Ano ba ang pagiging bakla? Paano nasasalamin ang bawat kwento ng pagiging bakla? Halina't tuklasan ang hiwagang nababalot sa makamundong pagnanasa ng mga kabadingan at mga silahis at ng mga di sigurado sa sexualidad. Handa ka na ba?
Huwebes, Disyembre 29, 2011
Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 29)
Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.
Pasensiya ulit kung hindi ako nakapagpost ng matagal dahil nasa Puerto Galera kami kasama ko kuya ko with Patrick...
Salamat din sa mga:
Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)
Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, makki, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko! Thanks ulit ah!!) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(Ano na kaya nangyari sa last series niya? Hindi na ako updated eh..) jasper.escamillan, Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, BourbonConan, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, Ronn, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!
ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!
(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)
Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.
DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.
To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:
Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)
HAPPY HOLIDAYS mga ka-BOL!!
-----------------------------------------------
Part 29
Dali-dali kong binuksan ang violet notebook hanggang...
"Jay, si Lei, si Lei, tumawag dito! Kinakamusta ka niya?!"
Si mommy, narinig ko ang boses ni mommy. Hindi na daw nagtatampo sa akin si Lei. Sana tama ang naririnig ko.
Agad kong kinuha ang telepono sa baba at kinausap si Lei.
"Oh, baby bro ko, bakit ka napatawag?"
"Kuya! Nami—"
"Oh bakit?!"
"Nami-miss kita! Tandaan mo kuya, I'll do this just for you! I want you to find the true happiness in your heart, sana maintindihan mo ako. Mahal na mahal kita!"
"Baby bro, don't say that! Your big bro really loves you more than anything! Teka kinausap mo ako ngayon, so it means we're now Ok?"
"......"
"Baby Bro?! Are you still in line?"
"Ku—... Ku—.. Kuya, mahal kita!!"
Yun ang last call niya sa akin pagkatapos. Bigla akong
naguluhan na naman sa sinabi sa akin ni Lei.
Pumanik ako sa itaas at binalikan ang violet notebook na kinuha ko kay Jan. Habang nakatingin sa notebook ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan, pero sa puntong yun, may kasamang excitement at bewilderment. Mukhang luma na at napaglipasan na ng panahon ang notebook. Nakita ko rin na nagpe-fade na yung kulay ng notebook siguro dahil sa mga patak na parang natuluan ng tubig. Agad kong hinawakan ang notebook. May nakita akong date sa harapan, from January-December, 1997. Mukhang annual diary ito.
Unti-unti kong binubuksan ang notebook, may dedication at nakalagay ang pangalan ko na parang sulat ng bata.
"Jacob, this is for you! I still do love you!"
Nang binaba ko ang tingin sa baba ng notebook ay may nakita akong ikinagulat ng buong pagkatao ko.
"- Patrick"
Si Patrick! Siya ang nagsulat nito. Napansin ko ang circular shape na patak ng tubig na natuyo sa mga pahina niya. Hindi na ako nagtumpik na buksan pa yun. Tinignan ko isa-isa ang page. Puro iisa lang ang message.
"Sorry Jacob!! I still do love you!! Sorry Jacob!! I still do love you!!
Sorry Jacob!! I still do love you!!"
Yun lang! Nakakaasar, pero napansin ko na iba-iba ang kulay ng ballpen every month. Merong kulay black, blue, red at violet. Luma na ang bawat page ng notebook at napansin ko na sa bawat page niya ay may nakikita akong faded na particles ng tubig na dahilan para mabura ang mga nakasulat sa notebook. Minsan marami, minsan konti.
Hanggang sa naalala ko ang mga pira-pirasong mga napulot ko nung una sa bahay ni Lei, pangalawa sa starbucks habang kumakain kami ni Jan at nitong huli, sa quantum habang kumakanta kami nung first day of school.
Kinuha kong lahat yun. Nang nakita ay tinignan ko ang mga date. Yung isa, August 15, yung isa naman, August 17 at ang panghuli, ay August 18. Agad kong hinanap sa notebook ang mga date na yun at laking gulat ko na nadiskubre ko. Punit at wala ang mga page nun! Kaagad kong dinugtong ang bawat isa sa notebook at talagang sumakto ito.
"Si Patrick!! Siya ang gumawa nito?!
