Sabado, Disyembre 17, 2011

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 25)



Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko! Thanks ulit ah!!) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(Ano na kaya nangyari sa last series niya? Hindi na ako updated eh..) jasper.escamillan, Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, BourbonConan, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, Ronn, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!


ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

ADVANCE MERRY CHRISTMAS, ka-BFK!!

----------------------------------------------

Part 25

Libing ni Cheney. Nakatakda akong puntahan si Lei sa bahay namin sa Tondo, ilang araw na kasi siyang puyat kaya kailangan daw niyang magbawi ng tulog. Nasa St. Joseph pa rin ako at natutulog sa likod ng Chapel.

Mag-aalas sais ng umaga ng nagising ako. Napagod kasi ako sa kaka-entertain sa mga tao kahapon. Nagmadali ako na puntahan si Lei para sunduin siya sa bahay dahil saktong alas nuebe ng umaga siya ililibing sa Loyola Memorial Park.

Nakarating ako sa bahay ng alas siyete ng umaga. Medyo mabilis ang biyahe kasi umaga. Hindi na ako nagtumpik pa. Tinawag ko sa itaas si Lei para sunduin siya. Ginising ko siya at pinahiram ng susuoting damit na kulay puti para sa libing ni Cheney. Mas pumuti siya ng sobra sa damit na pinahiram ko sa kanya. Pinahiram ko rin siya ng shades in case na baka maluha kami habang binababa si Cheney sa lupa. Nagpalit din ako, pagkatapos nun ay agad na umalis na kami para makahabol sa libing ng nag-iisa kong cakie.

Nakapunta kami ng St. Joseph saktong alas ocho. Marami ng tao. Karamihan sa mga makikipaglibing ay mga kaibigan, at kaklase na nagpasiyang hindi muna pumasok para ihatid siya sa huling hantungan. Nandun din sina Shaine, Joseph, Jayson, Nikol at Hiro, na tulad namin ni Lei, nakaputi din. Nakita ko rin na inaayos ng mommy ni Cheney ang mga dadalhing gamit sa libing ng kanyang anak at mga isasamang gamit sa kanyang libingan.

Umabot ng isang oras ang pagpe-prepare para sa libing. Nang kinumpirang ayos na lahat, napagdesisyunan na magsimula ang seremonya. Nagbigay ng pin na bilog na usually nilalagay sa bag ang mga kamag-anak nito na nakasulat ang "We Miss you Cheney" pabilog. Maganda siya sa picture.

Agad kaming sumakay sa pulang van. Nakikita ko ang nangyayari sa loob ng Chapel. Sinara na ang kabaong ni Cheney habang dinadasalan ni Father Michael ang katawan nito. Nang natapos ay agad na dinala ng mga staff ng punerarya ang mga labi nito at isinakay sa karo.

Sa karo, makikita ang malaking tarpaulin na mukha ni Cheney at nakasulat ang message na nasa pin din namin na nasa harapan nito. Pinatugtog sa karo ang "I'm Missing You" na pinatugtog kahapon sa necrological service niya. Siyempre, pinauna namin ang karo niya at sabay sumunod kami.

Medyo isang oras at kalahati ang biniyahe namin para makapunta sa Loyola. Medyo ma-traffic papuntang Cubao kaya tatlong minuto kaming naka-stuck sa kalye. Nang nakapunta kami sa paglilibingan, tinawag ako ni Lei para sabihin na isa daw ako sa mga magbubuhat ng kabaong ni Cheney. Bumaba kaagad ako at tinungo ang karo para buhatin si Cheney sa huling pagkakataon.

Medyo mabigat ang kabaong niya. Hindi ko ma-imagine na nasa loob ng binubuhat ko ang mga katawan niya na minsan ay natikman ko. Kasama ko si Lei sa likod ko na nagbubuhat. Nang nakarating kami sa paglilibingan ni Cheney ay dahan-dahan namin siyang binababa. Pagkatapos ay agad kaming naghanap ng mauupuan nina Lei para makinig sa huling misa ni Father Michael kay Cheney.

Natapos ang misa ng isang oras. Kaagad kaming pinapunta ni father sa harapan to take the final look for Cheney. Hindi ko nakaya ang nararamdaman ko sa puntong iyon. Tanggap ko na wala na si Cheney pero hindi ko pa matanggap sa puso ko na yun na ang pinakahuling sandali na makikita ko si Cheney. Masakit, pero kailangan kong ilabas, ilabas sa huling pagkakataon ang pagtatangis ko sa isa sa mga nagmahal sa akin. Kung batid lang talaga ni Patrick kung ano ang nangyayari sa amin ngayon, sigurado mas malulungkot siya kapag nalaman niya ito.

Binigay sa akin ni father ang holy water para basbasan si Cheney sa huling pagkakataon. Nang natapos basbasan, ay kaagad akong tumabi sa paanan ng kanyang kabaong kasama ang mga barkada namin at ng mga kaklase niya. Limang minuto natapos ang pagbabasbas.

Nang natapos, ay kaagad nang isinara ang kanyang kabaong. Kasabay din nun ang pagpapalipad ng mga paru-paro na magandang pagmasdan kapag lumilipad. Agad kaming kumuha ng bulaklak sa mommy niya at agad tumabi sa gilid ng paglilibingan niya. Agad na kinuha ang kanyang kabaong at sabay nilagay sa paglilibingan niya. Medyo mukhang malalim ang paglilibingan niya dahil hindi na namin tanaw ang ilalim ng lupa na kung saan siya ililibing. Sinimulan ang pagbababa ng unti-unti sa kanyang mga katawan sa ilalim ng lupa at kami ay dumistansya ng kaunti para masaksihan sa huling pagkakataon na binababa ang kanyang mga labi.

"Cheney!! Ma-mimiss ka namin!! I love you!!". Sigaw ng mommy niya habang binababa ang kanyang kabaong sa ilalim ng lupa.

Tumagal ang pagbababa sa kanya ng 30 minutes. Nang nakita kong nasa ibaba na ang kanyang mga labi ay inihulog ko kaagad ang mga bulaklak.

"I love you, Cakie!! See you after life!!"

Masakit! Napakasakit para sa akin na nakikita kong nililibing ang mahal ko sa lupa. Kailangan kong magpakatatag! Hindi ito para sa akin kundi para rin 'to sa kanya.

Natapos ang seremonya ng paglilibingan kay Cheney nang may napansin akong lalaki. Isang kahina-hinalang lalaki na naka-sumbrero at maputi. Para siyang foreigner. Nakasalamin siya at mayroon akong nakitang parang necklace sa naglalakihang dibdib niya. Matangkad siya, siguro mga nasa 5'9" ang height niya. Kaagad ko siyang pinuntahan pero mukhang naramdaman niya na lumalapit ako sa kanya. Bigla ko siyang hinabol pero bigo akong makita siya.

"Kuya, saan ka pupunta?"

Hinabol din ako ni Lei. Napansin ko na malayo na ako sa libingan ni Cheney. Talagang mabilis siyang tumakbo na parang kidlat kung iisipin. Hinila ako ni Lei nang naabot niya ako.

"Kuya, sino yung hinahabol mo? Bakit ka nagmamadaling habulin siya? Sino ba siya?"

Iyan din ang gusto kong malaman kung sino ba talaga siya? Bigla kasi akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko na hindi ko mawari. May hinala ako na si Patrick yun. Sana siya na nga si Patrick!! Sana siya na nga!!

Niyaya ako ni Lei na sumakay na para umuwi. Nawala ang lungkot ko sa pagkamatay ni Cheney nung nakita ko ang mysteryosong lalaki na nakasuot ng puting t-shirt na matipuno ang katawan na mukhang Fil-Am . Feeling ko magkasing edad lang kami.

Nasa loob na kami ng sasakyan. Kinuha ko ang bag ko at nilagay ang shades ko sa mata. Bigla kong naalala si Patrick. Siguro gusto niyang makita si Cheney sa huling pagkakataon. Siguro siya ang nakita ko? Gusto ko siyang makita!! Gusto ko siyang makausap!!

Dinala ako ni Lei sa likod para magpahinga. Nakatulog ako ng hindi inaasahan. Siguro napagod ako sa kakaiyak kay Cheney at kakahabol dun sa mysteryosong lalaki kanina. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito? Basta, nararamdaman ko na nandito si Patrick at minamanmanan niya ako.

Lumipas ang isang araw sa pamamaalam ko kay Cheney, pero lumipas din ang mga araw na may kung anong tumatakbo sa isip ko na naguguluhan ako sa mysteryosong lalaki na nakita ko sa libing ni Cheney. Kung sino man yun, sa tingin ko ay may kinalaman siya sa buhay naming tatlo ni Cheney.

-------------------

Isang araw na lang at graduation na namin!! Sa wakas!! Ga-graduate na kaming lahat. Kasama namin ang mga magbabarkada na gagraduate din. Medyo malungkot dahil hindi na namin makakasama si Cheney na gagraduate pero, unti-unti naming natututuhan na matanggap sa sarili namin pati sa sarili ko na wala na siya.

Nang natapos ang libing ni Cheney ay lagi kong nakakasama si Lei. Lagi siyang nandiyan para sa akin. Para ngang kapatid ko na siyang talaga. Laging sunod sa layaw siya sa akin. Minsan kapag nagkakatampuhan kami, ako ang nagbibigay ng snickers na favorite namin, kaya hindi na gaanong tumatagal ang pagtatampuhan namin ng isang araw. Well, running for best in mathematics si Lei sa graduation while ako naman ay makakatanggap ng Rajah Matanda awards dahil naging undisputed Mr. Lakandula ako ng dalawang taon.

Bumalik ang mommy ni Patrick sa ibang bansa para magtrabaho. Nagiging mas ok na rin ang mommy ni Cheney na tanggapin ang katotohanang wala na ang anak nila.

Simula noong nakita ko ang lalaki sa libingan ni Cheney ay sunod-sunod na ang sulat sa akin ni Patrick. Mag-aaral daw siya sa college malapit sa intramuros na plano din namin ni Lei pagkatapos.

Nakapasa ako sa PLM at kasalukuyang hinahanda ang sarili para sa enrollment, samantala, sa MapĆ¹a naman si Lei at mukhang balak sundan ang daddy niya sa ibang bansa. Sina Shaine, Joseph at Jayson ay mag-aaral sa Lyceum samantalang sa PNU naman si Nikol. Nag-iba lang dahil sa FEU mag-aaral si Hiro pero hindi pa rin niya alam kung ano ang course nito. Lahat kami ay nakatakdang umalis sa Alma Mater namin na alam na kung saan mag-aaral.

Napagdesisyunan namin ni Lei na pumunta sa Loyola pagkatapos ng graduation para ialay ang mga diploma namin sa kanya.

Habang nagpe-prepare para sa graduation bukas may nagtext sa akin ng isang di kilalang tao. Nami-miss na daw niya ako at kailangan ko na daw siyang makilala. Agad ko siyang nireplyan pero wala akong natanggap kahit isa sa mga reply niya, kaya si-nave ko ang number niya. Bigla akong tinawag ni Lei sa labas ng bahay at mukhang nae-excite na sa graduation.

"Kuya, nagtext sa akin si Joseph, inuman daw tayo pagkatapos ng graduation."

"Sige, pagkatapos nating pumunta sa puntod ni Cheney."

"Kuya, excited na ako para bukas!! Kakatapos lang ng last practice natin kanina. halika labas muna tayo! Punta tayong SM Manila!!"

"Sige, punta tayo!"

Wala naman akong gagawin sa puntong iyun. Tapos na akong ihanda ang susuotin sa graduation kaya wala na akong dapat ipag-alala pa.

Medyo nagtagal akong magpalit ng damit, kaya pinapasok ko muna ang aking kapatid para maghintay sa akin. Pagkatapos magbihis suot ang fitted na damit kulay navy blue at naka-fitted na faded jeans at yung converse na sapatos ko na kulay puti, agad kong niyaya siya na umalis para pumunta ng SM.

Sa SM maraming tao, mas marami ang estudyante kumpara sa mga ordinaryong tao na nagpapalamig sa loob. Dumaan kami sa Teriyaki boy para bumili syempre ng favorite naming chicken teriyaki at pork teppanyaki na favorite ng buong barkada. Nang natapos ay pumunta kami sa American Boulevard para tumingin ng mga bagong labas na damit. Nandun pa rin yung favorite kong damit na may tatak ni Bob Marley. Kinuha ko yun at tinignan. May kung sinong humablot sa kamay ng kapatid ko, agad akong nabigla. Nang tinignan ko ay may isa pala siyang kakilala na nandun din pala. Ipinakilala niya siya sa akin.

"Oh, pare, kamusta?!" Sigaw ng kakilala ni Lei.

"Ah..same here, when did you arrive from here?!"

"Ah, just last month ago. My mom wants me to study here in college that's why I'm here for my enrollment."

"Oh I see, by the way I want you to meet my Kuya, my Big brother, Kuya Jacob."

"Isn't that your biological Kuya? I thought you don't have any siblings, do you?!"

"Aw.. He's not my real sibling, I just called him Kuya because he treated me like his own brother, more than his bestfriend."

"Ah!! By the way, I'm Jan. Childhood friend of Lei!!"

Si Jan. Kababata ni Lei. Siya ang nakita namin na humatak sa kanya. Matipuno siya, mukhang 5'9" ang height niya. Mas matangkad siya kay Lei. Gwapo siya. Maputi na parang si Cheney kung tutuusin, matangos ang ilong nito na parang si Lei. Halata ang mga dimples nito sa magkabilang parte ng bibig, nakakabighani talaga!! Mapapansing walang peklat ang mukha nito. Kung tutuusin, para siyang brapanese na model ngayon na may hawig kay Fabio Ide na may pagka-Bobby Andrews ang type. Mukhang may kulay ang buhok nito, parang kay Lei na natural ang pagkakulay ng buhok niya. Pansin ko rin ang umbok sa harap ng pantalon nito. Parang nakakahalina at nakakalibog kung iisipin, mukha kasing malaki. Napansin ko na may necklace siya na nakatago sa damit niya. Mukha talaga siyang boy-next-door sa tipo niyang yun. Nakakabakla!!

Laking America si Jan. Ang mommy niya nasa Dubai at nurse din na tulad ni Lei, samantala, Electrical Engineer naman ang daddy niya sa Dubai. Halos pareho ng propesyon ng mga magulang ni Lei. Lumaki siya sa kanyang lola sa Jacksonville sa may Dallas Kung tutuusin, talagang parang magkapatid sina Lei at Jan, magkahawig kasi sila eh, pero mas gwapo pa rin si Lei sa kanya dahil mas maputi at mas may dating ito kaysa sa kanya.

Niyaya niya kaming kumain sa starbucks. Sagot daw niya kaya wala akong choice kundi mamili ng mahal na pagkain para sa aming tatlo. Pinili ko ang cheese cake at umorder din ng kape, samantala, nag-order lang sila ng venti-size na frappocino. Nag-usap sila tungkol sa kanilang pagkabata. Sa ngayon, sa TIP siya nag-aaral, 2nd year college siya at mukhang me balak lumipat ng ibang school. Mas mataas siyang mag-ingles kaysa kay Lei na tipong kakagaling lang sa abroad. Maganda ang ngipin niya, buong buo at walang kahit anong sira. Pouted din ang lips ni Jan. Naka-fitted na kulay itim ang damit nito. Bakat ang matitikas na dibdib pati ang nangangalit na mga utong nito. Eighteen lang siya pero parang mas matured ang mukha nito kaysa sa aming dalawa. Maikli ng konti ang buhok niya. Ang linis niyang tignan at higit sa lahat, pagdating sa physical appearance, mas lamang siya kay Lei, pero pagdating sa puso, kay Lei pa rin ako.

Pansin ko na lagi niya akong tinititigan, mukhang me gusto siyang sabihin sa akin. Hindi ko na lang siya kinibo. Bumaling ako ng tingin kay Lei at napansin ko na may dumi ang kanyang mga labi. Agad akong kumuha ng napkin at pinunas sa bibig nito.

"How sweet!! Hey, dude, kaya ba Big bro mo yan because you have serious relationship to him?!"

"Ah?! Wala ah!! We're just only siblings and no other extra feelings has been involved in our relationship. Yun lang at wala nang iba!!"

Biglang napatawa si Jan. Hindi ko alam kung ano ang gustong ipalabas ng lalaking yun. Nakaramdam ako ng sakit sa pantog ko kaya napagpasya kong umihi muna saglit.

Limang minuto pagkatapos umihi, napansin ko na umiiyak si Lei. Siguro kinukwento niya ang nangyari kay Cheney. Hinimasmasan ni Jan si Lei gamit ang malalaking kamay. Hinalikan ni Jan si Lei sa pisngi na kinagulat kong bigla. Bakit kaya niya ginawa yun sa kapatid ko knowing na magkababata lang sila? Bumalik ako para tanungin kung bakit siya umiiyak.

Tumagal ang usapan naming tatlo na walang nakuhang impormasyon sa kanila. Lagi nilang nilalayo ang usapan kapag tinatanong ko ang tungkol sa nakita kong paghalik ni Jan sa baby bro ko. Bigla akong nakaramdam ng selos, selos na first time ko lang naramdaman sa lalaking kasama namin ni Lei. Sino ba talaga itong si Jan? Ano ang motibo niya sa buhay ni Lei? Bakit niya hinalikan siya sa pisngi. Ang lahat ng katanungang yun ang gumugulo sa akin habang ako ay kumakain ng cheesecake at umiinom ng kape.

Natapos ang usapan namin noong natapos akong kumain. Umuwi kaagad si Jan dahil walang nagbabantay sa dorm niya malapit sa SM Manila. Samantala, napagdesisyunan na rin namin ni Lei na umuwi, hanggang sa may nakita akong papel na nakalukos sa ibaba. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang mga salitang nakita ko rin noon sa kwarto ni Lei habang may sakit siya nun. Magkabilaan yun, pero sa puntong yun, baligtad ang salitang nakita ko


I still do love you!! Sorry Jacob!!
I still do love you!!Sorry Jacob!!
I still do love you!! Sorry Jacob!!

Tinignan ko ang date, August 18 1997. Medyo matagal na palang nakasulat yun. Kanino kaya itong papel na nakita ko una sa kwarto ni Lei at pangalawa, dito sa starbucks?!

Tinabi ko ang papel sa bulsa. Inoobserbahan ko si Lei kung my kinalaman siya sa nahulog na papel pero wala akong nakitang kahina-hinala sa ginagawa niya. Kanino kaya itong papel na ito?
Saan at papaano ito nakarating sa akin? Ano ba ang motibo ng taong to kung bakit niya iniwan ang mysteryosong papel? Hindi ko alam, hindi ko alam ang susunod na mangyayari.

Nakauwi akong tulala sa mga nangyari sa akin. Gabi na at hindi ko kinausap si Lei hanggang sa nakauwi kami. Hinalikan ako ni Lei sa labi hanggang sa nagpaalam siya sa akin. Kinakailangan ko nang matulog para makapaghanda sa graduation namin bukas.

--------------------------

Umaga. Isang araw na kailangang ipagdiwang dahil ngayong araw matatapos ang araw namin bilang highschool student.

Alas sais ng umaga nang kami ay nakapunta ni mommy sa school. Hiwalay ang parents sa students kaya nasa gilid lang sila kasama ang mga magulang ng barkada ko. Pumunta ako sa grupo ko para kamustahin sila. Nandun din si Lei. Agad kaming nagpicture taking na sa una ay seryoso, pagkatapos ay nag-wacky style. Nasa tabi ko si Lei at nang natapos ng biglaan ay nakita ko siyang sinusungayan ako, agad ko siyang kinutongan at nang nahuli ay natikman din niya ang pinaka malutong na kutos sa buong buhay niya.

"Aw!! Kuya naman eh!!"

Tumawa kaming lahat. Nanginginig na hinihimas ni Lei ang ulo nito. Mukhang napuruhan kaya pumunta ako kaagad sa kanya at nag-sorry. Well kailangan din niyang mag-payback kaya nabiktima rin ako ng pinakamalutong na kutos na nakuha ko sa kanya.

Umpisa na ng marcha. Iniisa-isa kaming binibilang ng adviser namin kung kumpleto kami sa pila. Pumunta na ako sa section ko kasama si Lei.

Medyo nakakaantok ang program ng graduation. Nagising lang ako ng sinabi ng school principal namin na hinahandog ang graduation sa namayapang estudyante at girlfriend ko na si Cheney. Biglang tumahimik ang lahat para magbigay pugay sa kanya.

Sumunod nun ay tinawag ako sa stage para ipagkaloob sa akin ang Rajah Matanda award. Medyo mabigat ang medalya kasi gawa pa daw to sa silver at pilak. Pumanik din si mommy at sinamahan ako. Sumunod si Lei para igawad sa kanya ang best in mathematics award. Hindi ko na narinig na tinawag ang pangalan ni Lei dahil biglang tumawag si Kuya overseas.

Tumagal ang pag-uusap namin ni Kuya ng tatlong minuto. Pagkatapos ay umupo ako at nagsimula nang tawagin isa-isa ang mga pangalan namin sa stage.

Medyo tumagal ng 15 minutes bago kami nakapunta sa stage. Habang pumapanik ay bigla akong hinawakan sa kamay ni Lei.

"Congrats sa atin, Kuya!!"

Binati niya ako. Syempre sa rin. Dire-direcho lang ang lakad hanggang sa tinawag na ang pangalan ko at kinuha ang diploma. Sumunod nun ay kaagad kaming pinaupo. Natapos tawagin ang aming mga pangalan mula higher section papunta sa lower section ng isang oras at kalahati. Nakaka-bored. Medyo gutom na rin ako nun, kaya naghikab tuloy ako ng di oras.

Natapos ang graduation saktong alas 10:30, marami pa kasing mga puchu-puchu na seremonyas na hindi naman kailangan eh. Buong 4 na oras akong na-bored! Kaya nang natapos ay kaagad kong pinuntahan ang mga barkada ko. Nakipag picturan kami sa bawat isa. Syempre, hindi rin ako nagpahuli. Nakigulo ako na parang baliw na nagpapakuha sa kanila, hanggang sa napagdesisyunan namin na kaming dalawa naman ni Lei ang magpakuha.

Ang saya ng graduation after. Hindi ko nagustuhan ang program pero nang patapos na ay mas na-experience ko ang saya at essence ng okasyon. Merong iyakan, tawanan, lokohan, at higit sa lahat, pangakuan na hinding-hindi iiwan ang isa't-isa.

Mga 10:55am nang umalis kami ni Lei para pumunta sa Loyola. Susunod kami sa bahay nina Joseph para sa inuman.

Alas 12:45pm nang nakapunta kami ni Lei sa libingan ni Cheney. Iyun ang first time na nakita ko ang lapida niya. Kulay itim ito na marmol na kulay silver ang engrave ng lahat ng impormasyon niya. Well as usual, nandun ang pangalan niya, ang birthday niya at ang date of death niya. Napansin din namin na may picture siya sa gilid ng pangalan niya. Iyon yung picture niya sa burol niya. Ang ganda niya talaga. Sayang lang at namatay siya sa napakabatang edad.

Nagtirik kami ng kandila para sa kanya at nag-alay ng isang bouquet na bulaklak na kulay lavender at nagdasal ng sabay. Umupo kami sa baba na pinamumugaran ng mga bermuda grass.

Kinuwento namin ni Lei ang lahat ng nangyari kanina sa graduation as if she's really there. Para kaming tanga na tumatawa na nakaupo sa sementeryo. Halakhakan dito, halakhakan dun. Kahit wala si Cheney alam ko, nakikinig siya sa amin habang kami ay nagsasalita sa harap ng lapida niya na parang baliw.

Walang anu-ano, biglang me napansin ako sa dulo na isang lalaki. Nakaputi siya at naka-shades na kulay pula na madilim. Maputi siya. Mukha siyang foreigner. Parang kilala ko siya, kaso hindi ko mawari kung saan kami nagkita o papaano. Sinundan ko ang bawat kilos niya. Mukhang nagluluksa din ito. Nang nabaling ako sa kwintas na nakasuot sa kanya ay biglang bumalik sa akin ang alaala ng nakaraan. Si Patrick. Ang kwintas na ibinigay sa akin ni Patrick. Hindi ako nagdalawang isip na sundan siya ng tingin hanggang nagpasya akong takbuhin siya papunta sa kanya.

"Si Patrick.... Paaaaattttttttrrrrrickkk!!!!"

Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento