Biyernes, Nobyembre 25, 2011

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 18)



Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, Nujum, LightRundle, Erion, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

---------------------------------------------
Part 18

"Cheney, are you Ok?! Kung gusto mo, ihahatid muna kita sa inyo, kung di mo talaga kaya?" tanong ko kay Cheney habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep.

"Cakie, I'm all fine! Siguro stressed lang ito dahil sa pressure sa school. I can handle myself, so don't worry!!" sabi niya habang minamasahe ang magkabilang sentido ng ulo.

Nang huminto ang jeep sa harapan namin ay kaagad kong pinasakay si Cheney. Mukhang may tinatago siya sa akin noong mga panahong medyo hindi maganda ang pakiramdam nito.
Nang nakasakay kaming dalawa sa jeep, malapit sa labasan, ay agad na sumandal sa kanang balikat ko si Cheney. Napapikit siya ng hindi oras. Hinawakan ko ang mukha niya. Mukhang may pinagdadaanan nga! Kilalang-kilala ko si Cheney dahil 10 years ko na siyang kaibigan at 4 years naman kaming maging magnobya. Namumula si Cheney, mas maputi si Lei sa kanya kaya medyo naaninag ko sa kanya ang mamula-mula nitong balat. Matangos ang ilong nito at na aakalaing mo'y parang pinagbiyak na bunga sila ni Lei. Pinunasan ko ang pabagsak na mga luha niya dala na rin siguro ng paghikab niya bago sumandal sa akin.

Nakapunta kami ng school ganap na alas 6:15 ng umaga. Medyo madami ng tao at hinihintay na lang ang flag ceremony bago kami pumunta sa classroom. Magkatabi lang kami ni Cheney ng kwarto. Section 2 kasi kaming dalawa ni Lei samantalang section 3 naman siya. Alalang-alala pa rin ako kay Cheney noong mga panahong medyo matamlay siyang nakatayo sa pila niya. Binati siya ng mga kaklase niya pero parang walang narinig ang nobya ko sa kanila.

Hindi ko muna pinansin si Cheney at baka dumagdag lang ako as one of her stressors sa kanya, kanya nagpasiya muna akong kausapin si Arah, still consistently President ng section namin, simula 3rd year. Nag-usap kami tungkol sa mga mangyayari sa JS Prom sa February. Motive na kulay daw para sa mga girls, kung magsusuot ng gown ay kulay blue, para sa mga senior tulad namin, at pink naman sa mga juniors. Malaya daw kaming mga lalaki na pumili ng isusuot namin, ayon sa gusto, basta formal at elegante. Sa mga sasayaw naman sa cotillion, kasama daw akong sasayaw dahil naging Mr. Junior ako last year. Pili lang ang sasali para sa JS ball kaya't buti na lang at isa ako sa mga napili.

Si Cheney ay isa sa mga organizer ng JS Prom. Mamaya ay aattend siya sa meeting na gagawin ng Ang Barranggayette-SSG council para plantsahin ang gagawing aktibidades sa di-makakalimutang araw na iyon ng nga tulad kong gagraduate na sa March. Makayanan kaya niyang asikasuhin iyon, gayong panay ang sakit ng ulo niya sa di-malamang dahilan?

At last, at nakita ko sa pila si Lei. Mukhang late na naman siya. Pinuntahan ko siya para malaman ang dahilan ng pagkaka-late niya at tulad ng sinabi niya sa text, ay ang dahilan ng pagkakalate niya.
Nagsimula na ang flag ceremony na ang kaklase ko ang nag-lead ng prayer at national anthem, tapos yung sophomore na section one naman ang nag-panatang makabayan at maya-maya'y nagsimula nang umandar ang pila papunta sa mga room.

Nakita ko si Nikol, Hiro, Jayson at Joseph na magkasama. Hinila ako ng isa sa kanila sabay gulo sa naka- fly away style ng buhok ko. Agad kong sinuntok ang bayag ni Nikol para tigilan ako sa ginagawa nito sa akin at napaatras siyang bigla ng di-oras pagkatapos nun.

"Aw..... Tangina mo, Jacob!! Ang sakit!! Yung alaga ko pa pinuntirya mo!! Gago!!" sabi niya sa akin habang hawak-hawak ang itlog nitong mukhang nabasag ko.

"Sorry!!! aga-aga tapos guguluhin mo buhok ko. Dapat nga magpasalamat ka pa dahil iyan lang ang inabot mo sa akin!!"

"Loko ka, Jacob!! Pasalamat ka't kaibigan kita, kundi nagulpi de palo kita ng hindi oras!!" bulalas ni Nikol habang hawak-hawak pa din ang alaga nito at nagsimulang maglakad.

Para kaming mga baliw. Ang iingay namin sa corridor paakyat papunta sa room. Hiyaw dito, hiyaw doon. Buti na lang at kami ang unang-unang section na umakyat sa taas, kundi napagalitan kami ng mga nakapasok na sa ibang room.

Tanghali na nang magpasyang pumunta si Cheney sa meeting ng Ang Baranggayette-SSG. Nagtext siya sa akin at samahan ko daw si Lei na kumain sa canteen kaya niyaya ko ang kinakapatid ko na kumain kasama niya. Kinuha niya ang pulbos sa bag niya bago kami lumabas sa room at pumunta sa canteen. Tinanggal niya ang kanyang salamin. Nagpulbos siya at nang natapos ay pinatingin niya sa akin ang mukha nito kung pantay ang pulbos sa mga mukha niya. Hindi ko na lang sinabi sa kanya na medyo may natirang pulbos sa mga ilalim ng mga mapupungay na mga mata nito, kaya ako na lang ang nagpunas sa kanya gamit ang hinlalaki ko.

Nagpunta kami sa Library para silipin kung nandun si Hiro, pero wala daw siya dun. Kaya't nagpasiya na lang kaming dalawa na pumunta sa canteen at doon kumain. Nang pagkapunta ay naghanap kami ng uupuan namin at sakto kaming nakakita sa gilid ng canteen malapit sa pintuan palabas. Umupo kami at sabay lagay ng mga bag sa lamesa. Hindi sumama sa akin si Lei sa pila dahil may baon daw siya. Agad niyang nilabas iyon at tumambad sa akin ang Sbarro na mukhang binili ng Tita niya para sa kanya. Dalawang styro na nakaplastic ang inilagay niya sa lamesa. Pagkatapos ay umalis ako sa harapan niya at nagtungo sa bilihan sa harapan.

Tumagal ng 5 minuto akong nakapila sa harapan, kaya medyo mabilis ng kaunti ang andar ng pila compare sa mga araw na peak na peak sa dami ng estudyante na kumakain dito. Tumabi ako kay Lei sabay baba ng binili ko. Isang tasang laing at pritong isda at pagkatapos ay RC cola ang binili ko. Agad kaming nagsimulang kumain.

Habang kumakain, nakikita ko sa kanya na mukhang alalang alala siya na hindi ko mawari habang sinusubo niya ang kanyang pagkain. Mukhang may problema itong baby bro ko!! Kinuha ko ang isang styro na inalok niya sa akin sabay hati sa gitna para pagsaluhan namin dalawa. Wala pa rin siyang imik. Ang tahimik niya. Para silang dalawa ni Cheney na balisang-balisa na hindi ko mawari. Hanggang may natanggap akong message mula sa CP ko na kinahinto ng aming kinakain sa sobrang gulat.

"hi jacob. This is me,mam Ortega. Kindly go here at the clinic together with Lei because Cheney was collapsed while we're having our meeting. Thanks!!"

Si Ma'am Ortega, ang isa sa mga organizer na kasama ni Cheney ang nagtext sa akin gamit ang number ni Cheney. Hindi ko alam ang gagawin nun noong nalaman ko iyon. Agad kong pinahinto si Lei sa kinakain sabay iwan ang pinagkainan namin na hindi pa gaanong tapos.

