Huwebes, Enero 12, 2012

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 34)




Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

AUTHOR'S NOTE:

----> Heto yung part ng Series ko na pinakahihintay ninyong lahat!! Kung sino nga ba talaga si Patrick na minahal ko.. Alam ko, yung iba sa inyo alam na kung sino si Patrick simula sa umpisa pa ng istorya ko. Sana'y hindi pa ito ang last na pagsusubaybay ninyo sa series ko dahil may mga revelations pa na mangyayari right after Patrick's appearance in this story. May last 2 parts pang natitira kaya sana'y pakatutukan ninyo ang natitirang series ng Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick..

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina clyde (thanks po!! I appreciated much!!) John Gerald, Don, Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, makki, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko! Thanks ulit ah!!) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus, dark_ken(Ano na kaya nangyari sa last series niya? Hindi na ako updated eh..) jasper.escamillan, Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, BourbonConan, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, Ronn, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!



ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/ or just type: Bisexual/Faggot's Kiosk

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

---------------------------------------------
Part 34

"Jacob pumanik tayo! I want you to watch this!!"

Kinuha niya sa bag ang isang DVD. pagkatapos ay niyaya niya akong pumanik. Pagkapanik ay nakita ko sa loob ng kwarto ang TV at DVD player. Binuksan niya yun at sabay ipinasok ang DVD sa loob ng DVD player. Mukhang may ipapanood siya sa akin.

"I hope you understand everything after watching this one!!" Sabi ni Patrick sa akin habang nakayukong mangiyak-ngiyak ang boses nito.

Pinanood ko ang video. Napanood ko ang introduction ng video na nakasulat ang "I LOVE YOU, JACOB!! SORRY FOR EVERYTHING I'VE HAD DONE FOR YOU.."

Sumunod nun ang mga picture namin na nag-pop out isa-isa simula noong mga bata pa kami. Nung nasa amerika siya kasama si Jan, at ang highschool at college days namin. Pumikit ako. Ayokong madala ng emosyon sa mga nakikita ko. Maaring magbago ang lahat kapag napanood ko ito. Hinawakan ni mommy ko ang mga kamay ko at sinabing, "Kaya ma yan!!"

Biglang nagsalita si Cheney. Mukhang may sakit siya noong mga panahong yun. Nasa kwarto siya sa loob ng hospital at paniwala ko'y kinuhanan ni Lei ito nung last time na dinala niya ang videocam sa hospital.

(this is an actual footage when Cheney was confined in hospital about few years ago)

"Hi cakie!! What's up!! I know while you're watching this, I'm already in my 6 feet below the ground (biglang yumuko ng konti, pero bumalik naman sa camera after 1 minute) Well, let's just stop this!! I want you to be happy when this day comes in your life!! I'm so, so, so, happy that you already knew that Lei is Patrick. I hide this because I want you to surprise when this wonderful day has come to your life! Cakie, sorry kung itinago ko sa'yo ang katotohanan na si PATRICK AT LEI AY IISA. Akala ko nga nung una eh..(biglang nagkamot ng ulo) mahuhuli mo na kami nung nakiusap ako sa'yo na lumayo ka sa aming dalawa ni Lei pansamantala. Buti na lang at dumating si Joseph at kaagad na kinausap ka niya. Sorry my cakie!! See.. Oh!! Ngingiti na yan!! Kahit nasa heaven na ako, sana, wag na wag mawawala yung smile na isa sa minahal ko sa'yo. Well, dapat talaga yung plano namin ni Patrick na i-reveal out na sa'yo talaga nung last time na na-receive mo yung Christmas letter na binigay ko sa'yo! Pasko yun kaso, nahirapan siya. Kaya dinaan na lang niya sa letter yung lahat ng gusto niyang sabihin sa'yo.."