Ang bewilderment ko ay mas lalong lumalim. Si Patrick na minahal ko ng buong buhay ko ang gumawa nito? Agad kong tinignan isa-isa ang mga page kung mayroon siyang sulat sa akin pero wala talaga, hanggang sa nakita ko ang date ng September. 14, 1997.
Puro danak ng dugo. Dugo na nanuyot na at nangitim sa paglipas ng panahon. Bakat pa yun hanggang sa ibang pahina. Pinilit kong inalala ang date sa buhay ko kung ano ang nangyari hanggang sa..,
"Yung tape! Tama! Yung cassette tape! Naalala ko na! Yun yung date na nagpaalam sa akin si Patrick!"
Bigla akong nagulat at napaiyak sa natuklasan ko. Si Patrick na minahal ko ng buong buhay ko ang gumawa ng lahat ng ito! Bakit may mga dugo sa date na yun? Nagtangka ba siyang kitilin ang buhay niya? Yun ang araw na napatunayan kong mahal ako ni Patrick sa kabila ng paglayo niya sa akin. Kumpleto na ang lahat! Unti-unti ko nang nalalaman isa-isa na si Patrick ay bumalik na ng bansa! Hahanapin ko na lang siya, pero sino? Si Jan kaya?
Dumating si mommy sa kwarto at kaagad kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang manggas sa kaliwang bisig ko.
"Anak, kakain na, Teka, umiiyak ka ba?!"
"Ah mommy, wala lang to, napuwing lang ako!"
"Bumaba ka na't feeling ko gutom lang yan!"
Sumunod ako. Nandun pa rin ang pakiramdam ko sa mga nadiskubre ko. Si Patrick na nagsulat ng violet ng notebook ay nasa bansa na! Kailangan ko siyang makita! Kailangan ko siyang mahalin ulit!
Inalala ko ang mga text sa akin ng mysteryosong lalaki. Mukhang siya nga talaga si Patrick! Isa na lang ang kailangan ko para mapatunayan kung mahal niya ako, yun ang pagkikita namin sa isa't-isa at makita ang kwintas na suot-suot niya.
Agad ko siyang tinext sa CP ko para i-set ang pagkikita namin.
"kung ikaw tlga c Patrick, kailangang mgkita tau. Sunday, June 12, 2005 @ puerta parian in intramuros. wag u mawawala!"
Pagkatapos nun ay pumunta ako sa mesa dala ang CP ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na si Patrick. Kailangan ko na lang siya makita.
After 25 minutes, natapos na kaming kumain ng hapunan. Agad na niligpit ko ang pinagkainan at sinabayan ko na rin ang paghuhugas. Nang natapos ay bumalik ako sa CP ko. Nakita ko na may mukhang nagtext. Binuksan ko ang inbox at napansing nagreply siya.
"hindi na kailangan. Just so you know that I'm here, I'm completely contented with it. Don't worry, time will come you'll find me. You don't need to hurry anything."
Yun ang text niya sa akin. Ayaw niyang makipagkita. Napaka-mysteryosong niya! Kung may pagkakataon lang na gantihan to sa ginagawa sa akin, siguro, nagantihan ko na 'to ng 'di oras.
Inantok akong bigla habang binabasa ang text message niya, pumunta ako ng CR para maglinis at para makatulog na rin ng maaga.
Kinabukasan, nakita ko si Jan, mag-isa lang siyang nilalakad ang daan papuntang MapĂșa. Kinamusta ko siya at ganun din ang ginawa niya sa akin. Tinanong niya kung nakita ko raw yung notebook na nasa bag niya dahil nawawala raw yun, pero hindi ako sumagot. Mahirap na at baka mabuko ako.
Tinignan ko ang ID niya na nakasabit sa leeg niya. Mukhang hi-tech kesa sa ID ko na simple lang. Kukunin ko na sana kaso biglang dumating si Gelo. Pinakilala ko siya sa ka-schoolmate ko. Kinuha ni Gelo ang ulo ko at sabay nagbulong.
"Siya ba?! Puta ka bro! Ang gwapo niya! Nakakalibog!"
"Loka!"
Bigla akong niyaya ni Gelo habang nagpapakilala siya kay Jan. Umalis ako na bigong nakita ang ID niya. Well, hindi ko kasi alam ang tunay na pangalan ni Jan, kaya may hinala ako na baka siya si Patrick.
Tumagal ang klase ko sa loob ng pitong oras. Pagkatapos ay niyaya kong kumain kasama si Gelo, nang may napansin akong isang lalaki. Oo, siya na naman! Pero this time, naka-itim na pants at t-shirt na hapit sa katawan niyang maskulado. Naka shades din siya na itim at naka cap na kulay green na bumagay sa mukha niyang mestiso.
