Ano ba ang pagiging bakla? Paano nasasalamin ang bawat kwento ng pagiging bakla? Halina't tuklasan ang hiwagang nababalot sa makamundong pagnanasa ng mga kabadingan at mga silahis at ng mga di sigurado sa sexualidad. Handa ka na ba?
Lunes, Nobyembre 28, 2011
Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 19)
Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.
Sa mga nagpa-follow ng blog ko, Maraming Salamat sa patuloy na suporta na maibahagi ko sa buong mundo ang buhay ko, ang karanasan ko sa mundo ng ikatlong lahi at higit sa lahat, sa pagmamahal ko sa isang taong nagmahal sa akin ng lubusan.. SI PATRICK!!
Salamat din sa mga:
Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)
Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, Nujum, LightRundle, Erion, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!
ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!
(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)
Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.
DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.
To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:
Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)
---------------------------------------------
Part 19
"Joseph, oh, bat napasugod ka ng hindi oras dito?" sabi ni mommy habang inaayos ang dadalhing isang box ng bote sa water station sa labas.
"Mommy naman, may sasabihin si Joseph sa akin eh!! Ikaw talaga!!"
Sabi ko na may halong pagkayamot dahil sa pagkabitin sa sinabi sa akin si Joseph.
Nang nasiguro na ni mommy na kumpleto na ang bote ay napagdesisyunan na niya kaming iwanan sabay bilin sa akin na bantayan ang bahay. Napabalik ako ng tingin kay Joseph at nagsabi na ng saloobin ko.
"You know what, Joseph, I love Cheney with all my life. Napansin ko this past few days na mas nagiging close sila ni Lei over me. Nagseselos ako!! Totoo iyon!! Wala akong choice kaya nagawa ko yun kay Lei."
"Jay, mali eh!! As in sobra!! Wag ganun!! Hindi mahal ni Lei si Cheney!! Na-concern lang siya kasi tinuturing niyang ate si Cheney. Tulad ng sa'yo. Di ba kuya ka niya, alam mo yan, bro!! Dahil mas kilala kita kaysa sa mga kabarkada natin!!" paliwanag ni Joseph habang nakatingin sa akin.
"Si Lei kasi eh!! Pasensiya na bro!!(bigla akong napaiyak) kasi silang dalawa, parang mas close sila sa isa't-isa eh. Parang antagal na nilang magkakilala?! Ayun ang dahilan kung bakit ako naging ganun sa kaniya!!"
"Bro.. Kahit bali-baligtarin mo ang pangyayari, Mali ka pa rin. Oh! You should never, never doubt what nobody is sure about. Ayan tuloy ang nangyari sa iyo. Tsk..tsk..tsk.."
"Teka ano ba yung gusto mong sabihin sa akin kanina about Lei?!"
"Oh, forget about it!! Wala na naman akong pakialam dun eh. Basta, ang gawin mo bro, try to fixed everything!! Wag mong ipapabukas, kundi ngayon na!!"
Binuksan ni Joseph ang isang bote ng Colt 45 gamit ang ngipin nito. Napahanga ako dahil bihira lang ako makakita ng ganung style.
"Putah, bro.. Innate yang talent mo ah?! Kailan mo pa natutuhan yang ganyang style ng pagbukas?!"
"it's all about genes, bro!! Hehehehe..." sabi ni Joseph sabay tapik sa balikat ko.
Nag-inuman kaming magkasama hanggang sumapit ang alas ocho ng gabi. Buti na lang at tinext ako ni Joseph para masabi ko ang lahat-lahat ng gusto kong sabihin. Masakit para sa akin na pagselosan sina Cheney at Lei, at ngayong na-confirmed ang hinala ko na hindi pala totoo, parang gumuho ang galit ko sa kanila. Gusto kong ibalik ang lahat-lahat ng nangyari sa aming tatlo bago pa nangyari ang hindi inaasahang komosyon naming dalawa ni Lei. Gusto ko siyang mapatawad, gusto ko ring ibuhos ang aking nararamdaman sa mali kong move na ikinasira ng aming relasyon na matagal at halos 3 years kong pinangalagaan.
