Martes, Nobyembre 15, 2011

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 16)

Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, Erion, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

------------------------------------------------
Part 16

24th of December, 2004. Friday. Medyo malamig ang gabing iyon kaya napagdesisyunan kong mag-jacket na kulay brown at tumambay sa water station na family business namin. Bakasyon ngayon at marahil ay busing-busi ang mga tao para sa pagsapit ng kapaskuhan. Nandun si Kuya Elmer, ang maasahang boy at helper ng family business namin. 20 years old siya noon at nakahinto ng tatlong taon after niyang grumradweyt noong high school. Nag-usap kami tungkol sa kalakaran at mga nangyayari sa negosyo namin para me idea ako kapag ako na ang namahala dito balang araw. Nang natapos ay binigyan ko siya ng regalo at binati ng Maligayang Pasko.

Nagtext si mommy sa akin at ipinag-utos na isarado ko ng maaga ang water station para makasama naman ni Elmer ang mga magulang nito ng maaga ngayon isang araw bago magpasko. Buti na lang at nandiyan si Kuya Elmer para tulungan ako. Mabilis naming nasarado ang water station at nagpasyang magpaalam siya sa akin. Hinawakan ko ang kanang balikat nito sabay ngiti na nangangahulugang sumasang-ayon ako. Hinintay ko munang umalis si Kuya Elmer sa harapan ko bago ako umalis at nagpasyang umuwi sa amin.

Pasko na nga at ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Naka-jacket na ako ha, pero parang tumatagos pa rin ang lamig sa kailaliman ng balat ko. Hindi ko maiwasan na manginig habang naglalakad. Sa kalye ng Varona sa Tundo, napansin ko ang mga bata na nangangaroling, gamit ang improvised musical instrument na paniwala kong ginawa nila. Nakakaaliw sila. Hindi kong maiwasan na maipasok sa isip ko ang mga panahong pinagsamahan namin nina Cheney at Patrick Noong mga bata pa kami. Na-missed ko tuloy sila.

Sa itaas, napansin ko ang bahay nina Cheney ang gate nila na puno ng Christmas light na naka-pormang Christmas tree. Sa second floor nila ay ang parol na napakalaki. Matagal na nila iyong ginagamit simula pa pagkabata ko. Napansin ko si Cheney na nagbabalot ng regalo sa sofa nila malapit sa bintana sa labas kaya napagdesisyunan ko na wag muna siyang abalahin.

Agad kong naisipan na kunin ang CP ko sa bulsa ko at binuksan. Nakita ko na nagtext pala si Lei at mukhang gusto niyang pumunta sa amin, kaya nagreply ako at pinapunta ko siya. Sa labas, napansin ko si Daddy at mukhang busy sa pagluluto ng lechon sa harapan ng barangay hall kasama ang mga ka-constituents niya.

"♪Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako... Hinahanap hanap pag-ibig mo... At kahit wala ka pa, nangangarap at umaasa pa rin ako, muling makita ka, at makasama ka, sa araw ng Pasko...♪"

Iyan ang naririnig ko habang kinakanta ng mga tambay sa tindahan ni Aling Perla ang kanta. Biglang pumasok sa isip ko si Patrick. Buti na lang at hindi "Remember me this Way" ang kinanta nila kundi, nagwala ako sa harapan nila. Sa daanan, nakita ko si Joseph na kaibigan ko sa school. Niyaya niya akong pumunta sa kanila para sumalo sa darating na noche buena mamayang madaling-araw at pumayag naman ako. Pumunta ako sa kanila at nakita ang mommy nito, si Tita China.

Hindi ko na hinintay ang noche buena kaya napagdesisyunan ko na kumain ng maaga sa kanila. Pinaupo ako ni Joseph sa sofa nila at ipinaghain niya ako.

"Mukhang Masarap yan ah!!"

Nang ibinigay ni Joseph ang pagkain sa akin ay agad akong nagpasalamat. Niyaya din ako ni Joseph na mag-inuman sa kanila, pero hindi ako pumayag dahil ayaw kong malasing sa mga panahong iyon. Gusto din pala niyang iinvite si Nikol, Hiro at Lei kaso baka daw busy sila sa mga oras na ito.

