..."

"Si Lei at si—"

Itutuloy....

Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 17)

Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

I want to apologize for the late posting of this episode due of some wedding preparations going-on for my one and only Tita who was so dear to me eversince childhood, and hitherto, I want to dedicate this episode for her.. Wish you luck to your wedding today, Tita!! I love you!! :))

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, Nujum, LightRundle, Erion, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

---------------------------------------------

Part 17

Sabay kaming pumunta ni mommy at Lei sa simbahan ng Sto. Niño de Tondo. Habang naglalakad ay napansin ko ang mga tambay na umiinom. Parang last na sa mga buhay nila kung uminom ang mga hunghang na mga kababata ko.

"Tagay ka muna, Jay!! Ito naman oh.,. Paskumpasko kaya walang tanggihan ah!!!" sabi ng sa mga tambay sa labas.

"Pano naman akong di tatangi sa inyo eh Pasko naman.. Tsaka isa pa, bihira ko na kayong hindi nakakainuman!!" sagot ko.

Kinuha ko ang maliit na baso sa kanila. Nang tipong iinumin, agad na inagaw ni Lei ang baso ay biglang sumimangot.

"Sige, You just dare me to be angry at you, or else, you'll never see me anymore! Paskong-Pasko, and we're about to attend the mass, not having mingling with them!! " Sagot ni Lei habang nakasimangot na nakaharap sa akin.

Ang cute ni Lei. Para siyang nanay na sumusuway ng anak. Biglang lumaki ang mga mapupungay na mata ng kinakapatid ko. Gusto ko sana siyang halikan sa labi kaso andaming tao sa labas, kaya tinapik ko, gamit ang kanang kamay ang balikat nito.

"Ano ba kayong dalawa diyan, Halika na!! Baka nagsisimula na yung misa, ayaw ko pa namang magpahuli sa misa tulad nito!" Sigaw ni mommy habang nakapamewang sa amin sa malayo.

Sinoli ko ang baso sa kanila at nangakong babawi sa kanila sa bagong taon. Ipinakilala ko sa kanila si Lei at biglang may kumuha ng number ng CP sa kanya. Agad kong tinitigang masama si Lei at hinatak paalis sa mga tambay sa amin. Para kaming mag-jowa kung iisipin. Ngumiti si Lei sabay smack sa left cheek ko ng panakaw.

Magkaholding hands kaming pumunta kay mommy, buti na lang and she's not aware of that. Tumawag ng sasakyan si mommy sabay sakay naming tatlo. Pagdating sa simbahan, sumalubong sa amin ang dami at sangkatutak na mga taong gustong makinig ng misa. pumuwesto kami sa gilid malapit sa tabi ng Plaza Rodriguez at dun nakinig. Panakaw na tinitignan ako ni Lei sabay kuha sa kanang kamay ko. Ngumiti siya sa akin sabay sabing: "MERRY CHRISTMAS, KUYA!! I LOVE YOU!!"

Magkaholding hands kami habang nakikinig ng misa. Napansin kong si mommy ay tutok na tutok sa nagsesermong pari habang kaming dalawa ay malayang nagagawa ang gusto. Maganda ang porma ni Lei. Halos nakataas lahat ng buhok niya gamit ang bench wax na binili niya. Para talagang may kulay ang buhok niya kapag naiilawan pero all natural iyon. Suot pa rin niya ang kulay itim na batman t-shirt na hapit na hapit sa medyo payat nitong katawan. Namumula ang ilong niya. Ang tangos ng ilong niya ang nagbibigay ng paalala sa akin ng comparison ng mukha ni Cheney na hindi ko talaga maalis na isipin. Namumula din yung tenga niya. Siguro dahil sa lamig ng panahon. At higit sa lahat, ang isa sa mga nagustuhan ko kay Lei, ay ang kulay hazel brown niyang mga mata at mapupungay kung titignan mo siya.

Noong kalagitnaan ng pagbibigay ng peace be with you ay hindi ko napansin na nawala si Lei sa tabi ko. Hinanap ko siya at nakita kong nakaluhod pala siya sa amin habang kami ay nakatayo. Mukhang mataimtim siyang magdasal. Dumating ang pagdadasal niya sa puntong bigla siyang lumuha at umiyak. Agad kong hinimas siya sa likod para ipadama sa kanya na nandiyan lang ako sa tabi niya.

"Cheney!! Cheney!! Kaya mo yan!! Wag mo akong iiwan!!" biglang sabi ni Lei habang nagdadasal.

Nagtaka ako at kung bakit niya sinabi iyon. Maganda pa naman ang kundisyon ng katawan ni Cheney at we are standing still in our relationship. Bakit kaya niya sinabi ang mga ganung pananalita? Nang mahimasmasan ay agad kong itinanong sa kanya kung bakit niya sinabi ang mga ganung pananalita.

"Baby bro, anong sabi mo? Why did you uttered Cheney to your prayers? Does she has something that I need to know? Please, tell me!!" sabi ko sa kanya.

"Ah.. Eh.. Hmmm ( sabay tingin ng malayo para makapag-isip ng dahilan.) just because of her condition right now.."

Kulang sa impormasyon ang nakuha ko sa bawat pananalita ni Lei sa akin. Hindi ko mahinuha!! Mahirap i-read between the lines!! Anong meron si Cheney? Bakit napaka discreet niya pagdating sa kalagayan ng GF ko? Anong meron sa kanya? Hay naku!!

"Hindi ko basta pwedeng sabihin sa'yo ang lahat-lahat, Kuya! Malalama't-malalaman mo rin sa takdang panahon." sabi ni Lei.

Gusto kong malaman ang dahilan. Bigla akong kinabahan ng hindi oras! Anong meron kay Cheney na kailangan kong malaman?

Pinalipas ko ang pagda-doubts ko about Cheney. I don't wanna ruin this day ever!! I decided not to think of her coz I don't wanna missed the sermon that was made by our priest. Lumipas ang Christmas Mass na marami akong katanungan na kailangan ng maliwanag na kasagutan.

Lumipas ang Pasko ng napakabilis. Si Lei ay mahirap pa ring basahin ang bawat galaw at kilos siguro dahil nasa kanya ang katotohanan. Mukhang nakakahalata na ang Baby Bro ko!! Samantalang napansin ko na medyo madaling mapagod si Cheney simula nang dumadaing ng hilo nito last Christmas Eve.

-----------------

Bagong Taon at mukhang tatanda na naman kaming lahat!! Ang mga barkada ko ay nagdecide na mag text flood ng message sa CP ng Happy New Year para sumabog din pati yung mga lumang CP na gagamitin nila para dun. Si Cheney ay pumunta sa amin para mag-celebrate ng bagong taon. Si Lei ay hindi pinayagan ng Tita niya dahil may hinihintay siyang tawag mula sa mga magulang sa overseas. Tumawag na kanina si kuya sa amin sabay kinamusta si mommy at daddy. Samantala, pinapasok ko sa loob ng kwarto namin ni kuya si Patrick, ang alaga kong shitsu para hindi ma-stressed sa putukan mamaya.

Sumapit ang alas dose na kayakap ko si Cheney sabay halik sa mga labi ko. Parang iyong time na yun ang pinakamasaya dahil nasolo ko si Cheney. Kasi every New Year ay lagi siyang nasa kanila at hindi lumalabas para abangan ang fireworks every new year. Kinuha ko ang wine glass sabay cheers sa kanya.

"Happy New Year Cakie!!" sabi ko sa kanya habang nakayakap at tumitingin sa Fireworks Display sa labas.

"Those fireworks... Isn't it amazing?! I hope this wouldn't be the last. If I could!!" sabi niya sa akin habang mahigpit niyang kinakapit ang bewang ko sa bewang niya.

"Don't say that, my cakie!! Ano ka ba!! Mahaba pa ang buhay mo!! And I have a feeling that you'll be with me until this coming year that in any moment will start." Sabi ko sa kanya.

"Ok cakie, I will hold that words!! Don't worry, as soon as I am here with you, lagi kitang aalagaan at mamahalin tulad ng pagmamahal mo kay Patrick." Sabi ni Cheney.

"Halika na, let's go inside and celebrate this day with my relatives!!"

Niyaya ko si Cheney sa loob para makisalamuha sa mga pinsan ko, mga pamangkin ko, at even sa mga kuya ko. Sabi nila, sana si Cheney na nga ang makatuluyan ko. Sana kami na daw ang nakatakda!! Niyakap ni Cheney si mommy sabay punta kay daddy at bineso. Samantalang ako, biglang lumapit sa akin si Kuya Jasper, sinundan bago ako na bunso, sabay nag-high five at tinulak gamit ang kamay na pinang-hi five niya sa kanyang dibdib.