"Siya bro, yung nakaitim! Ayun oh! Siya yung nagmamatyag lagi sa akin!"
"Bro, haba ng hair mo talaga! Biruin mo tatlong lalaki ang nasa paligid mo! Bilib na talaga ako sa'yo bro! Eto ka eh! Oh! Eto ka sa itaas ko!!"
Loka to! Nag-ambisyosa na naman! Well naging malanding bisexual lang to since nagkahiwalay sila ni Michael eh, pero anyway, habang kausap ko si Gelo ay napansin kong nawala sa tingin ko yung lalaking mysteryoso na laging nagmamamanman sa akin. Saan kaya nagpunta yung mokong na yun? Biglang dumating sa aming harapan si Jan na mukhang pagod na pagod.
"Teka, dude, bakit ka na namang hinihingal?"
"Ah eh.. Baka di ko kasi kayo maabutan eh, that's why I run abruptly towards you. "
"Sus.. Sige Jacob.. Baka makaistorbo ako! I'm ought to go!"
Umalis si Gelo sa amin. Hinanap ko si Lei kay pero mailap pa rin daw ang Baby bro ko sa akin.
Pumunta kami sa tambayan ng mga taga-Lyceum sa harap ng monumento. Tambay daw muna kami ni Jan habang sinusubukan naming kausapin si Lei. Dumating si Joseph sa amin.
"Oh.. Joseph! Musta tol!"
"Oh.. Kasama mo pala tong si Jan"
"Ay Oo, sinamahan niya ako para makausap si Lei. Mailap pa rin siya bro eh! Bakit kaya?!"
Tumingin sila Jan at Joseph sa isa't-isa. Pagkatapos ay nagpaalam siya agad sa amin dahil may pupuntahan pa siya.
Naghintay kami ng ilang minuto para hintayin si Lei pero hindi talaga siya lumabas. Agad na pumanik kami sa itaas para tumambay.
Napansin ko kaagad sa kanya ang ID niya. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang pangalan niya. Kinuha ko yun hanggang sa napansin ko ang pamilyar na pangalan sa buhay ko.
FRANCISCO, JAN PATRICK V.
Kapangalan niya si Patrick! Ayun yung nakita kong pangalan sa Christmas Card na binigay niya sa akin. Napatulala akong bigla sa harapan niya habang pingmamasdan ko ang kanyang ID.
"Jay, are you OK?! Hoy!!"
Hindi ko siya pinansin. Napatingin ako sa mga mukha niya. Ang maamong mukha niya ang naghatid sa akin para kilatisin ang mukha ni Patrick sa mukha ni Jan. Media hawig! Bigla akong napaisip, siya nga ba talaga si Patrick? Kailangan kong mag-imbestiga pa.
Sa unang hakbang ng aking pag-iimbestiga, kailangang malaman ko na siya yung taong sumusunod palagi sa akin. Pangalawa yung number ng mysteryosong nagpapanggap na Patrick, at panghuli, ang kwintas niya. Kailangan kong makitang suot niya yun para mapatunayang siya si Patrick.
Kinuha ko ang number ng CP niya. Ibinigay niya sa akin. Globe subscriber siya kaya ligtas siya sa una kong pag-iimbestiga. Ang gamit na number kasi ng mysteryosong lalaki ay Sun, kaya ligtas siya dun sa hinala ko. Agad kong kinuha yun at si-nave sa phonebook ko. Ang susunod na step ay ang paghuli sa lalaking sumusubaybay sa akin.
Bumaba kami ni Jan para kumain sa Mc. Do. Habang umoorder ng pagkain, nakita ko sa labas si Lei, kaagad na pumunta ako kay Lei para kausapin siya.
"Lei!! Baby bro!! Saan ka pupunta?!"
Hindi ako pinansin ni Lei. Lumayo siya sa akin na parang dumaan lang sa harapan ko. Tinawag ako ni Jan para magsimulang kumain.
"Jan, you know what! I'm all fed-up!! Suko na ako sa kapatid ko!! Why is he like that? Hindi siya namamansin!"
"Jay, never mind him. Masakit pero in the long run malalaman mo rin ang katotohanan."