Kumaripas ng takbo si Lei, wari'y siya ang pinaka apektado sa nangyari kay Cheney, gayong ako ang BF niya at dapat na gumagawa ng ganun sa kaniya. Pawis na pawis na hinanap namin ni Lei ang clinic at dun ay nakita namin si Cheney na kausap ang doctor sa loob.

"Cheney, what happened? Sabi ko sa'yo, magpahinga ka na lang sa bahay at ako na lang gagawa ng paraan para dun sa meeting mo eh.." Sabi ni Lei kay Cheney habang nakatingin ako sa dalawa.

"Sorry Lei, Matigas lang talaga ulo ko. Gusto ko kasing maayos agad yung meeting namin so I have nothing to worry para dun after all. I want to make that day, a very special to all of us!! Yun ang gusto ko!!" sabi ni Cheney habang nakatingin kay Lei na parang maiiyak.

"I understand!! Cheney!! I understand!!". Sabi ni Lei kay Cheney na mas nag-aalala pa kaysa sa akin.

Hindi na ako nagsalita dahil lahat ng gusto kong malaman kay Cheney ay nasabi na ni Lei. Kinuha ni Lei si Cheney sa akin at sabay yakap nito sa nobya ko. Hindi ko alam kung ano ang gustong ipalabas ng dalawa sa akin sa mga ginagawa nila sa isa't-isa. Para akong tanga nung mga araw na yon. Nagdududa na ako sa dalawa dahil parang mas alam pa nila ang nangyayari sa isa't-isa kaysa sa akin. Para akong iba para sa kanila. Parang antagal-tagal na nilang magkasama kung magturingang dalawa!!

"Mukhang nakakaistorbo ata ako sa inyo.... Aalis na lang ako! NAKAKAHIYA naman sa inyo eh!!" sabi ko sa kanila habang naglalakad papalayo sa kanila.

Oo, nagseselos ako!! Nagseselos ako sa dalawang espesyal sa buhay ko. Para kasing me tinatago sila sa akin.. Ilang araw at ilang taon ko na ring napapansin ang pagiging closeness nilang dalawa sa isa't-isa. Ewan ko ba kung magagalit o magtatampo ako para sa kanila, ngunit sa puntong iyon ay kailangan ko munang mapag-isa.

Mahal ko si Cheney, same goes with Lei. Pero mas lamang ng napakaraming beses si Patrick. Ang sakit!! Ayaw kong ipilit para sa sarili ko na may pagtingin si Lei kay Cheney. magkakaibigan kami, at ayaw kong masira iyon ng dahil sa maling persepsyon ko sa dalawa. Lumakad ako nang nakayuko. Dahan-dahan. Sa puntong iyon gusto kong lumayo sa kanila. Gusto kong ituon ang sarili ko sa mga nararamdaman ko para sa dalawa. Sana mali ang pananaw ko. Kung magkakatotoo, hinding-hindi ko papalagpasin si Lei at makakaaway ko siya lalaki sa lalaki, kung kinakailangan.

Habang lumalakad ay biglang pumasok sa akin si Patrick. Sana nandito siya at nakikinig sa mga hinaing ko sa buhay ko. Sana nandito siya para protektahan naman niya ako laban sa mga nagpapaiyak sa akin. Sana siya ang nagpupunas ng mga luha ko sakaling gusto kong ilahad ang mga masasasakit na nangyayari sa buhay ko. Sana , andiyan siya para sa akin. Sana nga!!

Nagpasya akong hindi muna kibuin ang dalawa. Ayaw kong tapakan ang pride ko sa mga nakita kong modes of affection nilang dalawa. Bumaba ako sa hagdan at pumunta ng library.

Sa library, pansin ko na walang gaanong tao. Wala si Ma'am Pelaez na adviser ng Booklovers Club kung saan member ako. Inilagay ko ang bag ko sa bag shelves. May biglang pumasok sa isipan ko na balikan ulit ang bag ko para tignan ang ibinigay sa akin ni Cheney kaninang umaga.

