Ano ba ang pagiging bakla? Paano nasasalamin ang bawat kwento ng pagiging bakla? Halina't tuklasan ang hiwagang nababalot sa makamundong pagnanasa ng mga kabadingan at mga silahis at ng mga di sigurado sa sexualidad. Handa ka na ba?
Sabado, Enero 14, 2012
Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (ANG PAGWAWAKAS!!)
Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.
AUTHOR'S NOTE:
----> Maligayang Kapistahan ng Banal na Sto. Niño sa inyong lahat!! Heto na ang pinakahuling kabanata ng seryeng sinusubaybayan ninyo.. Salamat sa mga readers na nagbigay oras para basahin mula Part 1 hanggang sa huling kabanata ang seryeng ito.. Ako at si Patrick ay malugod na nagpapasalamat sa inyo!!! NAWA'Y PAKIHINTAY PO ANG PANGALAWANG SERYE NA GINAGAWA KO PA LANG AT POSIBLENG I-LAUNCH SA ABRIL O MAYO, PAGKATAPOS NG UNANG TAON KO SA PAG-AARAL.. (in short, pahinga muna pansamantala.. Hehehe..)
Hindi naman ako mawawala sa inyo, bagkus ay magsusulat pa rin ako ng mga SHORT STORIES habang ako'y magpapahinga at naghahanda para sa midterm exams sa MBA ko...
Salamat din sa mga:
Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... ALAM NINYO NA!! Hehehehe..)
Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina clyde (thanks po!! I appreciated much!!) doki, John Gerald, Don, Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, makki, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince, Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus, dark_ken, jasper.escamillan, Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, BourbonConan, chris018, jayfinap, zenki, Ronn, ogie8906, JhayCie at sa mga iba pa na hindi ko na nabanggit... Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko at MA-MI-MISS KO KAYONG LAHAT!!
ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!
(This story is based on my REAL LIFE. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)
Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.
DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.
To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:
Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/ or just type: Bisexual/Faggot's Kiosk
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)
---------------------------------------------
Last Part, Part 36
Nang sumunod na araw ng aming pagmamahalan ni Patrick, pinili ko na ligawan niya akong muli. Well, kailangan yun dahil hindi naman siya si Lei ngayon na minahal ko eh, so back to zero siya sa akin ulit.
Pumunta kami ng simbahan ng Tondo para magsimba. Pista ng Poong Sto. Niño de Tondo. Sa labas, makikita ang iba't-ibang mga banda na tumutugog ng mga nakakaaliw at nakakaagaw pansin na pagsasayaw ng mga batang bading at ng mga transgender. Andun ang mga iba't-ibang tao sa labas, kabilang ang mga magbabarkada, mga magkasintahan, mga pamilyang namamasyal sa labas at siyempre, mga pulubi at mga batang gusgusin na siguro ay trademark na ng kinalakihan kong lugar, ang Tondo. Andun din ang mga tipikal na nga namamanata sa loob ng banal na lugar. May mga taong nagsisimba para magpasalamat at humingi na rin ng kapatawaran sa mga ginawa nilang kasalanan. Maingay sa loob, pero hindi alintana sa amin yun ni Patrick. Nandun kami hindi lang magsimba kundi magpasalamat sa poon dahil sa wakas ay nakapiling ko na ang Patrick ko na akala ko'y suntok sa buwan na lang siya makikita.
Pagkatapos nun hinanap namin si Father Michael. Nakita namin siya at kami naman ay binasbasan pagkatapos. Nagpasalamat ako sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit natanggap ko sa puso ko ang pagbubunyag ni Lei na siya si Patrick.
"Iho, wag kang magpasalamat sa akin. Hindi na importante yun sa ngayon. Kahit taliwas sa aral at turo ng bibliya ang pagmamahalan ninyo, nararamdaman ko naman, na naiintindihan ng poon ang lahat ng iyon. Nawa'y pagpalain kayo ng mahal na Sto. Niño at sumainyo nawa ang pagmamahalan na walang hanggan."
Umalis kami na natapos ang pagbabasbas ni father sa amin. Lumabas kami ng hawak-hawak ang aming mga kamay hanggang sa nakita namin si Aling Linda na may mga tindang bago pa.
"Mga iho!! Natutuwa akong magkasama kayo ngayon!! NAGKATOTOO ANG HULA!! Kayo ang itinakda para mahalin ang isa't-isa!!" sabi niya habang nakaupo at nakamasid sa aming dalawa.