"Bro, Happy New Year!! Na-miss din kita ah!! Ang laki mo nah!! The last time I saw you was last 2002 and you were just 13 back then, and you're now in front of me, growing up!!" sabi ni kuya Jasper sa akin.

Si kuya Jasper ang sumunod Kay kuya Kenneth. Mark Jasper ang totoong pangalan niya. 24 years old na siya at kakakasal lang sa asawa nito, si Ate Elaine. Nagtatrabaho siya as Senior Marketing Officer ng Ayala lands sa Makati. Graduate siya ng BS Marketing sa Lyceum of the Philippines University noong second year high school ako. Matalino din siya katulad ko, biruin mo ba naman, ang napangasawa ni Kuya Jasper ay anak ng isang negosyante na may-ari ng isang sikat na whitening soap. Tulad ko, naging bisexual din siya, kaso discreet at walang balak magkanobyo ng lalaki. Sabi daw niya, gusto niyang magkaroon ng anak at para madagdagan ang naghihilo naming angkan. Siga siya kung tutuusin dito noong sa amin pa siya nakatira. Lagi niya kasi akong ipinagtatanggol sa mga kaaway ko, lalo na sa grupo ni Greg, yung nagsisiga-sigaan sa lugar namin.

"Hoy, Jasper, Baka masaktan yang kapatid mo, aba'y kabata-bata pa'y gusto mo nang puruhan ire!!" Sabi ni Ate Elaine.

Si Ate Elaine ang asawa ni Kuya Jasper. 22, maganda siya at maputi. Tulad ng nobya kong si Cheney. Lumaki siyang nasa kanya na ang lahat. Looks, Brains and even Talents! Naging contestant siya ng MTV( Masayang Tanghali, Bayan ng Channel 2, katapat ng Eat Bulaga dati) sa Calendar Girl at siya ang nanalong first placer. Taga- Batangas siya ( specifically, in Tanauan) at hindi siya marunong mag-ingles tulad naming magkakapatid. Siya ang isa sa tagapagmana ng isa sa mga sikat na whitening soap ngayon at Senior Marketing Staff naman siya doon sa kumpanya nila.

Masaya ako dahil last 2002 lang sila nakapag-bagong taon sa amin. Bago pa lang sila noon, at ngayon ay kasal na sila.

Tinawag ako ni Cheney para asikasuhin ang mga magulang ko. Maganda si Cheney ngayong gabi. Parang artista! Bumagay sa kanya ang kulay pula niyang T-shirt at fitted na maong, na simpleng-simple para sa kanya.

"Sana maging katulad ako ni kuya Jasper, Sana makapag-asawa ako nakatulad niya, and I hope it might be you!!" sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Agad siyang pumunta kay Ate Elaine at nakipagkwentuhan siya dito, samantala, pinuntahan ako ni Kuya Jasper sabay bigay sa akin ng isang Colt 45 na beer.

"Is she the luckiest girl you wanna marry?" sabi niya sa akin habang nakatingin kay Cheney.

"Well, definitely!! She is.. You know what, kuya, I owe all my life to her. I was loved by someone from the past, and you know, he just leaved me with no formal goodbyes. Siya ang nagturo sa akin to stand still with my emotions and mostly, she has taught me how to move on with my past and to live with her as my present."

"Well bro, very good!! I like your spirit! I just then, realized how much you love Cheney over Patrick!! I hope this wouldn't change time after time!!"

"Thanks, kuya!!"

Biglang may tumawag sa CP ko at nag-missed call pala si Lei. Nagulat din ako dahil umabot sa 167 text messages ang na-recieve ko. Hindi ko alam kung matataranta ako o itatapon ang CP ko!! Totoo nga ang sinabi sa akin ng mga loko-loko kong mga kaibigan na magpapasabog sila ng CP! Grabeh!!

Nang lumipas ang isang oras pagkatapos ng New Year ay agad nagpaalam si Cheney sa akin dahil biglang sumakit ang ulo nito. Inihatid ko siya sa kanila na nakapasan sa likod ko tulad ng mga koreanovela na napapanood ko sa TV. Agad niya akong hinalikan sa lips pagkatapos kong ginawa iyon sa kanya.

"Magpagaling ka ah!! Napapansin ko na medyo nanghihina ka at nahihilo one of these days ah? Baka buntis ka?!" sabi ko na pabiro kay Cheney habang naglalakad pasan siya sa likod.

"Hello!! Kung buntis ako eh.. Dapat sinabi ko na sa mga magulang at kapatid mo noh?!! Para isahang announcement na lang!!" sabi niya sa akin habang nakatingin siya sa harapan ko.

"Ikaw naman, hindi ka na mabiro!! Basta, magpahinga ka ng maigi ah!! I love you, cakie!!"

Inihatid ko si Cheney sa kanila ng pagod na pagod. Ikaw ba naman ang magpasan eh, Hindi ka kaagad mabibigatan sa kanya?! Well anyways, iyon ang istorya ng Christmas at New Year na memorable sa akin. I spent my Christmas with Lei and New Year naman with Cheney.

----------------

Pangalawang linggo ng January, 2005. Apat na linggo bago ang much awaited JS prom, agad akong nagising dahil sa alarm ko sa CP ko, mag-aalas 5:30 na ng umaga. Agad akong bumangon para gisingin si mommy para magready na rin para sa family business namin. Medyo inaantok pa ako. Nagtext sa akin si Lei at mukhang napuyat na naman dahil sa kakabantay kay Tiffany na mukahng may sakit. Male-late daw siya.

Bumangon ako at nag-unat. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin sa gitna ng aming kwarto malapit sa pintuan palabas. Tayo-tayo ang buhok ko. Parang style na buhok ni Lei. Kaso angat siya sa akin dahil me kulay ang buhok nito na kulay reddish-brown na itim. All natural iyon at siya lang ang kakilala ko na nagpo-possessed ng ganung buhok!

Pagkabukas ko ng bintana sa labas ng kwarto ay biglang nanuot sa buong katawan ko ang lamig na dulot ng winter season sa ibang bansa. Bigla akong nag-chill kaya nagdecide na lang ako na isarang muli ang bintana.

"Mom, Kamusta ang business natin? Medyo malakas ba?"

Iyan ang unang tanong ko kay mommy habang nagluluto ng aming kakainin sa almusal na iyon.

"Buti naman anak at nagkaroon ka ng idea para tanungin sa akin iyan. (Sabay tingin sa akin habang ngluluto habang dinuduro ang syanse sa akin) kunsabagay, kapag nagretired na ako ay ikaw na ang magmamanage ng water station natin.(Balik sa ginagawa) Well as if now, ok pa naman.."

"Well, nagkaroon lang ako ng concern kasi nung last time na nagkuwento sa akin si kuya Elmer about our business he just told me na medyo nagkakaroon daw ng problema,(Sabay higop ng kape ng bahagya.)."

"Oo nga anak, medyo bumaba ang sales natin, pero expect ko naman iyon kasi hindi pa panahon ng paglago ng sales, maybe this time, after January, baka tumabo tayo." sabi ni mommy habang nagluluto ng pagkain.

Pagkalipas ng limang minuto ay natapos magluto si mommy. Longganisa at scrambled-egg na hinaliuan ng kamatis at sibuyas. Naglagay ako ng sawsawan sa gilid ng pinggan namin ni mommy at sabay kumain. Sa kalagitnaan ng pagkakain namin ay biglang dumating si Patrick, yung shitsu na ibinigay sa akin ni Cheney last 16th birthday ko. Agad kong hinimas ang balahibo nito at agad na inutusang bumalik sa kwarto at hindi naman niya akong binigong sundin ako.

"Si Cheney, Kamusta kayo? Balita ko medyo nagiging masakitin siya this past two weeks ah?!" tanong ni mommy sa akin habang kumakain.

"Oo nga mommy eh, ayaw daw niya na tino-tolerate ko siya. Kaya daw niyang pumasok sa school kahit na lagi siyang nahihilo."

"Naku, kailangang magpa-check up siya para malaman ang findings kung bakit siya nagiging ganun. Teka iho, (sabay tingin sa mga mata ko ng diretso.) May nangyari ba sa inyo ni Cheney last Christmas or New Year?! Ikaw ah?! You have a lot of explanations today!!"

"Mom, stop being so paranoid!! Walang nangyari sa amin ni Cheney last holiday occasions."

Bigla akong nabilaukan nang biglang sinabi sa akin ni mommy. Buti na lang at may kape sa gilid ng pinggan ko kaya medyo nahimasmasan ako ng kaunti. Well actually, wala naman talagang nangyari sa amin ni Cheney. In fact, ayaw na ayaw niya na mag-sex kami this past months dahil sa hilo na dinadaing niya.

Natapos kaming kumain na bigla akong tinawag ni Cheney sa labas. Niyaya niya akong sumabay sa kanya dahil baka mag-collapse siya habang papunta sa school. Tapos na siya. Pinaupo ko muna siyang sandali at niyayang kumain ng almusal pero tinanggihan niya iyon. Hinalikan ko siya sa labi at sabay akong nagtungo sa CR para maligo. Makalipas ang ilang minuto ay natapos ako. Agad akong tinanong ni Cheney tungkol sa sulat sa ilalim ng lamesita namin sa gitna ng sofa.

"Cakie, I had noticed this letter under here and I supposed you had never tried to open it." Sabi ni Cheney habang hawak-hawak niya ang sulat na sa tingin ko ay last Christmas pa na envelope.

"Oh, geez!! I forgot!! I have done a lot of important things to accomplished this past months at nawala sa isip ko na basahin yun. Baka mamaya sa school, babasahin ko."

Ibinigay ni Cheney ang letter sa akin. Agad kong sinama iyon patungo sa taas at agad na sinilid sa bag-pack ko. Kinuha ko ang uniform ko na nakasampay sa itaas at isinuot sa katawan ko. Kinuha ko ang Lacoste-booster for men na binili sa akin ni kuya Kenneth noong nasa Dubai siya, at sabay spray ko sa katawan ko. Amoy na amoy sa mula sa itaas ang pabangong nagbabalik sa akin sa nakaraan namin ni Patrick. Pagkatapos niyon ay nagpulbos ako at sinabayan ko na hilamusan ang mukha nang dahan-dahan para kumalat sa buong mukha ko ang pulbos. Nang tumingin ako sa salamin at na-satisfy sa mga nakita ko ay agad kong kinuha ang bag-pack sabay baba sa kinaroroonan ni Cheney.

Itutuloy....

Martes, Nobyembre 15, 2011

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 16)

Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, Erion, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

------------------------------------------------
Part 16

24th of December, 2004. Friday. Medyo malamig ang gabing iyon kaya napagdesisyunan kong mag-jacket na kulay brown at tumambay sa water station na family business namin. Bakasyon ngayon at marahil ay busing-busi ang mga tao para sa pagsapit ng kapaskuhan. Nandun si Kuya Elmer, ang maasahang boy at helper ng family business namin. 20 years old siya noon at nakahinto ng tatlong taon after niyang grumradweyt noong high school. Nag-usap kami tungkol sa kalakaran at mga nangyayari sa negosyo namin para me idea ako kapag ako na ang namahala dito balang araw. Nang natapos ay binigyan ko siya ng regalo at binati ng Maligayang Pasko.

Nagtext si mommy sa akin at ipinag-utos na isarado ko ng maaga ang water station para makasama naman ni Elmer ang mga magulang nito ng maaga ngayon isang araw bago magpasko. Buti na lang at nandiyan si Kuya Elmer para tulungan ako. Mabilis naming nasarado ang water station at nagpasyang magpaalam siya sa akin. Hinawakan ko ang kanang balikat nito sabay ngiti na nangangahulugang sumasang-ayon ako. Hinintay ko munang umalis si Kuya Elmer sa harapan ko bago ako umalis at nagpasyang umuwi sa amin.

Pasko na nga at ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Naka-jacket na ako ha, pero parang tumatagos pa rin ang lamig sa kailaliman ng balat ko. Hindi ko maiwasan na manginig habang naglalakad. Sa kalye ng Varona sa Tundo, napansin ko ang mga bata na nangangaroling, gamit ang improvised musical instrument na paniwala kong ginawa nila. Nakakaaliw sila. Hindi kong maiwasan na maipasok sa isip ko ang mga panahong pinagsamahan namin nina Cheney at Patrick Noong mga bata pa kami. Na-missed ko tuloy sila.

Sa itaas, napansin ko ang bahay nina Cheney ang gate nila na puno ng Christmas light na naka-pormang Christmas tree. Sa second floor nila ay ang parol na napakalaki. Matagal na nila iyong ginagamit simula pa pagkabata ko. Napansin ko si Cheney na nagbabalot ng regalo sa sofa nila malapit sa bintana sa labas kaya napagdesisyunan ko na wag muna siyang abalahin.

Agad kong naisipan na kunin ang CP ko sa bulsa ko at binuksan. Nakita ko na nagtext pala si Lei at mukhang gusto niyang pumunta sa amin, kaya nagreply ako at pinapunta ko siya. Sa labas, napansin ko si Daddy at mukhang busy sa pagluluto ng lechon sa harapan ng barangay hall kasama ang mga ka-constituents niya.

"♪Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako... Hinahanap hanap pag-ibig mo... At kahit wala ka pa, nangangarap at umaasa pa rin ako, muling makita ka, at makasama ka, sa araw ng Pasko...♪"

Iyan ang naririnig ko habang kinakanta ng mga tambay sa tindahan ni Aling Perla ang kanta. Biglang pumasok sa isip ko si Patrick. Buti na lang at hindi "Remember me this Way" ang kinanta nila kundi, nagwala ako sa harapan nila. Sa daanan, nakita ko si Joseph na kaibigan ko sa school. Niyaya niya akong pumunta sa kanila para sumalo sa darating na noche buena mamayang madaling-araw at pumayag naman ako. Pumunta ako sa kanila at nakita ang mommy nito, si Tita China.

Hindi ko na hinintay ang noche buena kaya napagdesisyunan ko na kumain ng maaga sa kanila. Pinaupo ako ni Joseph sa sofa nila at ipinaghain niya ako.

"Mukhang Masarap yan ah!!"

Nang ibinigay ni Joseph ang pagkain sa akin ay agad akong nagpasalamat. Niyaya din ako ni Joseph na mag-inuman sa kanila, pero hindi ako pumayag dahil ayaw kong malasing sa mga panahong iyon. Gusto din pala niyang iinvite si Nikol, Hiro at Lei kaso baka daw busy sila sa mga oras na ito.

Lumipas ang isa't kalahating oras at nagpasya akong umuwi na ng bahay. Hindi ko naubos ang mga kinain ko, siguro tama lang na ginawa ko iyon para makakain ako mamaya sa amin. Sinamahan ako ni Joseph pauwi sa amin at nang nasa labas na ng bahay namin ay agad na nagpaalam siya. May kailangan daw muna siyang asikasuhin at pagkatapos daw nun ay pupunta siya sa amin.

Pagkauwi, nakita ko sa loob si mommy na nagluluto ng ube halaya. Mukhang Masarap kasi habang nasa labas pa lang ako eh naaamoy ko na ang manamis-namis na panghimagas.

"Oh, jay andyan ka na pala, Teka may mga pupunta bang mga kaklase mo dito mamaya?" tanong sa akin ni mommy.

"Well, I'm not sure, probably si Lei pupunta, pero ewan ko kung pupunta si Joseph at Cheney." sagot ko kay mommy.

"Oh, I forgot to say, Cheney had told me na pupunta siya mamaya. I think I should have to buy some liquor drinks para mamaya." Sabi ni Mommy.

Umalis si mommy nang natapos niyang lutuin ang ube-halaya. At bumili ng alak para sa noche buena namin mamaya. Binuksan ko naman ang PC katabi ng ref namin sa gilid ng sofa. Nang nabuksan ay pinindot ko ang icon ng Internet Browser gamit ang mouse. Sinearch ang Friendster at binuksan ang Facebook sa kabilang Tab. As expected, andaming Christmas greetings na aking natanggap mula sa mga classmates ko, mga kaibigan, mga ka-officer ko sa booklovers club at mga officer ng Ang Baranggayette-SSG. Siyempre, di ko rin makakalimutan noong binati ako nina Joseph, Nikol, Hiro, Jayson at siyempre, ang dalawang pinakamahalaga sa akin. Sina Lei at Cheney. Agad akong nag-comment sa kanila. Pagkatapos ay inilipat ang tab sa Facebook at binati ang mga relatives ko, pati mga pinsan ko sa ibang bansa. Talagang Christmas is on the air na nga!! Habang nagta-type ay biglang me nag-pop ng instant message mula sa chatbox sa Facebook. Kenneth Joseph Cruz-Inocencio ang pangalan. Nang binuksan ko ay nagulat akong si kuya Kenneth pala.