Tinext ako ni Cheney at sabay humingi ng sorry. Pinapapunta niya ako sa bahay nila para pag-usapan ang lahat ng nangyari kanina noon sa eskwelahan. Ngreply naman ako at agad pumunta sa bahay nila pagkatapos.
Nandun si Lei. Nakayuko habang inaayos ang nasira niyang salamin. Bigla akong naawa sa baby bro ko kasi iyun lang ang tanging salamin na gamit-gamit niya simula nang nagkakilala kami noong 2nd year. Nasa harapan si Cheney ng gate nila at sabay yaya sa akin na pumunta sa loob.
"Cakie, marami kaming dapat sabihin sa'yo.. Tungkol sa akin, tungkol kay Lei. Pero maupo ka muna diyan."
Pinaupo ako ni Cheney. Nakayuko pa rin si Lei. Masakit isipin na aabot sa ganito ang sitwasyon naming tatlo, nang dahil sa selos at sa maling hinala ko para sa kanila.
"I know, it's hard for you to tell, pero, I have to live my life for 3 to 6 months. Oo, the doctor had already declare me that I couldn't longer survive the chemotherapy. I have the chances of 35% survive. I have Acute Lymphocytic Leukemia and I'm on my pre-terminal stage. This form of Leukemia is rapidly progressing that is characterized by the presence in the blood and bone marrow of large numbers of unusually immature white blood cells destined to become lymphocytes. Mahirap para sabihin, pero the doctors have discovered that my bone marrow is too weak for me to create another red blood cells, that's why you noticed that I was felt dizzy and weak this past few weeks." sabi niya habang nakaupo ng hindi nakatingin sa kanya.
"Our school, together with our school clinic has just give me 3 weeks to spend each of you in school before I will file my leave of absence that might end, in gods will, until I am fully recovered. Ayaw kong sabihin ito sa iyo, pero, hindi maiwasan ni Lei ang sakit at hirap na nakikita niya sa akin kaya inakap niya ako na naging dahilan para pagselosan mo siya. Mahal kita, at alam ko din na mahal mo siya.. Oo, matagal ko nang alam na nagmamahalan kayo!! I knew this even before. Kahit masakit sa akin, pero tanggap ko na iyon, kaya Jacob, gusto ko na MAHALIN MO SI LEI tulad ng pagmamahal ko sa'yo!!!"
"Stop playing fool in front of me, Cakie!! I know, you're doing this just because you want me to love Lei over you!! Don't be too insensitive!! Oo, mahal ko siya!! Pero mahal din kita!! I don't wanna give up our relationship in an instant!! and please, I don't have the heart to play tricks together with all of you!!" sigaw ko sa kanila sabay turo sa kanila.
Napatayo ako sa kinauupuan ako sabay alis sa kanila. Ewan!! Hindi ko alam kung anong gagawin. Tumakbo akong papalayo sa bahay ni Cheney. Umuwi sa bahay at nagkulong sa kwarto. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Nalilito ako! Totoo ba ang narinig ko na iiwanan na ako ni Cheney? Paano na ang pagmamahal ko sa kanya? Hindi ba niya pinapahalagahan ang pagmamahal ko sa kanya? Insensitive ba siya? O sadyang binubuhay lang niya sa puso ko si Patrick sa katauhan ni Lei. Nalilito ako!!!!!!!!!
Kinuha ko ang sentimental box ko na medyo naalibukan na sa aparador sa ibaba. Binuksan at nakita ko ang nag-iisang picture naming tatlo. Kinuha ko iyon at tinignang mabuti. Ang babata pa namin, at ang sasaya. Si Patrick, nakaakbay sa leeg ko, samantalang naka peace-sign si Cheney at nakangiting nakaharap. Bigla akong napatawa. Naisip ko na sa pagkakataong iyon na ang magkakaibigan sa masayang larawan ay unti-unti nang magkakawatak-watak sa paglipas ng panahon hanggang sa napayuko ako. Umiyak. Inilabas ko ang lahat ng hilahil ko simula nang nag-away kami ni Lei hanggang sa pagtatapat ni Cheney ng kanyang nakakamatay na sakit. Nagmahal lang ako ah?! Wala akong ginawang mali sa mata ng diyos! Pagmamahal ang tawag dun!! At iyon ang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa kabila ng pagkakawatak-watak ng pamilya ko!