"Yung sa simbahan! Tama! Dapat yun ang araw na sasabihin namin ni Lei na siya si Patrick kaso, unfortunately, bigla akong na-confined sa hospital. Hindi tuloy natuloy, pero, kahit na nalaman ko na bilang na yung araw ko here, nangako siya sa akin na after my wake, sasabihin niya sa'yo ang katotohanan. ( biglang tumingin siya sa labas) Ano?! Nandyan na., naku... (biglang tumingin sa camera at kinausap si Lei habang nangangamot ng ulo) Lei, bilisan natin at nandiyan na si Jacob!!( nag-ayos sa harapan) ayan., well... Nasabi ko na ang lahat-lahat cakie!! Sana mapatawad mo si Lei!! Kahit ako!! Sana mapatawad mo rin ako.. Kahit na ok lang for us na hindi mo kami patawarin, ok lang!! Basta intindihin mo na lang siya (sabay tingin kay Lei) Gago ka rin kasi eh 'noh?! Pinapahirapan mo pa cakie ko!! ( tumingin agad sa harapan) ok cakie!! Hanggang dito na lang. Papunta ka na kasi dito eh!! Well actually, nasa labas ka at bumili ka kasi ng food sa canteen.. Di mo alam ito as of now!! By the way, see you in heaven, my cakie!! I love you!! Muah!! ( sabay kindat) TAKE CARE!!"

Hindi ko alam kung magagalit ako sa mga narinig kay Cheney o masu-surprise. Basta kailangang hindi ako magpakita ng motibo na konti na lang at mapapatawad ko na siya.

After kay Cheney, bigla ko rin nakita ang mga letters na nagpe-fade isa-isa yung mga letters at iniisa-isang binubuo ang salitang "A REVELATION THAT CAN CHANGE EVERYTHING."

Nakita ko sa video si Kuya Kenneth.

(this is an actual footage when my brother was in Dubai..)

"Hi bro!! Kamusta!! Mami-miss kita
Wag mong kakalimutan yung sinabi ko sa'yo ah!! Just follow your heart!! Wag yung isip!! Ok!!
(biglang dumating sa video ang lalaki na kamukhang kamukha ni Lei.) ay siya nga pala!! Siya si Robinson, DADDY NI PATRICK!! Tama!! Siya yung daddy ni Patrick at sinasabi kong First love ko!! What a coincidence!! Hehehehe..(biglang hinalikan ni Tito Robbie si Kuya sa pisngi) Bye, sweetie( tapos bumalik kaagad sa video) nagulat ka no!! Hahahaha!! Well, yun ang revelation ko sa'yo. Siya yung kinukwento ko sa'yo na one true love ko. Parehas ng sa inyo ni Patrick, este ni Lei, este ni Patrick.. Hay ang gulo!! (biglang nagkamot ng ilong) like father like son, like his brother to his bunso!!(sabay ngiti sa harap ng videocam) basta Jacob!! Sana Mapatawad mo si Patrick!! Mahal ka niya at panatag akong hinding-hindi ka niya iiwan.(biglang tumingin sa baba ng 1minute at bumalik din sa videocam pagkatapos) Jacob, naalala mo yun time na naabutan mo si Lei umiiyak?! Ang totoo nun, sinabi niya sa akin yung totoo. Pati yung tungkol sa daddy niya. Kaya na-surpise ako nung nalamang siya pala ang anak ng one-true-love ko.. Aaminin ko, NAPAIYAK AKO NUN!!"

"Well, alam yan ng bestfriend ko, diba, Susan?!(nung sinabi ni Kuya yung pangalan ni Tita Susan ay napatingin akong bigla sa mommy ni Patrick at nakita ko siyang ngumiti habang umiiyak.) Jacob!! Ikaw (bigla akong napatingin sa kanya) Oo, tanggapin mo na kasi si Patrick!! Mahal ka naman talaga niya eh!! Swear!! Naniniwala ako sa destiny!! YOU BOTH HAVE DESTINED TO BECOME AS ONE!!! Believe me!! Gayahin mo kami ng Tito Robbie mo!! Maging masaya ka sa piling ng tunay mong mahal!! Teka(tumingin sa relos niya) aalis na pala ako!! Kailangan ko nang magtrabaho!! Sige Lei.. Pinauubaya ko na sa'yo kapatid ko!! Wag na wag mo siyang sasaktan kundi.. Papatayin ko daddy mo..(sabay tawa..) bye now my bunso!!tawagan mo ako kapag nag-reveal na si Lei sa'yo.."

Biglang lumambot ang puso ko. Hindi ko na pinagpatuloy ang panonood ko sa video clip ng mga mahal ko sa buhay. Agad na binaba ko ang ulo ko at nagsimulang umiyak. Mga luhang unti-unting pumapatak hanggang sa naging sunod-sunod na parang umuulan. Bigla kong na-miss ang lahat ng mga tao sa videoclip niya. Si Cheney, na minsan ay natutuhan kong mahalin at si Kuya Kenneth, na nag-udyok sa akin para sundin ang tibok ng puso ko at hindi ng isip ko.

Ipinikit kong muli ang mga mata ko. Sa puntong yun, sinabayan ko na rin ng madiin na pagtiklop ko sa mga palad ko. Gusto kong sumuntok!! Gusto kong ilabas ang sakit!! Gusto kong ipakita sa kanila ang paghihirap ko sa mga nangyayari sa akin ngayon!!

"TAMA NA!! TAMA NA!! Ayoko nang makita o mapanood ang lahat!! NASASAKTAN LANG AKO!! Lahat ng ipinapakita nyo sa akin ay wala lahat!! Wala sila sa buhay ko!!"

Kaagad na lumapit sa akin si mommy. Umupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang buhok ko at sinabayan din ng paghimas.

"Anak!! Kaya mo yan!! Nandito lang kami ng daddy mo para alalayan ka!! Mahal ka ni mommy at susuportahan kita sa ide-desisyon mo!!"

Pinagpatuloy ko pa rin ang pag-iyak. Sa sobrang sakit, napahagulgol ako. Ipinakita ko sa lahat kung gaano akong nasaktan sa mga nangyayari sa akin sa buhay ko. Agad silang pumalibot sa harap ko hanggang sa iwanan na nila si Patrick na nag-iisa.

"Jay, sorry din kung hindi ko kaagad sinabi sa'yo yung totoo. Pasensiya na kung naging makasarili ako at ng mga barkada natin sa ginawa namin sa'yo!! Handa kaming tanggapin ngayon kung ano ang ide-desisyon mo ngayon! Kahit masakit! Ok lang sa amin!!" sabi ni Joseph habang hinihimas ang likod ko.

"Kayong lahat! Labas na kayo dito. Pinatatawad ko na kayo!! Isa lang ang hindi ko kayang patawarin at yun ang lalaki na niloko ako at ginawa akong gago for 14 years!!!"

Inakap nila akong mahigpit. Samantala, sa isang tabi, nakikita ko si Lei na nililigpit ang DVD set habang umiiyak. Para siyang bata kung tutuusin. Sabay sa pag-iyak niya ang pagsinghot dala na rin siguro ng baradong ilong na naipon habang umiiyak. Nakakaawa siya kung tutuusin pero hinding-hindi ko siya patatawarin!

Habang umiiyak sa harapan ng mga kasama at kabarkada ko, biglang tumakbo papalabas sa kwarto si Patrick. Binitawan niya ang DVD Set na nililigpit kanina. Ni wala man lang umawat sa ginawa niya. Nakita kong sinundan siya ng kanyang mommy para samahan siya sa pagluluksang ginawa ko sa kanya hanggang sa nakarinig ako ng sigaw mula sa ibaba na parang may nangyaring bungguan sa labas.

"Tulungan ninyo ako!! My son!! Anak!! Gumising ka!!"

Biglang nagkagulo sa labasan malapit sa N. Zamora St. Tumingin ako sa bintana. Nang nakita ko, bigla akong nagulat sa aking nasaksihan.

Nasagasaan si Patrick sa labas. Nakabulagta. Hindi ko alam ang gagawin kung pupuntahan ko ba siya o hindi. Para akong natakot! May kung anong pumasok sa isip ko na mag-alala para sa kanya!! Gulong-gulo ulit ako!! Pinipigilan ako ng isipan ko na wag siyang pakialaman ngunit sinisigaw naman ng puso ko na sundan siya sa labas at tulungan siya. Hindi! AYAW KONG MAWALA ULIT SIYA SA PILING KO!! Sa Kabila ng galit na nararamdaman ko sa kaniya, MAHAL KO PA RIN SIYA!! Grrrr!! Nakakaasar!! Hay naku!! PAKSHET NA PAG-IBIG TO!! Di na ako makikinig sa dinidikta ng isip ko! Wala na rin akong pakialam sa nararamdaman kong galit sa kanya! BAHALA NA!! Pupuntahan ko siya!! Kailangan niya ako dun!!

"Patrick!! Mommy!! Please!! Tulungan natin si Patrick!!" Paanyaya ko kay mommy habang nagmamadaling bumaba paa tignan ang nangyari sa pinakamamahal ko.

Kumaripas ako ng pagtakbo sa ibaba para tulungan ang minahal ko ng buong buhay ko. Nang nakarating kami sa lugar ng aksidente, Bigla akong na-shock!! Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya. Hindi na ako nagpatumpik pa! Kaagad na lumuhod ako at kinuha ko si Patrick na duguan at niyakap siya ng mahigpit.

"Patrick!! Kung mawawala ka sa akin ngayon, hindi ko ito makakaya!! Lumaban ka, Patrick!! Kailangan pa kita sa buhay ko!! Pasensiya na! Pasensiya na talaga!!"

Biglang tumulo muli ang luha ko sa kanya. Ang sakit at galit ng nangyari kanina ay unti-unti nang napapalitan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa taong minahal ko ng sobra-sobra.

"Ah.. Ja— Jay— Jacob ko!! Mahal na mahal kita!!"

Tinapat ko ang pisngi ko sa pisngi niya. Nararamdaman ko pa ang kanyang maiinit na hininga. Nakapikit siya at mukhang wala nang malay. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang kanyang mukha na napaka-inosente at mukhang anghel. Ayaw kong mawala si Patrick sa buhay ko! Nandito siya para mahalin muli ako at hinding-hindi ko ito hahayaang mawaglit pang muli.

"BUHAY PA SIYA!! DALI!! Tumawag kayo ng masasakyan!!(sabay tingin kay Patrick) baby bro ko!! Wag kang bibitaw!! Andito na si Big bro!! Mamahalin ka na ulit niya!!"

Kaagad na pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang manggas ng T-shirt ko. Nakarinig ako mula sa likuran ko na may nagbusina ng tatlong beses. Nang lumingon ako, nakita ko ang pulang Pajero na sasakyan ni Tita Susan dati. Buhay pa pala yun? Binuhat ko agad si Patrick at dinala sa sasakyan. Kasama ko rin ang mga barkada ko, si mommy, mommy ni Cheney at mommy ni Patrick.

"Patrick ko!! Wag kang bibitiw!! Mahal na kita at pinapatawad na kita!! Sana mapatawad mo na rin ako... Sorry Patrick!! I'm sorry!!!"

Umiiyak ako habang nakakarga sa aking mga kamay ang noo'y walang malay na si Patrick. Nakikita ko ang mga luha ko na pumapatak sa malaporselanang kutis ng mukha niya. Ang tangos ng ilong niya ay kaagad kong hinipo. Habang hinihipo gamit ang hintuturo ko, bigla siyang lumuha. Luha na dire-direcho. Kaagad kong kinuha ang buo niyang katawan at niyakap siya. Siguro, ito na ang pinakamalungkot na nangyari sa buhay ko na naaksidente si Patrick despite dun sa ginawa niyang kasinungalingan sa akin.

Dinala siya sa UST Hospital kung saan sinugod at ki-nonfined si Cheney. Binaba ko kaagad si Patrick habang nakapasan sa likod ko at inihiga sa isang higaan exclusively for accident-caused patient. Habang naglalalakad ay hawak-hawak ko ang kanyang mga kamay at kaagad na idinala sa emergency room para gamutin.

Samantala, habang nasa labas ng emergency room, tumingin ako sa isang altar malapit dun at nagpasiyang pumunta. Nang makarating, tinignan kong mabuti ang imahe ni Jesus Christ na nakapako sa krus. Sa hindi inaasahan, bigla kong sinapak ng napakalakas ang isang dingding sa gilid ng altar.

"Ano?! Diba eto yung gusto ninyo sa akin?! Pinahihirapan ninyo ako!! Kinuha ninyo si Cheney sa akin tapos, ano?! Kukunin ninyo si Patrick?! Unfair po kayo!! Lahat ng mahal ko, kinukuha ninyo sa akin!!"

Umiyak ako ng umiyak. Wala akong pakialam kung nakaka-eskandalo ako o hindi. Gusto kong ilabas ang lahat!! Gusto kong magalit sa sarili ko!! Sa pagkakataong hindi ko minahal si Patrick!! Na puro galit at poot ang namayani sa puso ko para sa kanya. Na hindi ko pinahalagahan ang lahat ng malasakit niya sa akin!!

Biglang lumapit sa akin ang mommy ni Patrick. Niyakap niya ako. Ibinaba niya ang kamao ko at dinala ako sa upuan para kalingain at damayan.

"Anak... Alam ko ang pinagdadaanan mo. Napagdaanan mo na rin yan noong nagkasakit at namatay ang pamangkin ko. Masakit anak, pero kailangan mo na magpakatatag!! Kailangan ni Patrick yun ngayon!! Masakit para sa kanya na magtapat sa'yo pero sana, kahit konti lang! Ma-appreciate mo ang mga ginawa sa'yo ni Patrick sa buhay mo."

Dire-direcho akong umiyak. Sa puntong yun, para akong namatayan. Ang sakit ng nararamdaman ko ay ibinuhos kong lahat, hanggang sa dumating ang duktor sa galing sa ng ER kasama ng mommy ni Cheney at hinanap si Tita Susan.

"Who is the patient's relatives? Oh are you, Ms. Francisco, by the way, ma'am your son is already fine! Wala siyang natamong major injuries sa accident niya. Maybe tomorrow you can now bring him home, well anyway, who's Jacob?!"

Agad akong pumunta sa harap ng duktor na pamilyar na rin sa akin.

"Doc!! What about Patrick? Is he in good condition? What? I need an update now!!"

"Well iho, just relax!! , By the way, ako yung doktor na nag-opera sa kaibigan mo, si Lei! Siya nga! Natatandaan mo pa ba?! Yung nag-donate ng bone marrow sa kaibigan niya!! Well, I was thrilled knowing na tinatawag ka ulit niya sa loob! And the interesting part is, tulog siya!! Yup!! You heard it right!! Tulog siya na habang sinasabi niya na mahal ka niya!! Kayo talaga!!"

Biglang sumigla ang kaninang tumatangis kong puso. Gusto kong puntahan si Patrick! Gusto kong malaman kung ano ang kalagayan niya ngayon?

Makalipas ang ilang oras at nilagay na siya sa recovery room. Kaagad ko siyang pinuntahan sa loob habang ang iba kong kasama ay nagpasyang hindi muna papasok.

Nang nakapasok, agad akong lumapit sa kanya. Kinuha ang kanyang mga kamay at nilaro.

"Baby bro ko!! Si Kuya Jacob to!! Alam mo, NAPATAWAD NA KITA!! Ngayon, ang gusto ko ay mahalin mo rin ako. Mahalin mo ako ng hindi ikaw si Patrick, kundi si Lei."

Napatingin ako sa patient's nametag niya. Bigla akong nagulat sa aking natuklasan! Ang nakagisnan kong pangalan niya na Kleinstein Francisco ay kulang pala. Ito ang totoong pangalan na nakita ko sa kanya.

"JAN PATRICK KLEINSTEIN V. FRANCISCO"

Yun ang totoo niyang pangalan. No wonder kung bakit may napansin akong nakabura sa Christmas Card na ibinigay niya sa akin at yun pala yung pang-third na pangalan niya. Kinuha ko yung tag niya at tinitigang mabuti.

"Hay naku, Patrick!! Ikaw pala ah!! May sikreto ka pang hindi sinasabi sa akin. Yung totoo mong pangalan!! Ang gamit mo nung highschool ay iba pala sa pangalan mo na nasa tag mo ngayon!! Ang galing mo rin magtago my baby bro ah!! Hehehe.. Joke lang!! I love you!! Baby bro!!"

Habang natutulog, kinurot ko ang mga mapuputing pisngi niya na nanggigigil hanggang sa bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"Suprise!!"

Biglang nagising si Lei. Kinuha niya ang ulo ko at sabay hatak papunta sa mga mukha niya.

"Sabi ko na nga ba eh, mahal mo rin ako!! So what kung tinago ko sa'yo ang totoong pangalan ko? Hindi na importante yun! Ang mahalaga, yung pangalan mo ang nakatatak sa puso ko. Can we just start all over again?!"

Hindi ko siya kinibo. Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya. Ang mga maliliit na pouted na labi, ang mala-hazel brown na kulay ng mga mata nito, ang pointed na ilong niya at higit sa lahat, ang mga naglalakihang mga dibdib niya na dati ay maliit lang.

Bigla akong hinalikan sa labi ni Lei. Napapikit ako. Dinama ko ang halik niya na una kong nalasahan noong mga bata pa kami. Si Patrick na nagkukubli sa katauhan ni Lei pala ang una at huli kong mamahalin. Ramdam ko ang kanyang pagmamahal sa mga halik na ibinibigay niya sa akin. Siya nga si Patrick!! Siyang siya.

-----o0o-----

Kinabukasan ng gabi, kakagaling lang niya sa hospital, medyo nakakayanan na ni Patrick na ilakad ang kanyang mga paa. Nasa loob pa rin ako ng bahay nila para bantayan siya habang may tama ang kanyang likod.

Pumunta ang mommy niya para kumuha ng makakain namin at pagkatapos nun ay inalalayan ko siyang umupo sa sofa.

"Kuya, maraming Salamat sa lahat ah!! Akala ko, mabibigo akong sabihin sa'yo ang katotohanan sa pagkatao ko!"

"Baby bro, ok lang yun!! Ang importante, magpagaling ka! Tandaan mo, mahal na mahal ka ni kuya!!"

"Ay.. Teka kuya, kukuha lang kita ng makakain."

"Teka, baby bro, ako na lang!! Umupo ka na lang diyan at baka mahirapan ka!"

Kinuha ko ang pagkain na niluto ni Tita Susan sa amin and guess what?! Ang niluto niya ay chocolate cookies na pinagsaluhan namin noong bata pa kami! Kumuha ako ng mauubos namin ni Patrick at pagkatapos nun ay pumunta sa kanya.

"Baby bro, medyo malabo pa sa akin ang lahat eh?! Pwede bang sabihin mo kay Big bro kung bakit naging ikaw si Patrick?!"

Biglang dumating sa usapan namin ang mommy niya, si Tita Susan.

"Ay, iho!! Teka mukhang may nakalimutan akong dalhin sa inyo! Ah!! Yung iced tea!! Saglit lang ha?!"

Kinuha ni Tita Susan ang iced tea sa loob ng ref at dinala sa amin. Umupo siya sa tabi ko habang nag-uumpisa na siyang magkwento ng lahat ng bagay na nangyari sa kanya simula noong nasa amerika siya hanggang sa dumating ang oras na ni-reveal niya ang sarili niya as Patrick.

Dumampot ako ng dalawang pirasong chocolate cookies at ibinigay yung isa sa kanya at tinuloy ang kwento habang kumakain.

"Actually, noong nasa america ako with mom, lagi akong malungkot nun. Minsan nagta-tantrums ako sa kanya kasi gusto kitang makita. Nagwawala ako as in. Lagi akong walang ganang pumasok sa school, yung Jacksonville Academy at minsan ay nagka-cutting classes pa kasama si Jan. Actually, naging magbestfriend kami ni Jan nun. He always comforting me that time when I was crying. Siya rin ang dahilan kung bakit gusto niya akong umuwi sa Pilipinas para makasama ka. To tell you, kuya, our similarities in names were just purely coincidental. Jan Patrick siya, while me is Jan Patrick Kleinstein. Kleinstein dahil dun sa barko kung saan nakita ni daddy ang happiness niya sa kuya mo. Nakaka-inspire nga eh, kaya that was the time I emulated my dad kaya naging bisexual ako at my younger age, pero discreet lang. Gumawa rin ako ng diary notebook para mailabas ko ang pangungulila ko sa'yo at dun ko lahat inilagay yun."

Nagsalin ako ng isang basong iced-tea at ibinigay sa kanya. Hindi ko muna itinuloy ang pagku-kwento niya sa akin para makainom siya ng kaunti. Pagkatapos nun ay bumalik siya sa kinukwento niya.

"Nagalit sa akin si granny noong nagwawala ako ng dahil sa'yo kaya nagkulong ako. Dinam-dam ko ang pagkawala mo sa buhay ko kaya, nagdecide ako to kill myself by means of slashing my wrist, pero bago yun, nagsulat muna ako sa notebook ng "Sorry Jacob!! I still do love you" ng paulit-ulit hanggang sa mapuno ko ang isang page ng balikan at nang natapos yun ay dun na ako nagpasyang kitilin ang buhay ko kahit bata pa ako."

"Tumulo ang mga dugo ko, pagkatapos ay inilagay ko sa page ng notebook ko para alalahanin ang araw nun na wala ka sa piling ko. Nawalan ako ng malay because I lost some of my bloods in my body and had caused me to be fainted that time.
I was ran abruptly into the hospital and had confined there for six consecutive days. Malalim ang sugat na ginawa ko sa sarili ko, that's why I have some scars here in my wrist."

Pinakita niya ang pulso niya na may peklat. Yun yung napansin ko sa kanya dati noong highschool. Kaagad kong kinuha yung kamay niya at hinawakan ang peklat sa pulso. Mukhang malalim nga. Binaba ko ang kanyang mga kamay pagkatapos at hinayaang siyang magsalita ulit.

"That day, gusto ko nang mamatay! Ayoko ng mabuhay dahil hindi na kita makikita. Naaawa sa akin si mommy kaya nangako siya na ipagpapatuloy ko ang pag-aaral sa Pilipinas ng highschool basta't tapusin ko lang ang grade seven ko. Pagkatapos ma-confined, biglang sumakit ang ulo ko, pati na rin ang mga mata ko. Napansin ko rin na biglang lumalabo ito habang tumatagal ang sakit. Kaagad na dinala ako sa optometrist para malaman ang dahilan ng biglaang paglabo ng mata ko at binigyan ng salamin pagkatapos."

"Tinulungan ako ni Jan na gumawa ng plano. Siya ang may pakana nito. Kailangan ko raw magpanggap na hindi ako si Patrick para daw malaman ko kung talagang mahal mo ako. Gusto niya na mahalin mo ako ng hindi sa pangalan ko kundi sa ibang pagkatao. At first, hindi ako pumayag, pero kinulit niya ako. Kailangan ko raw gawin yun para malaman kung gaano mo ako kamahal. Nangako siya sa akin na pupunta siya ng Pilipinas para tulungan ako sa plano ko basta sabihin ko lang kung kailan."

"Umuwi ako sa Pilipinas. Medyo nagiging maayos na ang pagtatagalog ko. Nasanay yun dahil ayaw ko na makipag-usap kay mommy ng English para hindi makahalata yung mga magiging kaklase ko na galing ako sa ibang bansa. Kaagad na kinausap ko si Cheney para sabihin na nasa Pilipinas na ako. Sinabihan ko rin siya na i-sikreto ang pag-uwi ko para matuloy ang plano. Naging kasabwat ko siya. Siya ang nagsabi sa akin ng lahat ng tungkol sa'yo. Nalaman ko rin sa kanya na naging kayo pagkatapos. Masakit para sa akin na nalaman yun sa kanya, pero kailangan kong maging matatag. Nagkita kami noong bakasyon noong 2002 para pag-usapan ang lahat ng ipa-plano. Sorry Jacob, pero kailangan naming matuloy ito hindi para sa amin kundi para na rin sa'yo."

"April, 2002, nagpa-enroll ako. Inayos ng mommy ni Cheney yung dokumento para maiba yung pangalan ko as Jan Patrick Kleinstein to Kleinstein lang. Gusto kong walang makaalam na ako si Patrick lalo ka na. Nagpasuyo rin si mommy sa kapatid niya para dun muna ako tumira ng pansamantala. Naging kasama ko nun si Tiffany. Siya yung parang naging kapatid ko. Sa kanya ko rin sinabi pati yung sikreto ko."

"Pasukan noon at pa-second year high school na ako. Wala akong kakilala at kasama nun. Hindi ko alam na magiging kaklase kita, at hindi ko rin alam na ikaw si Jacob, until the time came out na nakita ko si Cheney na kasama ka. Kaagad na sinenyasan niya ako nun noong nakita ko kayong magkasamang naglalakad sa corridor. Siya ang nagkumpirma na ikaw nga si Jacob, ang one true love ko. Siya rin ang naging dahilan para nagkakilala tayo at maging ka-close. Actually, I owe her because when that moment happened, para ka na ring bumalik sa piling ko."

"First time na niyaya kita sa bahay ko, actually, I was in doubt that time. Hindi ko alam kung mahuhuli mo na ako. Especially nung sinabi sa'yo ni Tiffany na ikaw yung GF ko, I mean, BF ko. I really don't know what to do when Tifanny asked you about that, buti na lang at hindi mo siya pinansin. Yung tungkol sa wallpaper ko sa desktop, well, ako gumawa nun. Talagang pinakita ko sa'yo yun just to appreciate it and I didn't failed to do so."