"Merry Christmas Bro!! ☻"

Iyan ang bungad sa akin ng pop message sa chatbox ko. Nagchat kami ng ilang minuto tungkol sa buhay ko after one year na umalis siya sa amin. Ayun nga, fourth year na ako at kami pa rin ni Cheney. Sinabi ko rin ang relasyon ko kay Lei at mukhang mas nagustuhan niya pa iyon kaysa sa sinabi ko sa kanya tungkol kay Cheney. Nabanggit niya na nagkita na pala sila ng long lost boyfriend niya na hiniwalayan niya at ngayon daw di-umano ay nililigawan daw siya nito. Nagkita daw sila noong papauwi si Kuya Kenneth mula sa trabaho sa isang lugar sa Dubai malapit sa Philippine Embassy. Agad naman akong natuwa noong nalaman ko iyon at biglang nainggit sa kanya. Sana balang araw ay may magmahal din sa akin ng ganun. Natapos ang pagcha-chat namin ng biglang dumating si daddy. Agad na nagsign-off si kuya sa chatbox ng Facebook at ako naman ay biglang lumipat ng ibang tab at inilagay sa Friendster.

"Nasaan mommy mo? Hala at meron ako ditong Lechon para sa Noche Buena mamaya." sabi ni papa habang inilalapag ang dalahin niya sa lamesa.

"Sige daddy, pakilapag na lang po diyan. Umalis lang si mommy at bumili ng alak para sa amin ng mga kaibigan ko." paliwanag ko habang nagkatingin sa monitor at nagta-type.

Lumapit si daddy sa akin at umupo sa tabi ko. Inakbayan niya ako na palaging ginagawa niya sa aming magkakapatid at nagsalita sa harapan ko.

"Anak, Maligayang Pasko!! Swerte ako na may bunso pa akong love na love ni daddy.." sabi niya sa akin habang nakaakbay sa leeg ko.

"Daddy naman po eh, me kailangan ka ba? Teka at ikukuha ko po kayo ng beer sa ref." sabi ko habang nagtatype sa keyboard.

"Hindi iho, naalala ko lang kuya Kenneth mo. Alam mo ba, ilang Pasko na rin ang dumaan sa buhay natin na hindi natin siya nakakasama.(sabay tingin sa akin.) Kahit marami siyang ipinapadala sa atin. Nangungulila ako sa kanya."

"Ako din daddy, I missed kuya so much. Sana kumpleto po tayo ngayong Pasko.. Kung pwede lang."

"Teka, iho, Kamusta na pala kayo ni Cheney? Sana kayo ang lkasal, nang sa gayon ay magkaroon ako ng mga cute na apo mula sa inyo!!"

Hindi na lang ako umimik. Nagpatuloy ako sa pagti-tipa ng keyboard nang biglang dumating si mommy kasama si Cheney at Lei. Syempre, dala niya ang binili niyang alak para sa amin. Dalawang case ng San Mig light. Tumayo si daddy sabay halik sa pisngi ni mommy at kumuha ng isang beer. Biglang bumaba si Patrick (shitsu na ibinigay sa akin ni Cheney last 16th birthday ko) at lumapit kay Cheney. Samantala, itinigil ko muna pansamantala ang pagta-type sa keyboard at nagtungo kina Lei at Cheney para asikasuhin ang mga ito.

"Merry Christmas, Jacob!!" sigaw ng dalawa.

May mga dalang regalo sina Lei at Cheney noong pumunta sila sa amin. Pinapasok ko sila pagkatapos ay pinaupo ko sa sofa. Samantala, kinarga ni Cheney ang alaga kong shitsu sabay kiss sa ilong nito. Niyaya ko sila kung ano ang gusto nila kaso gusto nila na mamayang 12pm sila kakain sakto pagsapit ng Pasko, kaya't hinayaan ko na muna sila. Nagpasya akong patayin sa transformer ang PC at binaba ang kurtina. Tumabi ako sa gitna nina Lei at Cheney sabay halik sa nobya ko. Mukhang nagselos si Lei kasi halata sa kanya ang bigla nitong pagsimangot, kaya hinalikan ko din siya sa pisngi.

"Sorry big bro!! Sorry if I tried to hurt you last week. Hindi ko alam na masakit pala sa iyo yung kinakanta ko. Nakakahiya!!" sabi sa akin si Lei habang nakayuko sa akin.

"It's ok.. The damage is done, and I already forget it. Teka, bubuksan ko lang yung DVD at magbi-videoke tayo."

Tumayo ako saglit sa kanila. Binaba naman ni Cheney yung aso at sabay pumanik sa itaas. Binuksan ko ang salamin sa ibaba ng TV namin at sabay kinuha ang plug ng DVD at sinaksak. Pagkatapos ay kinuha ko ang microphone sa dulo ng DVD at inayos ang kurdon sabay saksak sa DVD. Kumuha ako ng isang CD at pinindot ang open button ng DVD. Agad na pinasok ko ang CD sa loob tapos ay pi-nlay ang aparato.

"Too love you more" ni Sarah Geronimo ang unang kanta sa DVD. nilakasan ko ang volume sa 55 at sabay bigay ng mic kay Cheney. Siya ang kumanta ng kanta. Nang kumakanta ay biglang dumating sina Jayson, Hiro, Nikol at Joseph na pareho pang naka-itim. Parang mga magkakapatid!!

"Ooop...ooopss.. Oppss.. Anong kaguluhan toh?! Sigaw ni Nikol habang pinupunasan ang sapatos sa basahan.

"Teka bro, mukhang magkakantahan sila ah!! Nakups!! Rambulan na naman toh!!" Sabi ni Hiro habang papasok sa loob ng bahay.

Kumuha ako ng makakain sa loob samantalang inaayos ni Cheney ang mga kolokoy kong mga kaibigan. Si Lei naman ay sinamahan ako tinulungan sa handang pagkain na ibibigay ko sa mga bisita ko...

"Ooops... Walang susuka sa inyo ah!! Ayokong magpapasko tapos galit ako sa inyo.." sabi ko habang naghahain sa kanila.

"Hoy, Oo nga, Joseph, wag kang ganun.. Kasi kapag nakakainom ka eh, para kang wild!!" Sabi ni Jayson kay Joseph na parang nangangasar.

"Oo nga, Joseph.. Nakakahiya kay Jacob tsaka kay Tita.. Magbago ka na!!" Tukso ni Nikol sa kawawa kong kaibigan na si Joseph.

"Oh.. Siya, siya.. Kayo na ang mabait!!" papikon ma sagot ni Joseph sa dalawa.

Biglang umeksena si Hiro sa usapan namin nina Joseph, Jayson at Nikol.

"Hoy, nga pala.. Walang kakanta ng "Remember me This Way" ah!! Puta, baka iyan ang ikanta ni Jacob sa atin pagkatapos niya tayong paslangin.. Hahahaha!!!"

Tawa kami ng malakas ng sinabi niya sa akin iyon, samantala, pansin ko na Hindi nagsasalita si Cheney sa akin. Lumapit ako para kamustahin siya.

"Ok ka lang, cakie ko?" tanong ko sa kanya.

"By the way, cakie I have something for you.."

May binigay sa akin si cakie, una ay yung pabangong binili niya sa bench, at yung pangalawa ay isang greeting card na galing pa sa ibang bansa. Hindi ko muna pinansin yung greeting card at nilagay sa lamesita sa gitna ng sofa namin.

"Bench for men... Thank you, cakie!!" sabay halik sa mga labi nito.

Tumayo si Cheney sa harapan ko at lumapit kay Lei. Bumulong si Cheney kay Lei at biglang tumungo ito sabay ngumiti sa Baby bro ko. Pagkatapos ay nagbigay sa akin si Lei ng isang paper bag na printed ang snickers na favorite namin. Nang binuksan ko iyon ay namangha ako sa nakita ko sa kanya.

"Snickers na laruan!! Nakakatuwa naman toh!! Baby bro, Salamat ah!!"

Isang snickers na laruan na galing pa sa ibang bansa ang ibinigay niya sa akin. Mukhang mamahalin at limited edition ito kaya sa sobrang saya ko ay hindi ko napansing nahalikan ko sa labi si Lei. Buti na lang at hindi nakatingin si Cheney sa akin dahil nanonood siya sa ginagawa ng apat na hunghang kong mga kaibigan.

Lumipas ang ilang oras at sumapit ang araw ng Pasko. Nagtayuan lahat kaming magbabarkada sabay batian ng "Merry Christmas" sa bawat isa. Nagyaya si Lei na mag Christmas Mass sa simbahan ng Tondo, kaya wala akong choice kundi umoo sa kanya. Ramdam ko ang init ng yakap niya sa akin nang bumati siya sa akin ng Maligayang Pasko. Niyaya ko si Cheney na sumama sa amin ni Lei kaso kailangan na daw niyang magpahinga dahil low-blood daw siya. Lumabas si Lei pagkatapos at sabay harutan sa mga kabarkada ko sa loob.