From: Jan Patrick V. Francisco

To: Mark Jacob C. Inocencio

Iyon ang nakita ko sa parang Christmas Card na hindi ko pa nabubuksan. Na-excite akong buksan iyon kaya hindi ako nagdalawang isip na sirain ang envelope nito.

"Have a blessed merry christmas and prosperous new year!!"

Maganda ang Christmas Card. Kulay pula ito na nakalagay ang unang letter ng pangalan namin na naka- intertwined sa isa't-isa. Ang ganda!! Parang naalala ko ang lahat-lahat! Nang binuksan ko ang Christmas Card ay ito ang nabasa ko.

"My dear Jacob.

Merry Christmas!!

This must be the first time that I write to you since I was went abroad. I long to you! I hope you feel the same like mine. It's been a long years that were not seeing and getting in touch for once ever since. By the way, how's my gift to you last time before I flew back from states? Did you like it? Well, I hope you have always wearing that.

You know what, I have a good news from you!! I'm already here in the Philippines because my mom wants me to finished my school and to earned a diploma here. Sorry if I can't make it up to you as of now because I have a lot of things to do. I was fascinated knowing that you're doing great in school and earned a lot of honors, Cheney has already told me about it. I hope your love and affection for me will always be the same as time goes by.

By the way, I want to see you in date and time that has written at the back of this letter. I'm expecting you to be there. I love you with all my heart and please, let us keep our love burning in our hearts as time flies by. I'm looking forward to see you there.

-Patrick"

Napansin ko na may naburang word sa totoong pangalan ni Patrick. Parang nabura gamit ang correctional ink. Siguro may kasunod pang pangalan si Patrick bukod dun. Hindi ko na lang yun pinansin. Nang tinignan ko ang likod ng Christmas card ay may napansin akong date, location, at oras na pagkakakitaan namin.

"February 5, 2005. Sto NiƱo Parish Tondo. 2:00pm. I'm expecting you there!!"

Masayang masaya akong nakita ko ang mga mensaheng ibinigay sa akin ni Patrick. Bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob para harapin siya. Gusto kong harapin si Cheney para sabihin sa kanya ang magandang balita hatid ng sulat na ibinigay niya sa akin. Pero, nagmatigas pa din ako. Kailangan nilang mag-sorry sa akin dahil para akong tanga na nanonood sa ginagawang modes of affection ng dalawa.

Agad kong inilagay ang sulat na mayroong mga ngiti sa aking mga labi. Para akong babae noong araw na iyon. Biglang tumibok ng napakalakas ang puso ko. Makikita ko na siya sa wakas!! After 9 years of not getting in touch. Ni hindi ko na nga maalis sa isip ko kung ano ang gagawin kapag sumapit ang oras at panahon na tinakda niya para sa amin na magkita. Hindi ko rin maiwasan na ma-imagine siya kung ano ang hitsura niya ngayon. Gwapo siya noong bata at halatang-halata ang kulay ng buhok nito na kapag naaarawan ay akala mo'y parang foreigner dahil iba ang kulay ng buhok nito kaysa sa ordinaryong buhok na nakikita ko.

Nagtext sa akin si Lei. Mukhang na-guilty sa ginawa niya sa akin. Nagsorry siya dahil sa nangyari sa kanila ni Cheney na kina-selos kong bigla. Hindi muna ako nagreply. Gusto ko munang palipasin ang sama ng loob dulot ng ginawa nila.

Nagkita kami ni Lei ng hindi inaasahan. Hindi ko siya pinansin. Lumayo ako sa kanya pero lumalapit pa rin siya. Hindi ako makapag-timpi kaya kinompronta ko siya.

"Ano ba!!! Pwede ba layuan mo ako!! Bistado na kita!! Ahas ka!!!" sigaw ko kay Lei.

Wala na akong pakialam sa mga taong nakatingin sa amin. Hinding-hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito na sinaktan nila ang pride ko. Agad na kinuha ko ang mga kwelyo ni Lei at sabay dikit sa mukha ko.

"Tangina mo!! Lei!!! Putang Ina ka!! Inahas mo si Cheney sa akin!! Bakit ka mas concerned sa kanya to think na ako ang BF at kaibigan ka lang niya!!"