"Yung tawagin mo akong kapatid, yun yung second step ko. Tinulungan ako ni Tita para gawin yun. At first nagdadalawang isip ako. After she asked that to you, I was find a relief for that. Ngayon na natatawag na kitang kuya, masayang masaya ako at feeling ko, yun ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko."

"I was with Cheney when I decided to reveal to you my real identity. Magpapasko nun kaso, may sakit siya. She wanted me to reveal anything before she will leave us. Gagawin ko talaga yun kaso naunahan lang ako ng takot, ng kaba, ng....argh!! Basta kuya!! Kaya instead na harapin ka nung Christmas, nagpadala na lang ako ng X-mas letter sa'yo at para na rin makipagkita sa'yo at reveal out sa harapan mo na ako at si Patrick ay iisa."

"Sinamahan ako ni Cheney para damayan ako sa gagawin ko. Sasabihin ko na sana ang lahat nang biglang dumating si Father Michael at biglang nag-seizure si Cheney na dahilan para manghina siya and mamatay eventually."

"Hindi ko alam kung matutuloy ang plano ko na sabihin sa'yo ang totoo. Nagulat ako noong nalaman ko na namatay si Cheney! Alam mo Kuya, yun ang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko! Ang pag-asa ko na magpakilala sa'yo ay nawala na instantly.."

"Buti na lang at tumawag si Jan overseas para kamustahin ako. Dun ko sinabi sa kanya na kailangan ko ang tulong niya. Agad na dumating siya sa Pilipinas nung first day ng burol ni Cheney at nagboard malapit sa SM Manila. Actually, hindi siya pamilyar sa mga schools dito pero kinulit ko lang talaga siya para mag-aral dito, at yun, tinupad naman niya. Actually, pure male siya! Nagsinungaling siya na bisexual siya sa iyo. May GF siya at dito rin nag-aaral sa Manila. Bigla siyang napalunok ng laway nung sinabi ko sa kanya na magpapanggap siya na makipagrelasyon sa'yo. Masakit!! Kaya napaiyak ako nung kumakain tayo sa starbucks sa SM Manila kung saan nakita mo kami."

"Umiyak ako nun dahil nakikita ko kayong sweet noong oras na naging kayo. Ayaw kong masaktan that time, kaya lumalayo ako sa inyo para dumistansiya sa sakit na nararamdaman ko everytime I saw both of you together. Kuya, ito yung masakit!! Ayaw ko sanang gawin pero kailangan!! Sinabi ko rin sa kanya na isumbong ka sa daddy mo about your sexual preference para maging malaya ka sa kung sino ka talaga. Sana kuya maunawaan mo ako!! Sorry kuya!! Sorry talaga!! Tama lang na magalit ka sa akin!!"

Hindi na tinuloy ni Patrick yung ibang kwento. Bigla siyang umiyak sa harapan ko habang nakatingin sa kanya. Kinuha ko siya at sabay niyakap.

"Baby bro ko, past is past!! Now, I would let you to start all over again. Hindi ka na si Lei, si Patrick ka na so you have nothing to worry anything. What matters most is you're already here beside me. Baby ko, mahal na mahal na mahal na mahal kita!!"

Iyak pa rin siya ng iyak. Parang bata kung tutuusin. Kung ikukumpara ang sitwasyon ko sa kanya, parang siya ang mas maraming pinagdaanan kesa sa akin. Ramdam ko sa bawat patak ng luha niya na bumabagsak sa balikat ko ang pagsisisi sa ginawa niya sa akin. Tama na ang minsan ay nasaktan ako sa mga ginawa niya. Masaya ako dahil nagpatawad ako ng buong puso at ngayon ay handa ng harapin kung ano ang nakatakda sa amin..

Ano pa kaya ang mangyayari sa amin pagkatapos ng mga sandaling ito?

Itutuloy..

2 komento:

  1. biting na naman ahhh sana update and more sex

    TumugonBurahin
  2. si innoh po ito.. medyo matatagalan po ang paggawa ko ng novela pero maybe next year maka gawa ako ulet.. again thanks po sa pagbasa ng ang kwintas ang snickers at si Patrick...

    TumugonBurahin