Umiyak ako. Tumangis. Bumilang ang mga luha ko sa pagpatak hanggang sa tuluyang bumagsak na parang napakalakas na ulan. Bakit ako pinabayaan ng mga minahal ko? Bakit ako sinaktan nila na ang tanging hangad ko lang sa buhay ko ay ang mahalin nila? Ang sakit!! Naninikit hanggang sa mga kalamnan ko at mga ugat nito. Para akong sinampal ng napakalakas ng mga mahal ko sa buhay bilang ganti sa pagmamahal at pagkalinga sa kanila.
"Bakit!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Napakapit ako sa kutson ng hinihigaan ko. Ang tangis na naramdaman ko ay nagiging mapusok sa paglipas ng oras. Para akong baliw! Ipinagkait sa akin ang mga oras na kailangan kong lumigaya sa gitna ng pag-iwan sa akin ng mahal ko. Sana pinatay na lang nila ako!! Sana sinaksak na lang nila ako sa likod. Sana hindi ko na lang sila nakilala!! At sana, Sinumpa na lang nila ang mga oras na una ko silang nakilala.
Pinilit kong balikan ang lahat-lahat ng nangyari sa akin sa buong isang araw. Ang hirap ipaliwanag. Isang araw na puno na hinagpis at pagtangis. Sa pagbabalik-tanaw ko ay bigla na namang bumugso, hindi isa, kundi dire-diretsong daloy ng luha na ramdam ko mula sa mukha ko hanggang sa dibdib ko. Biglang nanginig ang mga kalamnan ko. Agad akong napahigang nakadapa sa kutson at naramdaman ko ang basang-basang unan sa mukha ko. Wala akong pakialam. Sa pagtangis ko, siguro matatapos din ito, pero ang sakit at galit sa puso ko ay hinding hindi magbabago sa paglipas ng panahon.
Hindi ko pala namalayan na nakatulog ako. Mukhang mahaba ang oras. Pinasya ko munang pumikit nang ako ay magising para hindi gaanong masakit sa mata ang biglaang pagdilat ko. Naalala kong muli ang nangyari sa akin. Oo nga pala, bilang na lang ang araw na makakasama ko si Cheney. At ang sidhi ng galit ko kay Lei ay muling bumalik. Makasarili siya. Sinarili niya ang kalagayan ni Cheney at ipinagkait niya sa akin ang katotohanan tungkol sa pagkakasakit niya. Wala siyang pinag-iba kay Patrick!! Wala talaga!!
Tinext ako ni Cheney at tinatanong niya ako kung ok ako. Hindi ako sumagot. Napagdesisyunan ko sa sarili ko na hindi ko sila papansinin hanggang sa mawala ang kirot sa katotohanang ipinagkait. Masama na kung masama, pero kailangan kong gumanti sa kanila.
Dumating ang oras na kinailangan kong pumasok sa eskwelahan. Napansin ko na namumula ang mga mata ko. Hindi ko maimulat ang isa, kaya pumunta muna ako sa CR para maghilamos at magawan na rin ng remedyo ang namumulang mata ko. Pinatakan ko ito ng eye-drops. Medyo um-Ok naman. Sakto at kailangan kong pumunta sa school para mag-practice mag cotillion mamaya.
Nakita ako ni mommy na namumula ang mga mata ko. Pinuna niya iyon sabay lapit sa akin at ako ay tinanong.
"Bunso, alam ko na!! Wag mo nang sabihin ang tungkol sa nangyari sa iyo nina Cheney kagabi. Pasensiya na anak at nabigo din kita." sabi ni mommy sa akin habang nakaharap ng mabuti sa mga mata kp habang ako naman ay nakaupo.