"Tangina, bro.. Ang gwapo mo!! Kayong dalawa ni Lei!! Minsan nababakla ako sa inyo!!" sigaw ni Nikol habang ini-islam ko siya sa likod.

"Well, ganun talaga!! We're meant for each other!!"

"Anong ibig mong sabihing "meant for each other?"

"Ah eh... Na gwapo.. Meant para sa amin na maging gwapo kami sa isa't-isa."

"Ah....!!"

Maya-maya ay tumunog ang CP ni Cheney. Binuksan niya agad ang bag niya sabay labas sa gate.

"Oh, who's this? It seems like your number was not already saved from my phonebook? Are you in a roaming line?!" tanong ni Cheney habang kinakausap ang tumatawag sa CP niya.

"Hi, Cheney... It's been a year since were not talked to each other, well.. I wanna talk to Jacob?! Can you give you're phone to him?" sabi ng tao na nagsasalita.

"Patrick?!........."

Agad na ibinigay sa akin ni Cheney ang CP niya sabay bulong nito sa akin ang pangalan ng minahal ko.... Si Patrick.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa puntong iyon. Huminto ang oras para sa akin. Para akong napatulala ng hindi ko alam. Kinurot ako ni Cheney sa mukha para medyo mahimasmasan ng kaunti sabay turo niya sa labas. Doon daw kami mag-usap sa labas kaya dali-dali akong lumabas ng hindi nahahalata ng mga barkada ko. Mahirap na at baka matuklasan nila, bukod kay Hiro, ang tunay kong pagkatao.

"Hello, Patrick.. It's me, Jacob.. Why did you leave me? I know that we're loving each other but why you didn't gave me any single updates of you? It was as if you were so mean to me? Why did you need to gotten up this far? I long for you... I long to see your love and adoration in your eyes. I long to feel the comfort and peace of your loving arms. I long to feel the sensual passion of your kisses... I long everything for you!!! When will you be coming back?! Promise, if you'll come back for as long as possible, I will forgive you and I will let you to love me all over again... Please answer me!!!! Hey Patrick!! I LOVE YOU!!!!"

Bigla akong napaiyak nang sinasabi ko sa kanya ang lahat-lahat ng gusto kong sabihin sa kanya simula noong naghiwalay kami. Wala akong ibang narinig sa kanya bukod sa sound background ng lugar na kinatatayuan niya. Feeling ko parang nandito lang siya sa Pilipinas. Nandito lang siya sa paligid ko, sa mga kasama ko, at higit sa lahat, sa buhay ko.

Tumagal ang dalawang minuto na hindi siya nagsasalita. Puro tunog ng Christmas Song ang naririnig ko as his background music sa kinaroroonan niya. Siguro gusto niya akong batiin ng Merry Christmas. Siguro gusto niyang malaman ang lahat ng nangyayari sa akin sa pamamagitan ng pakiramdam niya.

"Holy Crap!! Patrick please!!! Say something!! I'm already finished what I wanna say!! " sigaw ko sa kanya!!

Bigla ko siyang napamura dahil hindi siya sumasagot. Siguro dahil na rin sa tama ng nainom kong alak sa kanya kaya ko nagawa iyon. Lumipas ang ilang minuto at bigla siyang nagsalita.

"Merry Christmas, my love!! I love you!!"

Biglang bumalik sa akin ang lahat-lahat ng itinago kong emosyon sa kaniya simula noong pagkabata ko noong narinig ko, sa unang pagkakataon ang boses niya. Mukhang malaki na si Patrick at ang baba ng boses nito. Napahagulgol ako ng hindi oras at nabitawan kong bigla ang CP ni Cheney sa mga kamay ko. Hindi ako nagsalita. Lumuha ako ng lumuha. Sabi ko sa kanila na hindi ako iiyak ngayon Pasko, pero, hindi ko natupad ang pangakong iyon para sa kanila.

Napadapa ako sa kinatatayuan ko. Ang hirap pala. Bakit pa kasi tumawag si Patrick eh?! Bakit pa siya bumabalik sa buhay ko, gayong masaya na ako sa dalawang nagmamahal sa akin! Wala akong ginawa sa puntong iyon kundi umiyak ng nakadapa at nakayuko. Isa ba tong regalo sa akin ngayong Pasko? O isang pagsubok na susubok sa aking katatagan bilang tao at bilang isang lover?

"Paaaaaaaatttttrrrrrrrriiiiiicccckkk!!!!"
Sumigaw ako sa kinalalagyan ko. Ang sakit ng kahapon ay biglang dumaloy mula sa kailaliman ng kalamnan ko. Tumangis ako na parang wala na akong pakialam sa mga tao sa harap ko. Kahit ramdam ko na sumasakit at parang namamaga na ang mga mata ko sa kakaiyak at kakatangis sa kanya, pero wala na akong pakialam pa!! Walang anu-ano, biglang dumating sa harapan ko si Lei at sabay akong hinawakan. Itinayo niya ako mula sa pagkakadapa at pinaupo ako sa gilid ng gate namin. Kinuha niya ang CP ni Cheney sa ibaba at inilagay niya sa bulsa niya.

"See what I told you, Big Bro.. I'm here for you. If you want a shoulder to lean on, I will lend mine. Christmas is not just about a special day for us to spend. It remind us that everyday is just a beginning. Don't feel the emptiness without him. I'm always here beside you."

Ibinigay ni Lei ang dibdib into sa akin para makaiyak. Bumalik lahat ng sakit at pagnanasa na makita siyang muli. Para akong baliw ng gabing iyon. Feeling ko, parang yung saya at galit ay nag-collide in just a matter of second. Sa sobrang intense ng iyak ko ay napakapit ako sa mga dibdib nito ng mahigpit na mahigpit. Mukhang nasaktan siya pero ok Lang daw iyon para sa kanya. Hanggang sa nahulog ang salamin nito sa mata at biglang napayuko sa akin.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang bigla siyang napayuko at dinagan ang likod ko gamit ang kanyang ulo.

"Can I cry over your back?" sabi niya sa akin.

Umiyak din siya. Bigla akong napatigil sa mga sandaling iyon. Umiyak siya dahil naalala niya daw ang kanyang mga magulang, hindi dahil sa pagkapit ko sa kanya ng mahigpit. Tumangis siya na tulad ko. Nawala na ang pag-iyak ko ng dahil sa kanya. Napansin ko na habang umiiyak siya ay namumula ang kanyang mga tenga, sabagay kasi maputi siya. Ang cute kasing tignan. Naramdaman ko rin ang ilong niyang matangos na parang tumutusok sa aking likod. Nakakakiliti!! Agad na pinasan ko siya at sabay dinala sa loob. Napansin ko na basang-basa na din pala ang likod ko. Umiiyak pa din siya. Agad na tinulungan ako ni Cheney na buhatin siya. Kinuha ko ang salamin na nahulog sa mga mata nito. Kinuha din ni Cheney siya mula sa akin at nagtungo silang dalawa sa likod ng hagdan at dun nag-usap na parang me lihim na sinasabi sa isa't-isa. Nang matapos magpaliwanag ni Lei kay Cheney ay agad niya itong niyakap. Pinipilit kong magselos ng nakita ko sila na mas sweet na isa't-isa pero parang me pumasok bigla sa isipan ko na huwag na lang sila pansinin. Tumungo ako sa sofa at pansin ko na bagsak ang apat. Sina Nikol, Hiro, Joseph, at Jayson. Nakapatong ang mga ulo nito sa isa't-isa.

Ilang minuto pagkatapos ng alas dose ng hatinggabi ay agad na niyaya ako ni mommy na magsimba at umatend ng Christmas Mass. Mukhang tulog na tulog pa ang mga kolokoy. Si Lei naman ay nagpalit ng damit na picture ni batman at medyo fitted na itim ang damit nito. Gumuwapo siyang lalo at mas angat pa kesa sa akin. Samantala, nagpasiyang umuwi si Cheney sa bahay nila matapos ang pag-iyak ni Lei kanina dahil bigla siyang nahilo.

Itutuloy....

Sabado, Nobyembre 12, 2011

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 15)

Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, Erion, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

------------------------------------------------

Part 15

"Nanalo kami!! Nanalo kami!" Sabi ni Shaine habang nakaupo akong nakatulala na wari'y hindi makapaniwala sa nangyayari.

Bigla akong tinayo ng dating Guinoong Lakandula na si Hiro na ka-year level ko ngayon.

"Congrats, bro! Sabi ko sa'yo gwapo ka din eh.." sabi niya sa akin habang ibinibigay ang hash na nakasulat ang title ko as Guinoong Lakandula.