Lumipas ang isa't kalahating oras at nagpasya akong umuwi na ng bahay. Hindi ko naubos ang mga kinain ko, siguro tama lang na ginawa ko iyon para makakain ako mamaya sa amin. Sinamahan ako ni Joseph pauwi sa amin at nang nasa labas na ng bahay namin ay agad na nagpaalam siya. May kailangan daw muna siyang asikasuhin at pagkatapos daw nun ay pupunta siya sa amin.

Pagkauwi, nakita ko sa loob si mommy na nagluluto ng ube halaya. Mukhang Masarap kasi habang nasa labas pa lang ako eh naaamoy ko na ang manamis-namis na panghimagas.

"Oh, jay andyan ka na pala, Teka may mga pupunta bang mga kaklase mo dito mamaya?" tanong sa akin ni mommy.

"Well, I'm not sure, probably si Lei pupunta, pero ewan ko kung pupunta si Joseph at Cheney." sagot ko kay mommy.

"Oh, I forgot to say, Cheney had told me na pupunta siya mamaya. I think I should have to buy some liquor drinks para mamaya." Sabi ni Mommy.

Umalis si mommy nang natapos niyang lutuin ang ube-halaya. At bumili ng alak para sa noche buena namin mamaya. Binuksan ko naman ang PC katabi ng ref namin sa gilid ng sofa. Nang nabuksan ay pinindot ko ang icon ng Internet Browser gamit ang mouse. Sinearch ang Friendster at binuksan ang Facebook sa kabilang Tab. As expected, andaming Christmas greetings na aking natanggap mula sa mga classmates ko, mga kaibigan, mga ka-officer ko sa booklovers club at mga officer ng Ang Baranggayette-SSG. Siyempre, di ko rin makakalimutan noong binati ako nina Joseph, Nikol, Hiro, Jayson at siyempre, ang dalawang pinakamahalaga sa akin. Sina Lei at Cheney. Agad akong nag-comment sa kanila. Pagkatapos ay inilipat ang tab sa Facebook at binati ang mga relatives ko, pati mga pinsan ko sa ibang bansa. Talagang Christmas is on the air na nga!! Habang nagta-type ay biglang me nag-pop ng instant message mula sa chatbox sa Facebook. Kenneth Joseph Cruz-Inocencio ang pangalan. Nang binuksan ko ay nagulat akong si kuya Kenneth pala.

"Merry Christmas Bro!! ☻"

Iyan ang bungad sa akin ng pop message sa chatbox ko. Nagchat kami ng ilang minuto tungkol sa buhay ko after one year na umalis siya sa amin. Ayun nga, fourth year na ako at kami pa rin ni Cheney. Sinabi ko rin ang relasyon ko kay Lei at mukhang mas nagustuhan niya pa iyon kaysa sa sinabi ko sa kanya tungkol kay Cheney. Nabanggit niya na nagkita na pala sila ng long lost boyfriend niya na hiniwalayan niya at ngayon daw di-umano ay nililigawan daw siya nito. Nagkita daw sila noong papauwi si Kuya Kenneth mula sa trabaho sa isang lugar sa Dubai malapit sa Philippine Embassy. Agad naman akong natuwa noong nalaman ko iyon at biglang nainggit sa kanya. Sana balang araw ay may magmahal din sa akin ng ganun. Natapos ang pagcha-chat namin ng biglang dumating si daddy. Agad na nagsign-off si kuya sa chatbox ng Facebook at ako naman ay biglang lumipat ng ibang tab at inilagay sa Friendster.

"Nasaan mommy mo? Hala at meron ako ditong Lechon para sa Noche Buena mamaya." sabi ni papa habang inilalapag ang dalahin niya sa lamesa.

"Sige daddy, pakilapag na lang po diyan. Umalis lang si mommy at bumili ng alak para sa amin ng mga kaibigan ko." paliwanag ko habang nagkatingin sa monitor at nagta-type.

Lumapit si daddy sa akin at umupo sa tabi ko. Inakbayan niya ako na palaging ginagawa niya sa aming magkakapatid at nagsalita sa harapan ko.

"Anak, Maligayang Pasko!! Swerte ako na may bunso pa akong love na love ni daddy.." sabi niya sa akin habang nakaakbay sa leeg ko.

"Daddy naman po eh, me kailangan ka ba? Teka at ikukuha ko po kayo ng beer sa ref." sabi ko habang nagtatype sa keyboard.

"Hindi iho, naalala ko lang kuya Kenneth mo. Alam mo ba, ilang Pasko na rin ang dumaan sa buhay natin na hindi natin siya nakakasama.(sabay tingin sa akin.) Kahit marami siyang ipinapadala sa atin. Nangungulila ako sa kanya."

"Ako din daddy, I missed kuya so much. Sana kumpleto po tayo ngayong Pasko.. Kung pwede lang."

"Teka, iho, Kamusta na pala kayo ni Cheney? Sana kayo ang lkasal, nang sa gayon ay magkaroon ako ng mga cute na apo mula sa inyo!!"

Hindi na lang ako umimik. Nagpatuloy ako sa pagti-tipa ng keyboard nang biglang dumating si mommy kasama si Cheney at Lei. Syempre, dala niya ang binili niyang alak para sa amin. Dalawang case ng San Mig light. Tumayo si daddy sabay halik sa pisngi ni mommy at kumuha ng isang beer. Biglang bumaba si Patrick (shitsu na ibinigay sa akin ni Cheney last 16th birthday ko) at lumapit kay Cheney. Samantala, itinigil ko muna pansamantala ang pagta-type sa keyboard at nagtungo kina Lei at Cheney para asikasuhin ang mga ito.

"Merry Christmas, Jacob!!" sigaw ng dalawa.

May mga dalang regalo sina Lei at Cheney noong pumunta sila sa amin. Pinapasok ko sila pagkatapos ay pinaupo ko sa sofa. Samantala, kinarga ni Cheney ang alaga kong shitsu sabay kiss sa ilong nito. Niyaya ko sila kung ano ang gusto nila kaso gusto nila na mamayang 12pm sila kakain sakto pagsapit ng Pasko, kaya't hinayaan ko na muna sila. Nagpasya akong patayin sa transformer ang PC at binaba ang kurtina. Tumabi ako sa gitna nina Lei at Cheney sabay halik sa nobya ko. Mukhang nagselos si Lei kasi halata sa kanya ang bigla nitong pagsimangot, kaya hinalikan ko din siya sa pisngi.

"Sorry big bro!! Sorry if I tried to hurt you last week. Hindi ko alam na masakit pala sa iyo yung kinakanta ko. Nakakahiya!!" sabi sa akin si Lei habang nakayuko sa akin.

"It's ok.. The damage is done, and I already forget it. Teka, bubuksan ko lang yung DVD at magbi-videoke tayo."

Tumayo ako saglit sa kanila. Binaba naman ni Cheney yung aso at sabay pumanik sa itaas. Binuksan ko ang salamin sa ibaba ng TV namin at sabay kinuha ang plug ng DVD at sinaksak. Pagkatapos ay kinuha ko ang microphone sa dulo ng DVD at inayos ang kurdon sabay saksak sa DVD. Kumuha ako ng isang CD at pinindot ang open button ng DVD. Agad na pinasok ko ang CD sa loob tapos ay pi-nlay ang aparato.

"Too love you more" ni Sarah Geronimo ang unang kanta sa DVD. nilakasan ko ang volume sa 55 at sabay bigay ng mic kay Cheney. Siya ang kumanta ng kanta. Nang kumakanta ay biglang dumating sina Jayson, Hiro, Nikol at Joseph na pareho pang naka-itim. Parang mga magkakapatid!!

"Ooop...ooopss.. Oppss.. Anong kaguluhan toh?! Sigaw ni Nikol habang pinupunasan ang sapatos sa basahan.

"Teka bro, mukhang magkakantahan sila ah!! Nakups!! Rambulan na naman toh!!" Sabi ni Hiro habang papasok sa loob ng bahay.

Kumuha ako ng makakain sa loob samantalang inaayos ni Cheney ang mga kolokoy kong mga kaibigan. Si Lei naman ay sinamahan ako tinulungan sa handang pagkain na ibibigay ko sa mga bisita ko...

"Ooops... Walang susuka sa inyo ah!! Ayokong magpapasko tapos galit ako sa inyo.." sabi ko habang naghahain sa kanila.

"Hoy, Oo nga, Joseph, wag kang ganun.. Kasi kapag nakakainom ka eh, para kang wild!!" Sabi ni Jayson kay Joseph na parang nangangasar.

"Oo nga, Joseph.. Nakakahiya kay Jacob tsaka kay Tita.. Magbago ka na!!" Tukso ni Nikol sa kawawa kong kaibigan na si Joseph.

"Oh.. Siya, siya.. Kayo na ang mabait!!" papikon ma sagot ni Joseph sa dalawa.

Biglang umeksena si Hiro sa usapan namin nina Joseph, Jayson at Nikol.

"Hoy, nga pala.. Walang kakanta ng "Remember me This Way" ah!! Puta, baka iyan ang ikanta ni Jacob sa atin pagkatapos niya tayong paslangin.. Hahahaha!!!"

Tawa kami ng malakas ng sinabi niya sa akin iyon, samantala, pansin ko na Hindi nagsasalita si Cheney sa akin. Lumapit ako para kamustahin siya.

"Ok ka lang, cakie ko?" tanong ko sa kanya.

"By the way, cakie I have something for you.."

May binigay sa akin si cakie, una ay yung pabangong binili niya sa bench, at yung pangalawa ay isang greeting card na galing pa sa ibang bansa. Hindi ko muna pinansin yung greeting card at nilagay sa lamesita sa gitna ng sofa namin.

"Bench for men... Thank you, cakie!!" sabay halik sa mga labi nito.

Tumayo si Cheney sa harapan ko at lumapit kay Lei. Bumulong si Cheney kay Lei at biglang tumungo ito sabay ngumiti sa Baby bro ko. Pagkatapos ay nagbigay sa akin si Lei ng isang paper bag na printed ang snickers na favorite namin. Nang binuksan ko iyon ay namangha ako sa nakita ko sa kanya.

"Snickers na laruan!! Nakakatuwa naman toh!! Baby bro, Salamat ah!!"

Isang snickers na laruan na galing pa sa ibang bansa ang ibinigay niya sa akin. Mukhang mamahalin at limited edition ito kaya sa sobrang saya ko ay hindi ko napansing nahalikan ko sa labi si Lei. Buti na lang at hindi nakatingin si Cheney sa akin dahil nanonood siya sa ginagawa ng apat na hunghang kong mga kaibigan.

Lumipas ang ilang oras at sumapit ang araw ng Pasko. Nagtayuan lahat kaming magbabarkada sabay batian ng "Merry Christmas" sa bawat isa. Nagyaya si Lei na mag Christmas Mass sa simbahan ng Tondo, kaya wala akong choice kundi umoo sa kanya. Ramdam ko ang init ng yakap niya sa akin nang bumati siya sa akin ng Maligayang Pasko. Niyaya ko si Cheney na sumama sa amin ni Lei kaso kailangan na daw niyang magpahinga dahil low-blood daw siya. Lumabas si Lei pagkatapos at sabay harutan sa mga kabarkada ko sa loob.

"Tangina, bro.. Ang gwapo mo!! Kayong dalawa ni Lei!! Minsan nababakla ako sa inyo!!" sigaw ni Nikol habang ini-islam ko siya sa likod.

"Well, ganun talaga!! We're meant for each other!!"

"Anong ibig mong sabihing "meant for each other?"

"Ah eh... Na gwapo.. Meant para sa amin na maging gwapo kami sa isa't-isa."

"Ah....!!"

Maya-maya ay tumunog ang CP ni Cheney. Binuksan niya agad ang bag niya sabay labas sa gate.

"Oh, who's this? It seems like your number was not already saved from my phonebook? Are you in a roaming line?!" tanong ni Cheney habang kinakausap ang tumatawag sa CP niya.

"Hi, Cheney... It's been a year since were not talked to each other, well.. I wanna talk to Jacob?! Can you give you're phone to him?" sabi ng tao na nagsasalita.

"Patrick?!........."

Agad na ibinigay sa akin ni Cheney ang CP niya sabay bulong nito sa akin ang pangalan ng minahal ko.... Si Patrick.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa puntong iyon. Huminto ang oras para sa akin. Para akong napatulala ng hindi ko alam. Kinurot ako ni Cheney sa mukha para medyo mahimasmasan ng kaunti sabay turo niya sa labas. Doon daw kami mag-usap sa labas kaya dali-dali akong lumabas ng hindi nahahalata ng mga barkada ko. Mahirap na at baka matuklasan nila, bukod kay Hiro, ang tunay kong pagkatao.

"Hello, Patrick.. It's me, Jacob.. Why did you leave me? I know that we're loving each other but why you didn't gave me any single updates of you? It was as if you were so mean to me? Why did you need to gotten up this far? I long for you... I long to see your love and adoration in your eyes. I long to feel the comfort and peace of your loving arms. I long to feel the sensual passion of your kisses... I long everything for you!!! When will you be coming back?! Promise, if you'll come back for as long as possible, I will forgive you and I will let you to love me all over again... Please answer me!!!! Hey Patrick!! I LOVE YOU!!!!"

Bigla akong napaiyak nang sinasabi ko sa kanya ang lahat-lahat ng gusto kong sabihin sa kanya simula noong naghiwalay kami. Wala akong ibang narinig sa kanya bukod sa sound background ng lugar na kinatatayuan niya. Feeling ko parang nandito lang siya sa Pilipinas. Nandito lang siya sa paligid ko, sa mga kasama ko, at higit sa lahat, sa buhay ko.

Tumagal ang dalawang minuto na hindi siya nagsasalita. Puro tunog ng Christmas Song ang naririnig ko as his background music sa kinaroroonan niya. Siguro gusto niya akong batiin ng Merry Christmas. Siguro gusto niyang malaman ang lahat ng nangyayari sa akin sa pamamagitan ng pakiramdam niya.

"Holy Crap!! Patrick please!!! Say something!! I'm already finished what I wanna say!! " sigaw ko sa kanya!!

Bigla ko siyang napamura dahil hindi siya sumasagot. Siguro dahil na rin sa tama ng nainom kong alak sa kanya kaya ko nagawa iyon. Lumipas ang ilang minuto at bigla siyang nagsalita.

"Merry Christmas, my love!! I love you!!"

Biglang bumalik sa akin ang lahat-lahat ng itinago kong emosyon sa kaniya simula noong pagkabata ko noong narinig ko, sa unang pagkakataon ang boses niya. Mukhang malaki na si Patrick at ang baba ng boses nito. Napahagulgol ako ng hindi oras at nabitawan kong bigla ang CP ni Cheney sa mga kamay ko. Hindi ako nagsalita. Lumuha ako ng lumuha. Sabi ko sa kanila na hindi ako iiyak ngayon Pasko, pero, hindi ko natupad ang pangakong iyon para sa kanila.

Napadapa ako sa kinatatayuan ko. Ang hirap pala. Bakit pa kasi tumawag si Patrick eh?! Bakit pa siya bumabalik sa buhay ko, gayong masaya na ako sa dalawang nagmamahal sa akin! Wala akong ginawa sa puntong iyon kundi umiyak ng nakadapa at nakayuko. Isa ba tong regalo sa akin ngayong Pasko? O isang pagsubok na susubok sa aking katatagan bilang tao at bilang isang lover?

"Paaaaaaaatttttrrrrrrrriiiiiicccckkk!!!!"
Sumigaw ako sa kinalalagyan ko. Ang sakit ng kahapon ay biglang dumaloy mula sa kailaliman ng kalamnan ko. Tumangis ako na parang wala na akong pakialam sa mga tao sa harap ko. Kahit ramdam ko na sumasakit at parang namamaga na ang mga mata ko sa kakaiyak at kakatangis sa kanya, pero wala na akong pakialam pa!! Walang anu-ano, biglang dumating sa harapan ko si Lei at sabay akong hinawakan. Itinayo niya ako mula sa pagkakadapa at pinaupo ako sa gilid ng gate namin. Kinuha niya ang CP ni Cheney sa ibaba at inilagay niya sa bulsa niya.

"See what I told you, Big Bro.. I'm here for you. If you want a shoulder to lean on, I will lend mine. Christmas is not just about a special day for us to spend. It remind us that everyday is just a beginning. Don't feel the emptiness without him. I'm always here beside you."

Ibinigay ni Lei ang dibdib into sa akin para makaiyak. Bumalik lahat ng sakit at pagnanasa na makita siyang muli. Para akong baliw ng gabing iyon. Feeling ko, parang yung saya at galit ay nag-collide in just a matter of second. Sa sobrang intense ng iyak ko ay napakapit ako sa mga dibdib nito ng mahigpit na mahigpit. Mukhang nasaktan siya pero ok Lang daw iyon para sa kanya. Hanggang sa nahulog ang salamin nito sa mata at biglang napayuko sa akin.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang bigla siyang napayuko at dinagan ang likod ko gamit ang kanyang ulo.

"Can I cry over your back?" sabi niya sa akin.

Umiyak din siya. Bigla akong napatigil sa mga sandaling iyon. Umiyak siya dahil naalala niya daw ang kanyang mga magulang, hindi dahil sa pagkapit ko sa kanya ng mahigpit. Tumangis siya na tulad ko. Nawala na ang pag-iyak ko ng dahil sa kanya. Napansin ko na habang umiiyak siya ay namumula ang kanyang mga tenga, sabagay kasi maputi siya. Ang cute kasing tignan. Naramdaman ko rin ang ilong niyang matangos na parang tumutusok sa aking likod. Nakakakiliti!! Agad na pinasan ko siya at sabay dinala sa loob. Napansin ko na basang-basa na din pala ang likod ko. Umiiyak pa din siya. Agad na tinulungan ako ni Cheney na buhatin siya. Kinuha ko ang salamin na nahulog sa mga mata nito. Kinuha din ni Cheney siya mula sa akin at nagtungo silang dalawa sa likod ng hagdan at dun nag-usap na parang me lihim na sinasabi sa isa't-isa. Nang matapos magpaliwanag ni Lei kay Cheney ay agad niya itong niyakap. Pinipilit kong magselos ng nakita ko sila na mas sweet na isa't-isa pero parang me pumasok bigla sa isipan ko na huwag na lang sila pansinin. Tumungo ako sa sofa at pansin ko na bagsak ang apat. Sina Nikol, Hiro, Joseph, at Jayson. Nakapatong ang mga ulo nito sa isa't-isa.

Ilang minuto pagkatapos ng alas dose ng hatinggabi ay agad na niyaya ako ni mommy na magsimba at umatend ng Christmas Mass. Mukhang tulog na tulog pa ang mga kolokoy. Si Lei naman ay nagpalit ng damit na picture ni batman at medyo fitted na itim ang damit nito. Gumuwapo siyang lalo at mas angat pa kesa sa akin. Samantala, nagpasiyang umuwi si Cheney sa bahay nila matapos ang pag-iyak ni Lei kanina dahil bigla siyang nahilo.

Itutuloy....

3 komento:

  1. nakaka touch namn ang story paanu nlang ci lei? update please

    TumugonBurahin
  2. Pansensiya na po Kung ngayon lang po ulit ako nagpost.. Well anyway, naging busy lang ako this past weekends dahil sa kasal ng Tita ko. But don't worry, I will posted ip some of my novels as soon as I can..

    TumugonBurahin
  3. Parang ang bgal ng phasing ng story...sobrng edgy

    TumugonBurahin