"Tungkol saan, mommy?"
"Anak, wag kang sinungaling. Akala mo, hindi alam ni mommy ang lahat, Oo at alam ko ang pinagdadaanan mo. Si Cheney at Lei, Hindi ba?!" sabi niya sa akin.
Nakapamewang siya, senyales na mayroon siyang nalalaman sa akin. Ganun si mommy kasi lumaki ako na laging siya ang kasama ko. Mahal ako ni mommy, at ramdam ko iyon, dahil siya mismo ang nagtatanong sa akin kung ano ang nangyayari sa akin kahit pa noong bata pa ako, pwera sa pagmamahalan namin ni Patrick.
"Mom, I don't wanna cry!! Pwede, mamaya na lang?!"
Tumayo ako sa harapan niya. Agad niyang kinuha ang kanang braso ko sabay inilagay sa dibdib niya. Ganun si mommy, especially noong nag-open si Kuya Kenneth sa kanya sa Gender Preference niya noon.
"Bunso ko!! Mahal na mahal ka ni mommy!! Alam mo iyon. Minsan, kinakantahan kita, ano ba yon?(sabay tingin sa taas) ah!! Naalala ko na!!(pagkatapos ay tumingin sa akin) yung "SMILE" na kanta ni Charlie Chaplin.. Bata pa ako nun noong una ko iyon napakinggan. Alam mo ba bunso na kinakanta ko sa'yo iyon noong bata ka pa habang natutulog!! Gustong-gusto mong naririnig iyon sa akin. Nahinto lang iyon noong nagka-edad ka ng 13. Bata ka pa iho, pero ang dami-dami mo nang napagdaan sa buhay mo. Minsan nagmahal ka, pagkatapos ay nasaktan ka. Umasa ka na sana babalikan ka ng mahal mo. Lumipas ang mga taon at binuksan mo ulit ang puso mo para mahalin si Cheney. Naging masaya ako nun! Dun ko lang nalaman kung gaano mo ka-importante sa buhay mo si Cheney. Anak, tulad ka din ng mga kapatid mo. Nagmahal tapos nasaktan. Kaya tibayin mo ang iyong loob anak! Pagsubok lang iyan ng katatagan mo, patawarin mo sila!!"
Tama! Tama si mommy!! First time ko lang naramdaman sa kanya ang ganong feeling sa isang anak. Wala na akong pakialam kung kanino pa nalaman ni mommy ang mga nagyayari sa buhay ko. Ngayon ko lang napagtanto na may nagmamahal pala sa akin at iyon pala ay ang mga magulang ko na nagpalaki at nag-aruga sa akin noong pang bata ako. Hinele ako ni mommy pagkatapos niya akong payuhan gamit ang kanta na kinakanta niya sa akin habang ako ay natutulog noong bata pa ako. Ramdam ko sa kanya ang pagiging ina. Hindi tumagal at biglang dumaloy sa pisngi ko ang mga luha. Sa totoo lang, ayaw ko nang umiyak nun. Pero dahil sa pagkalinga niya sa akin ay biglang dumaloy mula sa mga mata ko ang luha na palatandaan na hindi ko pa kayang harapin ang bukas para sa aming tatlo. Lumuha ako hanggang dumating sa puntong napahagulgol ako sa dibdib niya na parang namatayan ng mahal sa buhay. Hinimas ni mommy ang likod ko sabay sabi niyang ilabas ko lang daw ang lahat-lahat. Sa isang umagang iyon, naramdaman ko ang pagkalinga sa akin ng aking ina na hindi ko naramdaman sa mga minahal ko sa buhay.
Limang minuto akong nakasandal sa dibdib niya. Nang pagkatapos ay napansin kong basang-basa ang daster na suot-suot niya. Kumuha ako sa kwarto nila ni daddy ng masusuot pamalit sa nabasang damit pagkatapos ay ibinigay ko iyon sa kanya. Medyo namaga pa ng lalo ang mga mata ko, kaya napagdesisyunan kong magsuot ng shades.