Magkakilala kami ni Hiro dahil isa rin siya sa officer ng Library Club. Section 7 siya. Half- Japanese at Half Pinoy. Mas singkit ang mga mata nito kaysa sa akin at mapapansing makapal ang kilay nito na parang linta. Mas matangkad ako sa kanya kasi 5"6' lang siya.

Kinuha niya ang crown sa gilid at unti-unting kinabit sa ulo ko. Nagkasiya naman. Pagkatapos nun ay si Shaine naman. Parang wala lang sa kanya ang kanyang pagkapanalo. Sanay na kasi itong taong 'to lalo na sa mga beauty pageant na katulad nito.

Kinaway ko ang mga taong nakakakita sa akin. Kahit kina Cheney at Lei na nasa harapan.

"Ladies and Gentlemen, our new Mr.&Ms Lakanduleñans 2003! Ms. Shaine Anne Custudio and Mr. Mark Jacob Inocencio. Please give 'em a round of applause!!"

Tilian ang lahat ng mga babaeng kinakawayan ko. Nawala ang kaba sa dibdib ko. Ninamnam ko ang sandaling sa buhay ko, nagamit ko ang kakisigan ng pangangatawan ko, at ang husay sa pagsagot ko. Salamat na lang at nandiyan ang mga kaibigan ko at ang dalawang taong pinaka-espesyal sa akin. Si Lei at Cheney.

Natapos ang gabi na masayang-masaya ako. Naghiwalay na kami ni Shaine. Magaala-una na ng madaling araw nang natapos kami. Kinamayan ako ng mga hurado at may mga proposal sa amin for modeling. Ni-refuse ko iyon kasi bata pa ako, at 15 anyos lang ako. Tsaka na pag umedad ako ng kaunti. Marami ang nagpa-picture. Instant celebrity kaagad! Nagpa-autograph at hinalikan ang pisngi ko. Medyo pawis na pawis ako at hindi ko alam na naliligo na ang likod ko sa pawis. Nagdesisyon akong hubarin ang tuxedo ko at nilagay sa kanang kamay ko. Nasa akin pa yung korona.

Alas 2:45 na nang natapos na kaming lahat. Umuwi na kami. Sumama si Lei kina Nikol at Jayson samantalang kasama ko naman sina Cheney, Joseph at si Kuya Kenneth pauwi.
--------

Makalipas ang ilang araw, buwan at isang taon. Mas naging sikat ako. Hindi na ako tulad ng dati na ordinaryong tao lang. Naging ka-close ko si Hiro at tumaas ang ranggo ko as Business Manager ng Booklover's society ng school kung saan kagrupo ko si Hiro. Naging Campaign Manager ako ng isang party para sa eleksyon noon ng Ang Barangayette-SSG at lahat ng manok ko ay nanalo. Walang natalo kahit isa. Nang sumunod na huling linggo ng buwan ng September, 2003 ay bumalik si Kuya Kenneth sa Dubai para magtrabahong muli. Ayaw ko pang umalis nun si Kuya Kenneth pero nangako siya sa akin na pagka-graduate ko ng high school ay tsaka siya babalik, kaya pinanghahawakan ko, hanggang ngayon, ang pangakong iyon na sinabi niya sa akin. Mas lalong tumindi ang pagmamahalan namin ni Lei at medyo parang napapansin kong napapabayaan ko na si Cheney. Lagi nang sumasama sa barkadahan si Hiro. Hindi ko pala alam na bisexual pala siya kaso inside the closet pa lang. Alam na niya rin ang tungkol sa pagkatao ko noong bata ako, At talagang dun daw siya napahanga sa akin. Sana daw ay makahanap din siya ng one true love na tulad ko.

Hindi sa pagmamayabang, kapag lumalakad kaming magbabarkada sa buong Lakandula HS, lahat ng sumasabay sa amin ay napapahinto at napapatili. Para kaming F4 kaso me nadagdag lang na isa at si Cheney naman ay parang si Shan Chai.

Tumagal at parang solid ang pagkakaibigan naming anim. Natapos ang third year nang mayroon kaming natanggap na honors. Biruin mo naman ang panahon, magka-tie pa kami ni Lei as 2nd Honor, hanggang sa umabot kami ng fourth year. Senior na kami at nakakalungkot isipin, pero ga-graduate na kami. Naging section three si Cheney, samantalang naging section five si Hiro at kaklase naman ni Cheney sina Joseph, Nikol, at Jayson at, magkaklase pa rin kami ng Baby Bro ko. Noong dumating ang 16th birthday ko, niregaluhan ako ni Cheney ng isang asong shitsu samantalang aklat naman ang binigay sa akin ni Baby bro na talagang sapul na sapul ang storya sa karanasan ko sa first love ko na si Patrick. Oo, mahalaga ang binigay sa akin ni Cheney, pero mas binigyan ko ng importansiya ang regalong binigay sa akin ni Lei dahil sobra akong naka-relate sa istorya ng nobelang ibinigay niya. Mahal ko si Cheney, pero habang tumatagal ang panahon, mas lumalalim ang pagmamahalan namin ni Lei! Hindi alam ito ng barkada ko at lalo na ni Cheney sa paglipas ng panahon.

Magpapasko at medyo lumalamig ang panahon. Nang tumingin ako sa kalendaryo ay napansin kong December 15, 2004 at Martes na pala. Nangako ako kina Nikol at Hiro na pupunta kami ng SM Manila para tumingin ng ireregalo ko sa Christmas' Kris-Kringle. Napabangon akong bigla at naalala ko na may exam pala kami sa Basic Economics kaya nagmadali akong tumayo at nagbihis para pumunta sa eskwelahan.

Sakto at alas sais y media na ng umaga nang nakapunta ako sa School. Sa pagkakataong ito, medyo strict ang teacher namin ngayon sa Basic Economics at ayaw na ayaw niyang nale-late kami sa klase niya. Magaling siyang magturo, siguro dahil isa siya sa mga master teacher sa buong school.

Malapit na ang matapos ang flag ceremony at saktong nakita ko sa pila si Cheney. Hinalikan ko siya sa labi na tipong panakaw. Medyo mukhang male-late si Lei kaya nag-alala kong bigla siya. Lumipas ang flag ceremony at kaagad na kaming pinapanik lahat ng napansin ko na wala pa sa hulihan ng pila si Lei. Lumakas ang pag-aalala ko sa kanya. Nagdesisyon ako na mag-cutting class para puntahan si Lei sa bahay, kaso bigla kong naalala na exam pala namin. Kaya hinayaan ko ang aking mga paa na dalhin ako sa classroom ng nalulungkot.

Nakapasok na kami at tapos nang manalanging lahat. Nang papaupo na kami ay nakita ko si Lei sa labas ng corridor at nagrereview. Agad na nakita ito ni Ma'am Ortega (teacher namin sa Basic Economics) kaya sinita niya ito. Lumabas si ma'am at pinalabas si Lei at mamaya daw ay kakausapin niya ito pagkatapos ng exam. Nalungkot ako at nahabag sa kalagayan ng kinakapatid ko habang malungkot na nilalakad ang corridor papalayo sa classroom namin at mukhang tutungo ng library. Si baby bro, first time lang na nangyari sa kanya ang ganun, kaya feeling ko, dadamdamin niya iyon.

Natapos ang exam at naglecture ng kaunti si ma'am. Makalipas ang ilang oras ng pagtuturo niya ay lumabas akong saglit para puntahan siya sa library, at saktong naabutan ko siya. Inilagay ko ang shoerugs ko sa mga paa ko nang nagulat ako sa nakita ko na kasama niya. Si Hiro pala ang kausap niya habang nagbabasa. Pumunta ako at nagtungo sa kanila.

"Don't worry, Lei, malakas ako dun.. Tita ko kaya iyon, tutulungan kita!!" sabi ni Hiro Kay lei.

"Salamat, bro!"

Tumabi ako sa gilid ni Lei, samantalang nagsusulat si Hiro ng ipa-publish niya para sa Christmas Edition ng Ang Barangayette Newspaper. Umiyak si Lei sa harapan ko dahil iyon ang first time niya na mapahiya sa klase. Tanghali na kasi siyang nagising kaya na-late siya, at naintindihan ko iyon. Agad kong niyaya si Lei sa 4th Floor para makiusap kay Ma'am Ortega na bigyan siya ng another chance para makabawi sa exam.

Nasa itaas na kami at nakita ko si ma'am na nagche-check ng exams namin. Mukhang busy kaya nagdadalawang-isip kami tuloy na pumunta. Walang anu-ano ay bigla siyang tumingin sa harapan namin at sumenyas kay Lei para pumasok. Pumasok si Lei. Nanginginig ako sa mga susunod na mangyayari sa kanya, kaya napagdesisyunan ko na puntahan ang kinakapatid. Pagkapasok ay umupo siya sa isang tabi at nagtake na ng exam. Sabi ko na nga ba eh, sa kabila ng matapang at mataray na personalidad ni ma'am ay meron pala itong kabaitan sa puso niya.

Saglit lang na natapos ni Lei ang exam. Mukhang maning-mani at sisiw na sisiw sa kanya ang exam kaya wala pang 30 minutes ay natapos na siya. Feeling ko, parang na-motivate at na-challenge pa siya ng maigi nang nangyari sa kanya iyon. Wala siyang pagsisisi sa ginawa niya.

Lumipas ang mga oras at saktong alas-tres natapos ang klase namin ni Lei. Niyaya ko siyang sumama sa amin nila Nikol at Hiro na pumunta ng SM Manila at pumayag naman siya. Medyo naghintay lang kami ng kaunti sa kanila that's why we decided to wait them inside the library.

Kinuha ko ang CP ko at mukhang 3 messages agad ang bumungad sa akin. Ang una ay kay Hiro.

"Bro, w8 mo lng kmi ni Nikol sa library. Antgl kming plbsin ni sir eh. Sorry ah! Thnks..=)" text ni Hiro

Well, Hindi naman sila nagtagal at agad naman silang pumunta sa library after. Nakita kami nila na nagbabasa ng Bob Ong Series kaya agad nila kaming niyayang umalis at ayaw nilang magpagabi. Sumama kami ni Lei.

Nang nasa SM, pumunta muna kami sa Teriyaki Boy katabi ng National Bookstore sa ground floor para kumain. Doon kami sa gilid umupo. Nag-order ako ng chicken teriyaki at 4 na pirasong sashimi samantalang si Lei naman ay pork teppanyaki. Pina-upsize ko ang drinks naming dalawa ni Lei samantalang sila naman ay regular lang. Sarap na sarap kami sa kinain namin.

Nang natapos ang ilang ilang minuto, ay napagpasyahan naman naming pumunta ng American Boulevard at pumili ng mga ireregalo para sa Kris Kringle. Nagustuhan ko yung sombrero na pinauso ni Mao Ze Dong ng China at pumili na rin ng T-Shirt na inspired ni Bob Marley. Naka-400 din ako nang mamili ako kaya ok lang.

Wala silang napili sa American Boulevard kaya napagpasyahan nilang pumunta sa Bench para dun maghanap. Type pala ni Hiro yung muscle-type kaya iyun ang pinuntirya niyang bilhin. Simpleng kulay lumot na green na polo-shirt na muscle-type ang binili niya. Medyo nagulat ako noong nalaman kong mahal pala iyon. Mas mahal pa sa mga pinamili ko. Ok lang kasi me kaya naman siya kaya afford naman niyang bumili ng ganun.

Si Lei at Nikol naman ay pumunta sa Penshoppe at doon naghanap ng pangreregalo. Mukhang madaling mamili si Lei ng susuotin niya. Bagay pala sa kanya ang fitted na t-shit na kulay itim at na-emphasize pa lalo ang puting-puti at namumula nitong balat. Namili din siya ng pantalon para magamit sa Christmas Party fitted ang gusto niya, at bumagay naman sa kanya. Magaling talaga siyang mamili! Lahat bagay sa kanya. Mas lalo siyang gumuwapo at feeling ko ay mukhang magkakagusto pa ata si Hiro sa kanya, kaya pinagbantaan ko siya ng pabiro para iwasan ang ganung feelings sa kanya.

Nang natapos ang pamimili namin ay nagpasiya kaming pumunta sa Quantum. Ang daming estudyante!! Mga college student sa Intramuros. Naghanap kami ng available room para sa kantahan naming magbabarkada. Umupo muna kami sa isang sulok at kinuha ang music selection book at sabay naghanap ng kanta.

"Ako, Lei, lista mo... 098764 iyan ang kakantahin ko." Sabi ko sa kanya.

Kinuha ni Lei lahat ng kakantahin namin sa loob gamit ang ballpen at nilista nito sa papel. Hindi ko alam kung anong kakantahin nila kasi ayaw ipakita ni Lei yung listahan, kaya naisip ko na mukhang may gagawing kalokohan ang magbabarkada.

Medyo matagal kaming naghintay sa labas. Si Lei, panay ang kindat sa akin kapag hindi sila nakatingin sa amin. Pilyong lalaking ito!! Naghahanap ng tyempo para iparamdam sa akin na mahal niya ako. Samantala, sina Nikol at Hiro naman ay tinitignan ang mga bawat dumadaan sa kanila, pag babae sabay tingin sa boobs, at pag lalaki naman ang dumaan, ay yung umbok sa baba nakatingin. Parang mga hunghang!!

Sampung minuto ang nakakalipas at inip na inip na kami sa kakahintay sa labas.

"Putang Ina, bro, antagal naman!! Nakakabato na ah!! Ano sila, nagko-concert?" Pasigaw na sabi ni Hiro habang kinakamot ang buhok.

"Hindi bro, parang may ginagawa. Tignan mo..." Sabi ni Nikol habang tinitingnan ang isa sa mga videoke room.

Nakatitig ng mabuti si Nikol sa isa sa mga nagbi-videoke sa loob. Nang pumunta ako ay nagulat din ako sa ginagawa nila sa loob.

"Puta, bro, eh nanood ng bold sa cellphone eh.. Pano sila matatapos niyan. Mga malilibog!!" Puna ko habang tinuturo ko sa harapan ng barkada ko ang nakita ko.

Pahapyaw na sinisilipan namin ni Nikol ang bold na pinapanood ng mga kalalakihan sa loob. Sa isang sulok, nakita ko na may nagsasalsal na lalaki. Oo nag-eejaculate sa gilid ng upuan malapit sa videoke sa loob. Agad akong tumayo para tignan ang ginagawa ng lalaki sa gilid ng videoke room. Namangha ako! Parang ngayon lang ako nakakita ng ganung sandata bukod yung sa akin. Hindi ko nakita ang sandata ni Lei noong nagsex kami, kasi hindi ko tinanggal ang shorts niya. Ang ganda!! Ang haba!! Ang taba!!!

Hindi ko namamalayan na tinitigasan na ako kaya naisipan kong takpan ang harap ko sa baba ng Math Time na lagi kong dala para hindi mahalatang tumatayo si Dudong ko. Tumagal ng ilang minuto at napansin kong mabilis na binabalbal gamit ang kanang kamay ng lalaki ang kanyang mala-talong na alaga nito hanggang sa bumulwak ang mala-conditioner na kulay na dagta nito sabay punas sa panyo niya. Parang effortless lang para sa kanya. Tumayo siyang bigla at nanood ng bold. Bigla akong na-curious sa nakita ko. Ano kaya lasa ng sa kanya? Masarap ba na isubo ang alaga nito sa bibig?

Nakita ako ni Lei na parang napatulala sa nakita at sabay hinila niya ako pababa. Tinanong niya sa akin kung ano ang ginagawa ko.

"Hoy, anong ginagawa mo diyan?loko ka, Big Bro!! Para kang timang!!" sabi niya sa akin habang nakatitig sa dalawa kong mata.

"...Sight seeing?! Ang ganda kasi ng mga nakikita ko sa tv sa loob eh.. NAKAKAPANGHALINA!!" sagot ko na wari'y hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi sa kanya.

"Loko!!"

Sakto nang habang nag-uusap kami ni Lei ay may lumabas na sa dulo ng videoke room. Agad kong tinapik sa binti si Lei sa tabi ko sabay tayo pumunta sa na-okupang videoke room. Pinapunta namin yung staff ng quantum at sabay ibinigay ang sinulat ni Lei sa maliit na papel sa kanya.

Nang natapos ay biglang kinuha ni Nikol ang microphone sabay kanta sa napili niya. "On bended Knee" ng "BoyzIIMen" ang kinanta niya. Napamura kaming lahat nang inumpisa niyang kumanta. Ang sakit sa tenga! Kung alam ninyo lang!! Nang umalis si Hiro sa tabi ko para tumabi kay Nikol ay tyempong umupo sa tabi ko si Lei. Kinuha niya ang kamay ko sa kanan sabay ini-sway. Loko din tong lalaking to, pasimpleng chancing sa akin!

Natapos ang kanta ni Mokong, este ni Nikol pala, at ibinigay ang microphone kay Hiro.

"Hello fans!! This song is dedicated to my one and only love, Jacob!!! "

Isa rin sa mga loko-lokong ito si Hiro. Syempre, ano pa ba ang kakantahin niya na naa-associate sa kanya, kundi "Hero" ni Mariah Carey!! Tawanan kami ng malakas ng tumambad sa tv ang title ng kanta. Agad niyang kinanta iyon na ipit at boses babae. Habang kumakanta, naisipan kong batuhin ng papel na nakita ko sa sahig. Nasaktan siya kaya gumanti siya sa akin ng halik sa pisngi. Tumayo ako at nakipagharutan kay Hiro. Nang na-corner ay agad ko naman siyang inambangan ng halik na umaatikabo sa pisngi niya sabay tulak sa akin at napahiga sa binti ni Lei. Nagkatitigan kaming dalawa pero sa puntong iyon ay hindi na ako pinakialaman ni Hiro. Ang ganda ng mga mata ni Lei.. Me kung anong pumasok sa isip ko na halikan ko siya sa labi habang nakahiga sa mga binti niya. Pumikit ako at inilapit kong bahagya ang mukha ko sa mukha niya, nang me ginawa siya na kinamula agad ng ilong ko.

"Ano ka, sinuswerte. Ikaw Big Bro ah!!" sabi ni Lei sabay pisil sa ilong ko ng madiin.

"Aaaaaaarrrrrraaaayyyyy!!!!"

Napasigaw ako ng hindi oras. Sakto pa naman at may tigyawat ako sa ilong kaya dumoble ang sakit ng ilong ko dahil sa pagpisil nito sa akin. Biglang tumingin ang dalawa.

"Uiiiiii..... Ang sweet ng dalawa!! Magbestfriend lang yan ah!! Akala mo, mag-asawa na!! Nakakabakla kayo!!" Sigaw ni Nikol sa amin nang kami ay nahuli niya.

Natapos ang kanta ni Hiro na bagsak ang score nito. 77.. Better luck next time!! Hahaha!!! Pagkatapos ay binigay ni Hiro kay Lei ang mic. Tumingin si Lei sa akin at pabulong na nagsabing "I LOVE YOU" sa harap ko.

Remember me this way.. Iyan ang kinanta niya. Bigla akong napatayo at natulala sa napakinggan kong kanta. Walang anu-ano ay bigla akong lumuha. Lumuha ng lumuha at ng tumagal ay napagdesisyunan ko na tumakbong papalayo kay Lei sabay dampot sa mga binili ko at sabay sumakay sa escalator, bumaba at nagpasya na bumaba ng Mall. Hindi ko napansin kung nababangga ko na mga kasalubong kong maglakad sa mall at di ko na rin pansin na tuloy pa rin ang daloy ng aking mga luha. Pagkalayo ko sa mall ay saktong sumakay ako ng papunta sa Divisoria at nagpasiyang umuwi.

Walang pumigil sa akin na gawin iyon noong napakinggan ko ang kantang nagpaalala sa akin ng pagmamahal na nabahiran ng galit kay Patrick. Gusto ko pang mabuhay sa puso ko si Patrick, pero ang sakit sa damdamin ko na biglang bumalik ang naging dahilan para masaktan ako ng lubusan. Umiiyak akong inabot ang bayad ko sa jeepney driver. Hindi ko lubos maisip kung bakit sa dinami-damming pwedeng kantahin ay yun pang kinanta ni Lei! Pati tuloy siya ay nadamay sa masidhi kong galit sa aking nakaraan.

Umuwi akong nakita ako ni Cheney sa daanan na umiiyak. Agad niya akong niyakap at sinamahang umuwi. Sakto at wala si mommy at mukhang nagbabantay sa water station na family business namin kaya kaming dalawa lang ni Cheney ang nasa loob.

"Hey cakie, what's wrong? Bakit ka umiiyak habang naglalakad? What seems to be the problem, honey..?"

"The song... That song... Huhuhu!! Narinig ko ulit yung kanta!!" sabi ko sa kanya habang nakaupong nakayakap sa kanya.

"Hiss cakie, calm down. Kaya mo yan!! I do believe in you.. See mahal mo pa si Patrick, hindi ba?!"

"Oo.. Mahal na mahal ko siya, pero kapag naririnig ko ang kantang nagpapa-remind sa kanya, agad-agad bumabalik ang galit ko sa kanya..."

"Yeah, I know my cakie. Sige at iiyak mo lang sa harapan ko ang lahat-lahat.."

Iniyak kong lahat ang hinagpis ko kay Patrick. Hinimas ni Cheney ang likod ko sabay suyo sa akin na iiyak ko ang lahat. Nang medyo nahimasmasan ay tumayo ako sa kanya sabay yakap ng mahigpit. Agad na nagpasalamat sa kanya sabay dampi ng labi niya sa labi ko.

Bigla niyang inihinto pagkatapos ng ilang minutong paglalapat ng aming labi. Nagpasiya siyang dalhan ako ng sinigang na baboy na niluto ng mommy niya para sa hapunan nila.

Bumalik si Cheney after a few minutes. Binuksan ko ang gate at napansin ko na mayroon siyang dalang mainit-init na sinigang na nasa malukong na tupperware at agad kong kinuha iyon. Medyo mag aalas siyete y media na ng napansin ko ang oras. Anlamig ng simoy ng hangin at saktong magpapasko.

"Magmimisa de gallo ka mamaya, cakie?" tanong ko sa kanya habang papunta sa loob.

"I don't know, cakie. Maybe if my mom will call me up later to attend the mass, Baka makapunta ako." sabi ko sa kanya.

"I hope you'll do.. Kasi pupunta ako mamaya. I really want to spend Christmas Mass with you. Who knows, this might be the last?!" Sabi niya sa akin.

"Anong last?! Wait, do you mean aalis ka? Iiwan mo akong katulad ni Patrick? Please, wag mo naman akong gawing ganito!!" Pasigaw kong sinabi kay Cheney habang nakatingin ako sa kanya ng masama.

"Cakie, what I'm trying to say is, I just want to be with you this Christmas, tayo ni Lei! Tayong tatlo!! Gusto ko, tayo tayo lang magbe-bestfriend!!"

Sabay akong tumalikod pagkatapos niyang magsalita. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng pinggan namin ni Cheney at pitsel na may lamang iced-tea. Dinala ko Ito sa kanya habang may ka-text siya sa CP niya.

"Cakie, what gift do you want this Christmas?" tanong sa akin ni Cheney habang binibigay ko ang pinggan sa kanya.

"Kahit ano, I'm not choosy when it comes of everything. Basta I am prolly contented with what kind of gift you will give for me this Christmas." sabi niya sa akin habang nakatingin sa ginagawa ko.

Habang nilalapag ko ang pinggan sa kanya ay bigla niyang kinuha ang kamay ko. Tinitigan niya ako na parang may gustong ibig sabihin. Tumingin din ako sa mga mata niya. Hindi ko alam. Parang pinipilit ko ang emosyon ko sa kanya na dati ay hindi talagang ganun.

"Cakie, come what may, I will always love you!! Mahal na mahal kita, Cakie ko... You'll always be in my heart, forever!! Pahalik naman!!"

Hindi ko siya narinig sa mga puntong iyon. Marami akong gustong sabihin sa kanya sa mga nararamdaman ko ngayon. Mahal ko siya, Oo, pero hindi ko na ramdam iyon sa kanya. Feeling ko, isa na lang siya sa mga kaibigan ko na nagmamahal sa akin. Mahirap!! Talagang-talaga!!

Lumapit siya sa akin at sabay dinampian ang nanunuyot kong labi ng labi niya. Napapikit ako. Parang pumapasok sa isip ko si Lei. Parang feeling ko, siya ang kahalikan ko. Si Lei na minsan naging kaibigan ko, naging bestfriend ko,kinakapatid ko, at ngayon, ang aking SECRET LOVER.

Pinagsaluhan namin ni Cheney ang mainit na sinigang na bumabawi sa lamig ng panahon. Medyo maasim ang lasa pero nagustuhan ko naman. Pinunasan ko ang noo ni Cheney nang napansin ko na pinapawisan siya habang kumakain at nagpasalamat pagkatapos. Nang natapos kaming kumain ay napagdesisyunan kong paupuin si Cheney sa sofa habang nililigpit ko ang aming pinagkainan. Agad na lumapit ang alagang shitsu na ibinigay niya sa akin at pumunta kay Cheney. Patrick ang napili kong pangalan para sa kanya at agad niyang tinawag iyon sa pangalang ibinigay ko sa aso. Nang pumunta sa kanya ay agad niyang kinarga ito at hinalikan ang ilong. Natapos ang mga araw na iyon na marami ang nangyari sa akin na hinding hindi ko makakalimutan.

Itutuloy....