"Hindi po namin sadya na hanapin namin ang pag-ibig sa isa't-isa. Nagkataon lang po ang lahat!!" sabi ko habang hawak-hawak ang kamay ni Patrick.
"Mali iho, mali ang tinuran mo!! Hindi yan nagkataon. Tapos nang habiin ng mga tala ang mga kapalaran ninyo!! Narinig ninyo sa isa't-isa ang mga hagikhikan, mga oyayi at mga bulong ng mga tala ninyo at naging dahilan ito para makita ang isa't-isa habang hinahabi ang mga bawat sinulid na siyang magdadala sa inyo sa iisang kapalaran, na MAHALIN ang isa't-isa ng walang hanggan. Ito ang nakatakda at dapat na mangyari sa inyong dalawa!! Hala!! Sige!! Ipagdiwang ninyo ang araw na ito dahil kayo naman ulit ang maghahabi sa ibang mga tala."
Napakalalim ng ibig niyang sabihin. Napaisip ako. Siguro ang paghahabi nga ng mga tala sa amin ang naging dahilan para maging isa ang kapalaran namin na mahalin ang isa't-isa. Mapalad kami, dahil naging masaya at kuntento sa pagmamahal na ibinibigay namin sa aming relasyon. Sana, tama si Aling Linda. Sana hindi maputol ang sinulid na hinabi ng aming mga tala upang maging isa ang kapalaran namin. Ang mahalin ang isa't-isa ng walang hanggan..
Habang nagmumuni-muni at iniisip ang mga bagay na iyon, bigla akong inakbayan ni Patrick.
"Salamat po sa inyo, Aling Linda!! Hindi-hindi po namin kayo makakalimutan sa sinabi ninyo! Mamahalin ko po ng walang hanggan ang lalaking itinakda ng mga bituin namin sa langit, di ba Kuya?!"
"Oo naman, baby bro ko!! Ay, siya nga po pala, baka gusto ninyong sumama sa amin para sa maliit na salu-salo ngayong kapistahan ng Sto. Niño?!" tanong ko na may pag-aanyaya sa matandang nanghula sa amin.
"Ay, Huwag na mga iho!! Huwag ninyo na akong pansinin dito! Maraming Salamat na lang!! Sige na!! Humayo na kayo't lasapin ang tadhanang itinakda sa inyo ng inyong mga tala't bituin!!"
Nagpasya na kaming umuwi ni Patrick habang nakangiting iniiwanan namin si Aling Linda kung saan namin siya nakita mula sa loob ng simbahan kanina. Kaagad namang kinuha ni Patrick ang kamay ko habang kami ay naglalakad at nagsimulang umuwi patungo sa aming bahay para pagsaluhan ang munting salu-salo para sa pagdiriwang ng Pista.
Nakauwi kaming dala-dala ang natupad na mga hula. Masaya ako dahil si Patrick pala ang nakatakda sa akin para mahalin, kaso, nagkubli lang siya sa pagkatao ni Lei na nagpatibok sa nangungulila kong puso para kay Patrick na noo'y wala sa piling ko.
-o0o-
E P I L O G U E
Lumipas ang mga araw at mga buwan na nililigawan ako ni Patrick. Talagang matiyaga niya akong nililigawan sa kabila ng mga paghihirap na ginagawa ko sa kanya. Wala sa akin ang pagsisisi kasi kasalanan din naman niya. Kung kaagad niyang sinabi sa akin ang totoo na siya si Patrick nung una kaming nagkita ay hindi siya nahihirapan ng ganito. Buti na lang at nandyan ang mga kabarkada ko para tulungan sa pagpapahirap kay Patrick.
Speaking of barkada, uumpisahan ko ang kwento sa mga nangyari sa amin after the unforgettable revelations ni Lei as Patrick kay Gelo, ang bestfriend kong discreet na bading. Nangyari yun ng pumunta kaming apat ni Patrick para mag-gym. Habang nagji-gym, napansin kong panay ang titigan nilang dalawa. Napansin din ni Patrick yun. Umalis si Gelo at sumunod naman si Hiro pagkatapos, sinundan namin sila sa CR hanggang sa naaktuhan namin sila sa cubicle na chinu-chupa ni Gelo si Hiro habang nakaupo. Well, hindi na sila makapagsalita pa. action speaks louder than words eh, kaya inamin din nila sa huli na naging sila na for one month.