Nahulog ang salamin nito sa lapag. Sa sobrang gigil ko ay binasag ko ang mga salamin nito sa mga mata gamit ang sapatos ko. Tumingin ako sa kanya na parang nangungusap. Binitawan niya ang aking mga kamay sabay suntok sa mukha ko at sabay napahiga ng hindi oras.

"Hindi mo alam, Kuya!! Hindi mo alam!!! Lahat ng namamagitan sa amin ni Cheney ay may dahilan!! Malalaman mo din ang lahat-lahat ng tungkol sa amin pero hindi muna ngayon!! Sana maintindihan mo muna ako, for once and for all, HINDI KO MAHAL SI CHENEY!!! Ano masaya ka na?!"

Bigla akong natauhan sa sinabi sa akin ni Lei. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa impormasyon na narinig ko mula sa kanya. Mali pala ako!! Umalis siya sa akin sabay dampot sa salamin niyang nasira ko. Tumayo ako at inayos ang uniform at umalis na din pagkatapos.

Habang naglalakad, naisipan kong puntahan si Cheney sa clinic. Wala na daw siya at pumunta na daw sa klase niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Nakakahiya na kinompronta ko si Lei na mali ang inaakala kong impormasyon sa kanila. Sinisisi ko ang sarili ko. Ewan ko kung bakit ako naghinala ng ganun sa kanila. Nakakapanghinayang!!

Umuwi ako na sising-sisi sa nagawa kong komosyon sa eskwelahan. Naging pangit ang image ko na dati nang maganda nang dahil sa hinalang lingid pala sa katotohanan. Wala akong kaibigan noong mga panahong iyon. Wala si Cheney sa tabi ko, at si Lei na baby bro ko.

Nagtext sa akin si Joseph at batid niya ang nangyari sa amin ni Lei.

"Punta me senyo m2ya. Mrmi kng kelangang sbihin sa akin. Ku2ha lng ako ng maiinom at mukhang mahaba-habang usapan toh!!"

Ni-replyan ko siya na pumunta siya sa amin. Nasa bodega si mommy at wala naman si daddy kaya ako lang mag-isa sa kwarto.

Makalipas ang dalawang oras at agad na pumunta si Joseph. May
dalang Colt 45 na tatlong bote at chicharon na pulutan. Bihira lang akong uminom sa buong buhay ko, at ngayon ko lang gagawin iyon. Sumigaw si Joseph sabay tingin sa bintana sa baba at sumenyas na pumasok na sa loob.

"Si Lei ano???" sabi niya habang umuupo sa tabi ko.

"Oo siya!!"

"Sabi ko na nga ba, eh!! Mali ang ginawa ni Lei!! Dapat nakinig siya sa akin!!" sabi ni Joseph

"Ano ba iyon? Bakit ganun si Lei sa akin?! Masikreto siya!!"

"Sa totoo ang, Jacob, kasalanan namin talaga ito. Matagal na!! As in sobra!! Nung first year pa namin ito alam!! Na si Lei at si...."

"Sino?!..."

"Si Lei at si—"

Itutuloy....

3 komento:

  1. same guess as Coffee prince :D hahaha!! thank you po!! sana po ma-update na agad!! :P

    TumugonBurahin
  2. Pasensiya na Chris, medyo nadi-delay pagpost ko ng series ko. Although I find some spare time para gawin yun!! Sana nagustuhan mo bawat episode ko!! Happy to have your comment!!

    TumugonBurahin
  3. Maganda yung story. Ngayon ko lang sya nabasa at minamarathon ko sya.
    Yun lang madami mali sa grammar. Lalo na sa verb tenses.

    LIKE:

    Cheney "WAS COLLAPSED" while we're having our meeting.

    And...

    Since "I WAS WENT" abroad.

    Pwede na syang. "Cheney collapsed" wala ng 'WAS'..

    At "I WENT" wala na ulit 'WAS'.

    Past tense na yung words kaya wag mo na lagyan ng was.

    --ANDY

    TumugonBurahin