Umalis ako sa bahay dala ang pag-asang haharapin ko ang bukas para sa aming tatlo ni Cheney, at sa puntong iyon, ay handa at kaya ko na silang patawarin.
Nakita ako ni Hiro sa eskwelahan na nakasuot ng shades. Alam niya ang pinagdaanan ko kaya lumapit siya sa akin at nagsorry. Alam din pala niya ang kondisyon ni Cheney. Nahirapan daw silang sabihin sa akin ang totoo, kaya itinago nila sa akin ang katotohanan. Pinansin ko siya at tinapik sa balikat. Sa araw na iyon, ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako iiyak. Wala dapat na luha ang papatak sa akin dahil naibuhos ko na ang lahat kagabi at kaninang umaga. Sinamahan ako ni Hiro sa pila ko. Malungkot ang mukha niya. Parang apektado siya sa mga pangyayari sa pagitan namin nina Cheney.
"Ay, Jay, hindi pala papasok si Cheney. Mukhang may sakit siya. Nagtext siya sa akin at mataas ang lagnat nito. Jay, sana, wag na wag kang magagalit sa amin.. Hangad lang namin na intindihin ang kalagayan ni Cheney gayong may taning na ang buhay niya."
Hindi ako umimik. Masakit para sa akin ang ginawa nila, pero, kailangang kong nagpakatatag, tulad ng sinabi sa akin ni mommy, tsaka one more thing, sawa na akong umiyak. Napayuko si Hiro. Tinapik ko ang kanang balikat nito sabay sabing "It's alright!!"
Umiyak siya na tulad ko kanina. Buti na lang at naka-shades ako, kaya hindi niya rin alam kung umiiyak ako sa puntong iyon o hindi. Tulad ng sinabi ko kanina, hindi ako umiyak. Pinagmamasdan ko lang si Hiro na umiiyak sa akin. Kinuha ko ang ulo nito sabay nilagay ko sa dibdib ko. Mas grabe palang umiyak tong hunghang na ito. Akala mo, gagago-gago pero pusong mamon din pala!
Nagdesisyon akong umuwi na lang dahil ayaw kong me makakita sa section namin, o kaya sa buong campus tungkol sa nangyayari sa akin. Public Figure ako dito, kaya kailangan kong mag-ingat.
Nakarating ako sa daanan ng Pacheco St. at kaagad kong binagtas iyon. Sa dulo, as usual, mga tambay. Mga kababata kong tambay na walang inaatupag kundi makipag-inuman at maglaro ng pusoy dos sa harap ng tindahan ni Aling Perla. Tinawag ako nito para makipag-inuman, pero tumanggi ako. Tsaka na at kapag maganda ang mood ko.
May bigla sa isip ko na puntahan si Cheney. Gusto ko siyang makita at handang-handa ko na siyang patawarin. Sana, andun din si Lei para makausap ko ng puso-sa-puso.
Pumunta ako at nakita ko na sarado ang gate. Tinawag ko mula sa terrace nila si Cheney pero walang sumasagot, hanggang sa may lumabas sa loob ng bahay nila at nakita ko ang mommy niya. Pinapasok niya ako.
"Pasok ka iho, ikaw pala yan, Jacob.. Teka, diyan ka lang at tatawagin ko si Cheney sa kwarto."
Tinawag ni Tita si Cheney sa taas. Walang tao sa loob at ramdam sa bahay nila ang lungkot na talagang nararamdaman ko sa loob ng bahay nila. Tumayo ako at kinuha sa bulsa ng pantalon ko ang mp3 para magpatugtog ng kanta na kaka-download ko lang sa Limewire. Walang anu-ano, habang inaayos ang kurdon ng earphone habang nakatayo ay biglang bumaba si Cheney sa itaas. Ngumiti siya sa akin.
"Cakie, ikaw pala iyan, tena sa taas. Andun si Lei!!"
Agad akong sumunod sa kanya sa likuran habang umaakyat. Sa kwarto, nakita ko si Lei, natutulog sa baba ng kama ni Cheney. Hinayaan ko na lang siyang tulog para mabawi niya ang lungkot at pait ng sakit na nagawa ko sa kanya.
"Kamusta si Lei, Cakie? Naku, wag na wag mong pababayaan yang baby bro ko ah!! Love ko yan!!" pabirong sinabi ko kay Cheney.
"Oo naman, tsaka anong baby bro mo, baby bro ko din yan!! Kapatid ko yan noh!!" sabay gatong ni Cheney sa akin.
Tumawa kaming dalawa ni Cheney nang napansin kong umuungol si Lei ng bigla.
"Jacob... Jacob!! I missed you!!" ungol ni Lei habang natutulog.
"Oh, how astonishing!! Nagsasalita habang natutulog si baby bro ko!! Nakakatawa naman siya!!" sabi ko kay Cheney.
Bigla akong hinawakan ni Cheney sa kamay. Ramdam ko ang init ng mga palad nito. Naging seryoso siya sa pagkakataong hinawakan niya ako.
"Cakie, I know, it's hard!! Masakit talaga!! Hanggang ngayon, Hindi ko pa tanggap na hanggang 6 months na lang ako dito sa mundo. Acute kasi eh, Kung chronic, baka me pag-asa daw akong mabuhay.." sabi ni Cheney habang hawak-hawak ako sa mga kamay ko.
"It's ok, my cakie. Mahirap, pero uunti-untiin kong tatanggapin ang lahat-lahat. Masakit, pero kakayanin ko ito!!"
"My cakie!!"
Umiyak si Cheney sa harapan ko. Sa sobrang sakit dulot ng taning sa buhay niya. Oo, iilang araw ko na lang siyang masisilayan sa mundong ito, kaya, sino ba naman ako para magalit ng ganun sa kanila. Niyakap ko si Cheney. Nararamdaman ko ang init at luha na dumadaloy sa uniform ko. Umiyak siya at humagulgol. Agad kong tinanggal ang salamin sa mata ko at inilapag iyon sa kama niya. Hinipo ko ang mga buhok nito na mahahaba. Ang bango niya!! Parang binuhusan ng jasmine na bulaklak ang kanyang buhok. Ang gaganda ng bawat hibla. Ibang-iba talaga!! Tumingin ako sa mga mata niya pagkatapos umiyak. Pinunasan ko, gamit ang aking mga hinlalaki ang luha niya. Medyo namumula si Cheney at napansin kong lumalamlam ang kanyang mga mata na parang puyat kung iisipin. Hinawi ko ang buhok nito at inilagay sa kabilang parte ng ulo niya. Ang ganda niya. Namumula ang matangos na ilong nito. Ang mga mata nitong kulay brown na mahahaba ang pilik mata ang nagbibigay paalala sa akin ng pagkakaparehas ni Patrick sa kanya.
Nang natapos siyang umiyak ay hinalikan ko siya. Oo, gusto kong sulitin ang mga oras na nalalabi sa aming relasyon. Mawawala siya sa akin, pero ang pagmamahal at ang alaala na ibinigay niya sa akin ang tangi kong kayamanan na minsan, sa buhay ko, nagmahal ako ng isang kaibigan, bukod kay Patrick.
Walang anu-ano ay biglang naalimpungatan si Lei. Agad niyang kinusot ang mga mata. Nang nakaaninag ay nakita niya akong kayakap si Cheney.
"Kuya.. Ikaw ba yan?! Bumalik ka na, Big bro ko?!" tanong niya habang kinukusot pa din ang mga mata nito.
Tumayo si Lei at sabay inalalayan ni Cheney. Pinaupo niya ito sa kama niya sabay bumaba para kumuha ng makakain. Tinitigan ako ni Lei. Ngumiti ako. Nang nakita niyang ngumiti ako ay napatayo siya sa harapan ko at niyakap niya ako sabay halik sa pisngi ko.