Samantala, si Joseph naman, nagiging mas sweet sila ng boyfriend niyang si Gino. Gusto ko sanang isulat at gawing kwento ang pag-iibigan nilang dalawa kasi ang ganda ng love story nila eh. Pag may time ako, baka magbago isip ko.. Hehehehe!! Nagsimula yun sa dare ng barkada ni Gino na puro certified 100% male na ligawan ang tatahi-tahimik na si Joseph nun. Hanggang sa may nangyari sa kanila habang nag-iinuman sa kwarto ni Gino na silang dalawa lang. After nun, naging sila. Siguro nahanap nila ang magical spark sa isa't-isa despite na mayroon silang girlfriend noon.
Si Nikol at Shaine naman ay naging mas sweet pagkatapos ng isang pagsubok sa relasyon nila. Una, nahuling ka-sex ni Nikol si Shaine sa loob ng kwarto niya na kapartner ang kaklase niyang babae rin. In short, may tendencies si Shaine na bisexual rin siya. Tiboli siya in all fairness!! Siyempre, what comes around, goes around, kaya nahuli rin ni Shaine si Nikol na may ka-sex na lalaki sa kwarto niya. Well, ganun talaga, pagsubok na eventually, pumanday sa relasyon nilang dalawa. Minsan nga, sinasama nila ang mga nakapartner nila para FOURSOME daw. Ang weird para sa kanila pero mukhang nasasayahan naman sila sa ginagawa nila.
Si Jayson, Naging business minded siya kaagad at the age of 19. Bihira kasi sa age namin na maging business minded dahil masyadong risky eh. Tinulungan ko siyang magplano ng business para sa kanya. Until may pinakilala akong lalaking kaibigan ko na me itsura naman para maging ka-sosyo niya sa business dahil hindi pa ako handa para dun. Habang tumatagal, ang walang bahid na si Jayson ay biglang bumigay dahil nakita ko sila somewhere in intramuros na magkahalikan ng lalaking kaibigan ko para magnegosyo. Napaakap tuloy ako kay Patrick ng hindi oras dahil napaka-sweet nilang ginagawa yun na walang humahadlang sa kanila. Ang Jayson na tatahi-tahimik pagdating sa sexual preference ay bumigay na rin.
Nakaplanong magpropose si Jan sa girlfriend nito. Minsan, nakausap ko siya sa skype at humihingi ng tulong sa akin para magpropose sa girlfriend niya. I was also surprised that time when I knew his girlfriend's name was Cheney. Cheney Gaston ang real name niya. Half-american, half-Filipina. Kapangalan pa ng naging girlfriend ko. Siya yung girl na humalik kay Jan noon. Kinausap ko si Patrick para pagplanuhin ang proposal sa girlfriend ni Jan at nagtagumpay naman kaming napasagot ang GF niya. Ikakasal sila sa 2013 at invited kami dun.
Mapapansin sa mga barkada ko, this college ko lang natuklasan ang mga sexual preferences nila. Akala ko, tunay na lalaki at brusko sila sa paningin ko, pero may tinatago pala silang lihim na ngayon lang nila ibinunyag. Mga late bloomers kasi eh..
Consistent na manligaw sa akin si Patrick. Hindi ko sila pwedeng i-compare kay Lei dahil iba na ang pagkatao niya ngayon. Kailangan makilala ko siya as Patrick at hindi si Lei na bestfriend ko na, kapatid ko pa. Minsan, puro snickers ang binibigay niya sa akin. May mga regalo, pero mas ok na rin sa akin yung mga snickers niya dahil dun ko siya naalala at minahal bukod sa necklace na binigay niya sa akin noon.
Sakto at pang 14th month na niya akong nililigawan ng sinagot ko siya. 14th years niya kasi akong naghintay sa mga pangako niya eh. Nasa puntod kami ni Cheney nun na tulad kay Lei, dun ko rin siya sinagot. Sinabi ko rin kay Cheney na nakita ko na rin si Patrick sa katauhan ni Lei at habang sinasabi yun ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, dahilan para hindi kami sumilong at sinelebrate ang pag-iibigan namin ni Patrick habang sumasayaw, tumatampisaw at ninanamnam ang bawat patak ng ulan na bumabagsak sa aming dalawa ni Patrick habang nasa ibabaw ng puntod ni Cheney.
Taong 2009 at going strong pa rin kami. Lumipas ang graduation namin ng college at masaya naming ipinagdiwang yun ng mgbabarkada. Naunang nagtapos sina Shaine, Joseph at Jayson sa Lyceum, tapos sumunod si Hiro sa FEU. April din nagtapos si Nikol sa PNU ng teacher at sa June magte-take ng licensure exam. Kaming dalawa ni Patrick ay nagtapos noong 2010 dahil kailangan na 5 years naming bubunuin ang engineering course. Si Patrick ay nagtapos din ng Marine Engineering sa Mapúa at ako rin naman ay Mechanical Engineering noong month din ng April, 2010.
Naging anak-anakan naming dalawa si Tiffany at ang alagang asong si Patrick. Gusto ko sanang palitan ang pangalan ng aso na ibinigay sa akin ni Cheney kaso hindi pumayag ang totoong Patrick ko kaya hinayaan ko na lang na ganun ang ipapangalan sa kanya.
Balak naming magpakasal ni Patrick kapag umedad kami ng 25 sa New York kung saan malaya kaming makakapagpakasal dahil legal na rin naman dun ang same-sex marriage. Magma-migrate na rin kasi kami dun dahil American Citizen si Patrick at magse-settle na for good kahit masakit sa mga magulang ko na iwanan ko sila, nangako naman akong uuwi sa kanila twing Pasko, Bagong Taon and even their birthdays.
2010 nang kaming dalawa ay nakapasa sa magkahiwalay na licensure exams. Magkasama kasi kaming nagrereview sa review center sa itaas ng SM Manila at kailangan namin yun ipasa para sumunod kami sa mga yapak ng Kuya ko at ng Daddy niya na malayang nagmamahalan sa abroad.
Ngayong 2012, parehas na kaming 23 years old. Nagtatrabaho si Patrick ngayon as Senior Field Controller ng isang sikat na shipbuilding company sa isang kilalang pier sa Subic at nakaplanong pupunta ng Dubai kasama ko para magtrabaho this year at ako naman ay first year student ng master's degree sa PLM ng business administration every weekends para sa business namin ni mommy at nagtatrabaho at the same time sa isang kilalang call center company as Technical Support Agent na ka-trabaho rin si Joseph ng halos dalawang taon.
---------------------
Kaagad kong isinara ang photo album na binuksan ko. Napapikit ako at nagbuntong-hininga. Sa hinaba-haba ng mga pagsubok na dumating sa buhay ko para makapiling si Patrick ay sa wakas at kapiling ko siya ngayon.
Agad na binalik ko sa cabinet yung mga photo album ko noong High School at College hanggang sa nahulog sa photo album yung picture naming dalawa. Kinuha ko ulit iyon at tinitigang mabuti. Nakakamiss yung mga panahong iyon ano.. Nagma-matured na ako, pero parang kahapon lang lahat ng mga pangyayari at ng mga pinagdaanan sa buhay ko, ANG KWINTAS, ANG SNICKERS AT SI PATRICK. Habang tinititigan ko yung picture naming dalawa ay biglang nag-ring yung Cellphone ko, at napatawag si Patrick..
"Baby bro, ba't napatawag ka?!"
"Ah.. Kuya na-miss lang kita. Pupuntahan kita diyan sa inyo para kumain sa labas ah?!"
"Sige baby bro, mag-ingat ka habang nagmamaneho ah!! Ayaw kong matulad ka sa mga minahal ko na iniwanan ako!!"
"Sus, Ikaw naman Kuya, hinding-hindi kita iiwan!! Sige basta hintayin mo ako dyan ah!! Mahal na mahal na mahal na mahal kita!!"
"Siyempre ano!! Ako rin! Sige, hihintayin kita dito.. Salamat sa pagmamahal mo!!"
WAKAS-
(PAKIHINTAY pong muli ang susunod na seryeng hango ulit sa totoong karanasan... Salamat po, mga KA-BFK!!)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
yes, hintayin ko ang bagong mong kwento na maka inspire sa buhay naming mga gay, bi at tripper. mayrron kaming mga aral na pulot sa iyong mga kwento sa buhay.
TumugonBurahinMaraming salamat, Jacob, sa pagbabahagi ng iyong kwento, although I admit nadi-distract ako sa mga grammar talaga. Ang tanong ko lang, nai-post na ba ang next serye na tinutukoy mo? Paki-inform ako. Salamat talaga!
TumugonBurahini love this story so much..
TumugonBurahinsi innoh po ito.. medyo matatagalan po ang paggawa ko ng novela pero maybe next year maka gawa ako ulet.. again thanks po sa pagbasa ng ang kwintas ang snickers at si Patrick...
TumugonBurahinNew account po ni iNNOH!! Sa mga updates po ng bago kong blog just visit www.pINNOHy14.blogspot.com thanks!
TumugonBurahin