Boom! Isang clue! Ang katotohanan! Yun ang una kong gustong malaman. Two points na ako. Kailangan ko pang mag-imbestiga. Hinding hindi ko isusuko ang pag-iimbestiga ko kung ano at sino sa kanila si Patrick! Lalaban ako!
Hindi ko na lang kinibo si Jan para hindi siya makahalata. Ibinaling ko ng tingin ang kwintas na nakatago sa t-shirt niya.
"Hey, dude, pwedeng patingin ng necklace mo?"
Hindi niya ako pinansin. Hindi ko pala alam na nakapasak sa kanya yung malaking headphone sa ulo niya.
Talagang napukaw ako ng necklace na suot niya. Tinignan kong mabuti yun kung me comparison ba yun sa necklace na binigay sa akin ni Patrick nun. Kaagad niya akong nakitang tinitignan ang bandang leeg niya.
"Is there anything wrong?!"
"No, nothing! Let's eat!"
Ngumiti ako at kaagad na humarap sa mukha niya. Gwapo nga siya pero parang mas malakas ang dating ni Lei kesa sa kanya. Napatingin ako sa dibdib niya na bakat na bakat sa muscle type na t-shirt! Ang ganda! Kailan ko kaya matitikman ang kanyang mga dibdib. Parang ang sarap matulog at isandal ang ulo ko sa mga nagbabakatang dibdib niya.
Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming umuwi. Buti na lang at nakauwi ako ng maluwalhati dahil wala akong nakitang mysteryosong lalaki na nakamasid sa akin.
Kaagad kong ni-review ang mga natuklasan ko kanina. Una ang pangalan ni Jan na hawig sa pangalan ng totoong Patrick. Pangalawa yung number niya na iba dun sa number ng mysteryosong lalaki at ang pangatlo, ang nakatagong necklace sa muscle type na t-shirt nito. Konti na lang, Patrick!! Konti na lang!
Kinabukasan, kasama ko si Gelo na mag-lunch sa canteen ng PLM. Kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa pag-iimbestiga ko kay Patrick.
"Bro, sa tingin mo, si Jan ba at si Patrick ay iisa?"
"Well bro, I have a feeling that he is! Pero don't be too easy! Manmanan mo si Jan para malaman mo talaga ang totoo. Teka, ano pala gagawin mo just in case you discover that Jan is Patrick?"
"Well, bro, ibabalik ko yung pagmamahal na nawala sa amin. Mahal ko siya eversince kaya kailangan kong ibalik ang lahat for almost 10 years we not have been together."
"Tama ka! Saludo ako sa'yo bro!! Pero teka, pwede ba, akin na lang yung baby bro mo. Ang gwapo niya kasi eh! Mas gwapo pa kay Jan!"
"Hindi!!"
Bigla kong naalala si Lei. Oo nga! Baka makalimutan ko yung namamagitan sa amin ng baby bro ko. Mahal ko rin siya kaso, kailangan kong ituloy ang pagmamahalan namin ni Patrick kaya baka siguro hanggang magkapatid na lang kami.
Lumipas ang ilang minuto at oras na rin. Medyo nakakapagod ang maghapong nasa eskwelahan. Sinamahan ako ni Gelo na umuwi ng bahay. Pagdating sa bahay ay biglang nagtext sa akin si Joseph. Sa di inaasahang pangyayari, nabura ko sa phonebook ko ang number ni Jan. Gusto ko pa naman siya i-text para kamustahin si Lei. Mukhang kailangan ko tuloy ang tulong ng baby bro ko, kaya tinanong ko sa kanya kung ano ang number ulit ni Jan.
"baby bro, pasuyo nmn. Kunin q no. ni Jan sau. Nabura q kc eh. Sana wag n u mgtampo sa akin. I love u baby!!"
Nasa gate na ako nang biglang nagtext sa akin si Lei.
"kuya. ok lng s kin un. khit anong mngyari, mahal pa rin kita ha! eto no. Niya. 092367755**"
Agad akong nagtext sa kanya para magpasalamat, pagkatapos ay agad na si-nave ko ang number ni Jan. Nagtaka ako noong sine-save ko ang number niya ay ayaw tanggapin ng phone ko dahil laging nagna-"number is already exist". Ibig sabihin meron nang naka-save na number sa phonebook ko. Hinanap ko sa phonebook ko ang number na yun at nagulat ako sa natuklasan ko.