"Kuya ko!! Kuya ko!! Sorry for everything I have done!! Nagawa ko lang iyon dahil ayaw kong nakikitang nasasaktan si Cheney!! Sorry big bro!! Sorry talaga!!!" sigaw niya habang tumatangis habang nakayakap sa akin.
Habang kayakap ko si Lei, agad akong dumungaw at nakita ko sa likod niya ang salamin na basag. Sa kanya ito. Ito yung salamin na tinapakan ko noong nagalit ako sa kanya. Inilapag ko ang salamin sa kama ni Cheney sabay kuha sa mukha ni Lei gamit ang mga dalawa kong mga kamay.
"Baby bro, nakita ko ang salamin sa likod mo. Alam mo, iyan ang unang nagustuhan ko sa'yo, bukod sa matalino ka at love na love mo si Big bro..!!"
Kinuha ko ulit ang salamin. Ipinakita ko sa kanya ito. Habang hawak-hawak, kinikilatis ko ang sira at kung papaano ko ito natapakan.
"Baby bro, ako ang dapat magsorry sa iyo. Alam mo, love na love ka ni Big Bro!! Sana love mo din siya, tulad ni Big bro sa baby bro niya. Teka, ako na ang bahala na palitan ang salamin mo. Ako nakabasag niyan, kaya hayaan mong ako ang magpalit niyan." sinabi ko habang nakatingin sa basag na salamin.
Niyakap ulit ako ni Lei. Ramdam ko sa likod ko ang init ng mga luha niya na bumabakat sa uniform ko. Ramdam ko din ang bango ng uniform niya na kahit ilang araw niyang suot iyon ay nanunuot pa rin sa damit ang pabangong nagpapaalala sa akin sa una kong minahal. Tiwala ako sa puntong ito, simula ngayon, bubuuin ko ang unti-unting nawawalang pagkakaibigan naming tatlo nina Cheney at Lei.
Lumipas ang isang linggo na mgkakasama kami. Dun kami sa kwarto ni Cheney nakatambay. Ang saya naming hinarap ang mga pagsubok ng aming samahan. Binili ko ng salamin sa mata si Lei na naghahalagang 2,000 pesos. Tinanong niya ako kung saan daw ako nakakuha ng ganoong kalaking halaga, pero hindi ko na lang siya kinibo. Andun din ang mga barkada ko, sina Jayson, Joseph, Nikol at Hiro. Minsan, pumupunta sa bahay ni Cheney ang mga hunghang kong mga kaibigan at nanggugulo kaya ang malungkot na bahay nila ay unti-unting sumasaya ng dahil sa amin. Napapansin ko din na mas madalas siyang lagnatin at sobra kung pagpawisan, buti na lang at mayroon siyang gamot pang-maintennace para mawala ng kaunti ang mga nararamdaman nito. Sa eskwelahan naman, tulad ng dati, magkakasama kami nina Lei at Cheney. Minsan, nagamit ko ang impluwensiya ko sa school noon kaya malaya akong maglabas-pasok sa buong campus para bumili ng Jolibee malapit sa Puregold Tayuman na pinagsasalu-saluhan naming tatlo.
Tinutulungan namin si Cheney sa nalalapit na JS Prom para maging organizer ng isa sa pinaka-importanteng okasyon ng bawat estudyante. in fact, may binubuo kaming supresa ni Hiro, katulong ko na mag-organized ng JS Prom para sa kay Cheney.
Hindi ko din sinabi ang tungkol sa pagkikita namin ni Patrick. This time, gusto ko silang sopresahin dahil sa wakas ay makikita ko na ang pinakamamahal ko sa buong buhay ko. Alam na pala ng barkada ang tungkol kay Patrick, kaya wala na akong dapat na ilihim pa, bukod lang dito sa mangyayari sa amin sa February 5. Sana, dumating si Patrick!! Sana mahagkan ko siya!! At sana, matuloy na ang naunsyami naming pagmamahalan.....
Itutuloy....
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
awww...at last nagkamabutihan na sila :]
TumugonBurahinmedyo problema pa rin po ung grammar pero since maganda naman ung story, medyo ok lng din :))