Ang number na binigay sa akin ni Lei ay number pala ng mysteryosong lalaki na nagpapanggap na si Patrick na si-nave ko. Ibig sabihin, si Jan yung nagpapanggap na mysteryosong lalaki na nagte-text sa akin. Ibang number ang ibinigay niya sa akin para siguro hindi ko mahalata na siya ang lalaking laging nagmamanman sa akin. Hindi pa rin ako kumbinsido sa natuklasan ko. Kailangan kong mahuli siya sa aktong siya ang lalaki na nagmamanman sa akin.
Muli kong ni-review ang mga natuklasan ko. Ang tunay na pangalan ni Jan, ang kwintas na nakatago sa t-shirt niya, at ang number niya na kaparehas ng number ng mysteryosong lalaki. Isa na lang ang kukumpleto sa hinala ko, at yun ang maaktuhan ko siya na sumusunod sa akin at ang kwintas ni Patrick na suot niya.
Isang araw pagkatapos, sabado nun. June 12, 2005. Nagbukas ako ng Facebook account dahil na-hacked ang account ko sa Friendster. Hindi ko alam kung sino ang nag-hacked kaya napagpasya kong wag nang mag-sign up sa Friendster dahil palaos na rin ito. Nakita ko nun na nasa friend pending request si Lei. Ibig sabihin, nag-sign up si Lei sa bagong social network na ako lang ang nagturo sa kanya, kaya kaagad kong inaccept ang pending niya. Habang nagta-type ay biglang pumasok sa isip ko ang pangalan ni Patrick. Agad na ti-nayp ko ang pangalan niya sa search area sa itaas ng Facebook at nagulat ako sa resulta. Si Jan nga! At mukhang sa US pa kinuhanan yung profile pic. niya. Tinignan ko ang information niya. Taga Jacksonville, Dallas siya at naninirahan na sa Pilipinas ng ilang buwan lang. Hindi nakalagay ang b-day niya pero kaparehas sila ni Lei ng zodiac sign, Sagittarius.
Marami aking gustong malaman kay Jan. Bakit nasa kanya ang violet notebook na nakapangalan kay Patrick. Bakit magkapangalan sila nung first love ko? At bakit parehas yung number niya sa lalaking mysteryosong nagpapanggap na si Patrick? Talagang isa na lang clue at mapapatunayan ko na ang katotohanan sa likod ng bago kong kaibigan, si Jan.
Lunes nun ng naglilinis kami ng mga kaklase ko sa gilid ng US Embassy para sa NSTP namin, nakita ko na naman ang lalaking nagmamanman sa akin. This time, naka kulay grey na t-shirt na muscle type. Ang ganda ng katawan niya pero, habang tinitignan ko siya ay bigla kong naalala si Jan. Ganyan ang laging sinusuot ni Jan kapag pumapasok siya sa MapĂșa kasama si Lei eh. Nakamanman siya sa akin hanggang sa napansin na rin ni Faith yung lalaki na nakatingin sa akin.
"Jacob, pansin ko, parang kanina ko pa nakikita yung lalaking yun na pinapanood yung ginagawa mo? Wala ka bang planong sitahin siya sa ginagawa niya? Nakakatakot kasi yung tingin niya sa'yo eh, parang papatayin ka niya?!"
"Huwag mo siyang pansinin, mahuhuli ko rin siya pagdating ng araw. Maghintay ka lang."
Hindi ko pinapahalata na naglalakad ako papunta sa harap niya. Napansin yun ni Faith kaya sinita ko siya para wag akong pansinin. Sakto at hindi siya nakatingin, mukhang may ka-text kaya ginamit ko na ang pagkakataon para mahuli ko siya.
Nang nasa harapan na niya ako ay kaagad na tumakbo siya papalayo sa akin. Tumakbo rin ako. Kumaripas ako ng pagtakbo hanggang sa nakapunta na ako sa Museo Pambata at nakalagpas na ng Luneta. Hindi ako sumuko, hanggang sa na-corner ko siya sa gilid ng Luneta.
"Talo na ako!! Sige na!! Susuko na ako!!"
"Eh susuko ka rin pala eh.. Puta!! Pinapahirapan mo pa ako!"
"Aamin na ako!"
Bigla niyang tinangggal ang sumbrero, pagkatapos inayos niya ang buhok niya na parang bagong gising ang style. Pagkatapos ay tinanggal niya ang salamin sa mata at nang natapos ay tumingin siya sa akin.
"Jan?! Anong ginagawa mo dito?!"
Itutuloy..
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento